CHAPTER 30 - CHOOSE

119 3 0
                                    

Nang makabalik na kami sa bahay agad kumuha ng towel si mommy

"Ano ba kayong dalawa gabi na bakit naligo pa kayo sa dalawa" Panenermon ni mommy saming dalawa

"Namiss lang namin maligo mom" Sambit ko

"Namiss ha? Pano kung mag kasakit kayo" Tumingin naman si Mommy kay Shea "Ikaw naman bawal kang mag kasakit" Napangiti naman ako sa sinabi ni mommy kay Shea "Halika ka nga dito" Lumapit naman si Shea, Kinuha ni mommy ang towel sa kaniya at siya ang nag punas sa buhok nito "Umakyat ka na sa taas mag palit ka agad" Tumango naman ako

Sana pag nalaman niyong gusto ko si Shea matanggap niyo siya para sa akin dahil hindi pera ang mag papasaya sa akin kun'di 'yung taong gusto ko

Nang makapag palit na ako ng damit agad akong bumaba nagulat naman ako dahil bigla akong niyakap ni Kayla

"Baby!" Sigaw nito sa akin, Lumayo naman ako sa kaniya

"Bakit ka nandito?!" Nakakunot noo kong tanong

"Hindi mo ba inaasahan ang pag dating ko, Surprice" Nakangiting sabi niya

"Hija, Sige na mag palit ka na ng damit" Napatingin naman ako kay Shea na nakayuko habang nag lalakad kaya naman lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay

"Hihintayin kita sa Rooftop" Tumingin naman siya sa akin ng seryoso, binawi naman niya ang kamay niya tsaka siya pumasok sa kwarto nila

"Hindi ka ba masaya Baby" Kumapit naman siya sa braso ko

"Pwede bang bitawan mo ako" Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko "Sino bang nag sundo sayo?" Dugtong ko pa

"Yung Daddy mo" Tsaka siya ngumuso

Hindi bagay sayo!

"Mag papahinga muna ako mommy" Paalam ko kay mom tumango naman siya "Ikaw na bahala sa bisita niyo" Dugtong ko pa tsaka ako ako bumalik ng kwarto at nag lock

Kung mamalasin ka nga naman bakit kung kelang dumidiskarte ako  tsaka siya dumating

"Badtrip!" Inis kong sabi

~Knock~knock~

"Apo si Lola ito, Pwede ba tayong mag-usap?" Tumayo naman ako at binuksan ang pintuan, dumiretso naman siya umupo sa kama ko kaya naman isinara ko na ang pinto at umupo sa tabi  ni lola

"Bakit po lola?" Takang tanong ko

"Nakita ko kayo ni Shea mag kasama kayo, Gusto sana kitang tanungin kung gusto mo ba ang batang 'yon?" Yumuko naman ako "Hindi ako katulad ng Daddy at Mommy mo Archie, Kung sino ang gusto mo hindi ako tututol do'n dahil ayokong maranasan mo naranasan ng mommy at daddy mo dahil kasalanan ko 'yon" Napatingin naman ako kay lola at ngumiti

"Salamat lola dahil naiintindihan mo ako, Gustong-gusto ko siya Lola kahit anong consequences ang ibibigay nila sa akin tatanggapin ko dahil Gusto ko si Shea" Hinawakan naman ako ni lola sa muka at ngumiti

"I'm so proud of you apo" Niyakap ko naman si Lola

"Nang dahil sainyo lola naging mabuting apo at anak ako" Hinimas-himas naman niya ang ulo ko

"Wag na wag mo siyang sasaktan ha?" Tumingin ulit ako kay Lola

"Hinding-hindi ko siya sasaktan Lola, Gustong-gusto ko siya"

"Ang pag ka gusto apo nawawala 'yan ang tanging gagawin niyo hangga't maaari mag tiwala kayo sa isa't-isa, Mahirap intindihin ang babae pero ikaw lang din ang makakaintindi sa kaniya dahil ikaw ang kasama niya"

CHANGING MYSELF BECAUSE YOU HURT MEWhere stories live. Discover now