CHAPTER 22 - BROKEN FAMILY

114 4 0
                                    

KINAUMAGAHAN...❣️❣️

STEPHANIE POV
    Nag liligpit na ng mga gamit si mommy dahil sabi ng doctor ay pu-puwede na akong lumabas ng hospital, Nakabihis na rin naman ako

"Thank you anak" Sambit ni Axel kay mommy, Simula kahapon ay siya ang nag bantay sa akin dahil wala nga si Mommy at Daddy

"Welcome po Tita, Wala rin naman po akong ginagawa" Sagot naman ni Axel

"Buti na lang at masyadong understanding ang magiging nobyo mo salamat din sa kaniya" Nakangiting sabi ni mommy kaya tumango na lang si Axel

"Ako na po mag bubuhat niyan ihahatid ko na rin po kayo" Anunsyo ni Axel, Kaya naman tumango si Mommy sa kaniya

Inalalayan naman ako ni Mommy tumayo tsaka kami lumabas, Habang nag lalakad kami sa parking lot ay napatingin si Axel sa 'min at ito lumapit sa tabi ko at inalalayan ako

"Ako na po tita" Sambit ni Axel tsaka ito umupo sa harapan ko

"Mabigat na ang dala mo anak tapos bubuhatin mo pa ang anak ko" Sambit ni Mommy

"Okay lang po Tita" Aniya. "Pumasan ka na sa 'kin" Dugtong pa ni Axel, Kaya naman pumasan na ako sa likod niya

"Hindi ka ba nabibigatan sa akin?" Tanong ko sa kaniya

"Hindi" Sagot naman nito sa akin

Nang nasa tapat na kami ng sasakyan ay ibinaba na niya ako tsaka pinag buksan ng pinto inilapag naman niya ang mga gamit namin ni mommy sa likod ng sasakyan niya

Nang makauwi na kami ay nag paalam na agad si Axel dahil may pupuntahan pa raw siya nag pasalamat naman kami ni mommy bago siya umuwi

"Mommy, Nasaan ba si Daddy?" Tanong ko sa kaniya

"Wag mong alalahanin ang Daddy mo anak mag pahinga ka na muna" Sagot naman ni Mommy sa akin

Alam kong may mali pero ayoko namang pilitin si Mommy

"Sige po mag papahinga na muna ako" Sambit ko sa kaniya

"Gisingin na lang kita anak kapag kakain na tayo" Tumango naman ako at dumiretso na sa kwarto ko

Nang makahiga na ako ay iniisip ko na naman ang parents ko dahil sa nangyare 9 years old pa lang ako no'n

~FLASHBACK~

"Hon please papasukin mo naman ako!" Sigaw ni Daddy habang nag mamakaawa sa labas

Nandito ako ngayon sa kwarto ko naririnig ko ang mga sigawan nila

"Fuck you Juls, May anak tayo pero nagawa mong manloko ha! Sino 'yong kabit mo!!!!" Sigaw ni mommy

"Hon please hindi ko sinad'ya"

"Gago ka pala ano tawag mo ro'n? Nag kant*tan kayo tapos sasabihin mo hindi mo sinasad'ya, lokohin mo na lahat wag lang kami ng mga anak mo juls! Umalis ka na!" Sigaw ni mommy, Bumaba naman ako at nakita ko si mommy na umiiyak

"Mommy" Naiiyak na sabi ko

"Anak" Niyakap niya ako habang nakaupo

"Anong nangyayare? Bakit  kayo nag aaway ni Daddy?" Takang tanong ko

"Anak Please buksan mo ang pinto" Pag mamakaawa ni Daddy

CHANGING MYSELF BECAUSE YOU HURT MEWhere stories live. Discover now