CHAPTER 26 - ANGER

103 3 0
                                    


Nagising ako at tumingin sa mini clock ko 12AM na pala at hindi rin ako nakapag palit ng suot ko hanggang ngayon ay naka uniform pa rin ako

Bumangon naman ako at pumuntang cr para mag hilamos matapos no'n ay nag mini skirt ako, long sleeve tshirt na naka tack-in and white shoes

Lumabas ako ngayon sa bahay at nag drive papuntang bar hindi ko alam kung bakit naisipan kong pumunta rito sa bar

•BAR•

Pag pasok ko pa lang amoy na amoy na talaga ang alak sa paligid, Sa gitna ay may mga nag sasayawan

First time kong pumunta sa bar dahil mabait ako 'no! Ngayon lang hindi dahil sa pag kainis ko

Dumiretso ako sa may malapit sa bartender

"Bigyan mo ako ng the best drink niyo rito" Aniya. Tumango naman itong lalake, Hinawi-hawi ko pa ang buhok ka feeling ko na s-stress ako ngayon

"May favorite tol!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya dahan-dahan akong napalingon sa kaniya

"Kins" Tawag ko sa kaniya kaya napatingin siya sa 'kin

"Oh, Gia anong ginagawa mo rito?" Takang tanong niya

"Ano bang ginagawa rito?" Tanong ko rin sa kaniya

"Mukang bad mood ka ah, tara ro'n ipapakilala kita sa mga kaibigan ko" Inilapag naman ng lalake 'yung drinks ko kaya agad kong kinuha at sumunod sa kaniya

"Mga tol" Tawag nito sa tatlong lalakeng may mga kasamang babae "This is Gianna" Pag papakilala nito sa'kin

"Hello, Nice to meet you" Nakangiting bati ko sa kanila

"Hello I'm Kent" Tsaka siya nakipag shake hands

"Hi I'm Harry" Sabay kindat niya sa 'kin kaya tumango ako

"I'm Joseph" Tsaka siya nag salute Hahahaha

Pinausog naman niya Si kent para makaupo kami ni Jenkins

"Upo ka" Sabay tap niya sa upuan kaya naupo naman ako "Kelan ka pa natutong uminom?, Alam ba ni tita Ava nandito ka? Baka naman tumakas ka?" Sunod-sunod niyang tanong

"Relax! Isa-isa lang puwede?" Tumango naman siya "Actually hindi ako nag-iinom pero stress ako ngayon kaya nandito ako then hindi ako nag paalam kay mommy at oo tumakas lang ako tsaka nasa legal age naman na ako 'no" Sagot ko sa mga tanong niya at ininom itong binigay no'ng lalake pag inom ko ay hindi ko nagustuhan ang lasa, Inabutan naman ako ni Kins ng tubig

"The best drink ha!" Mayabang sabi niya

Tss mag kapatid nga kayo!

"Aba'y malay ko bang ganito pala 'yung best drink!" Inis kong sabi sa kaniya, Kinuha naman niya ang baso ko at siya ang uminom nito

"Wag ka na lang uminom kukuhaan na lang kita ng juice" Tatayo na sana siya pero pinigilan ko

"Iinom ako kins, kaya nga nandito ako e" Napangisi lang siya

"Bibigyan mo pa ako ng responsibilidad sa 'yo, Paano ka uuwi pag nalasing ka? Tsaka bakit ba hindi mo kasama si Kuya?" Sunod-sunod na naman niyang tanong

"Puwede ba hayaan mo ako tsaka 'yung kuya mo nando'n sa Stephanie na 'yon!" Inis kong sambit sa kaniya

"Kaya pala bago ako umalis nando'n pa siya at nakikipag kwentuhan kay Axel" Kumunot naman ang noo ko

CHANGING MYSELF BECAUSE YOU HURT MEOn viuen les histories. Descobreix ara