CHAPTER 29 - KISS IN THE RAIN

116 2 0
                                    

"Tara!" Tumayo naman ako

"Saan?" Takang tanong niya

"Pipitas tayo ng mangga" Nakangiting sabi ko hinila ko naman siya sa manggahan namin

"Hoy! Baka pagalitan tayo" Sambit pa ni Shea

"Hindi 'yan, mag tiwala ka dali" Sagot ko pa sa kaniya

Nang makarating na kami sa manggahan namin lumusot ako sa wire ng dahan-dahan

"Baliw ka talaga!" Inis niyang sabi

"Sasaglit lang tayo, kukuha lang tayo mangga hehe"

"Pasaway ka talaga" Tinulungan ko naman siya makapasok dahil mahirap ang nilusutan namin dahil may mga wire ito

Nang makapasok na kami agad kaming pumitas ng hinog na mangga

"Buti na lang walang tao rito" Mahinang sabi niya sa akin kaya natawa ako "Wag ka ngang tumawa pasaway ka" Dugtong pa niya

"Samin naman ito e"

"Sainyo pala E 'di sa pinto na lang sana tayo dumaan"

"Pero bawal pang pumitas dito"

"Aishh! Ikaw na ang pasaway!" Tumawa na lang ako

Matapos naming pumitas ng iilang mangga ay sa pinto na kami lumabas dahil wala namang tao

"Dali, takbo" Natatawang sabi ko kaya naman tumakbo kami

Sapo-sapo ko ang ilang manggang nakuha ko, Gano'n rin siya, Nakabalik na kami sa tambayan namin

"Kakainin natin ng ganito ito?" Tanong niya at tumango ako "Ha? Hindi nahuhugasan?" tanong pa niya ulit

"Ikaw yata ang maarte e" Inirapan naman niya ako

"Duh! May gamot kaya ito" Napabuntong hininga na lang ako "Tara, may malapit na grip dito tamad nito" Dugtong pa niya, kaya naman hinugasan na namin ang mangga at bumalik na sa tambayan, Nag simula na rin kaming kumain ng mangga

"Ang tamis" Natutuwang sambit ni Shea

"Masarap talaga kapag naalagaan ang isang bagay" Sabay kindat ko sa kaniya

"Ang dugyot mo ron"

"Anong dugyot don?"

"Tss, kumain ka na lang diyan"

Nag ku-kwentuhan lang kami rito ni Shea habang kumakain ng mangga nakakatuwang pag masdan si Shea kumain ng mangga para siyang bata HAHAHAHAHA

"Anong paborito mong prutas?" Tanong ko

"Ubas" Sagot naman niya sa akin "Tapos babalatan, Ang weird man pero gano'n ako"

"Ang healthy kaya ng balat non"

"Yes, pero hindi ko kakainin ng may balat 'yun ewan pero nag iiba lasa para sa akin"

"Sabagay may kaniya-kaniyang taste tayo"

"Ikaw anong favorite fruits mo?"

"Heto mangga, paborito namin ito ni lola"

"Kung anong favorite ng lola mo gano'n ka rin 'no?"

"Yes, Kase kay lola na ako lumaki dahil sila Mommy at Daddy ay laging nasa ibang bansa"

"Ikaw nasaan ang tatay mo? May kapatid ka ba?"

CHANGING MYSELF BECAUSE YOU HURT MEWhere stories live. Discover now