CHAPTER 20 - STEPHANIE o GIANNA

116 1 0
                                    

AXEL POV
   Nang mag hapon na ay sinundo na kami ni Helix sa isla para makakain na rin tong isang babaeng 'to

Nang makabalik na kami ay agad akong humiwalay sa kaniya dahil agad akong dumiretso sa bahay

Buong araw ko yatang hindi naka-usap si Gianna baka busy siya kahit si Raelyn ay hindi ko rin matawagan

Nang makapasok na ako sa loob ay nag half bath lang ako saglit tsaka nag bihis, Ang sabi ko kay Jonathan ay mag dala ng pagkain ko rito

~Knock~knock~knock~

Pag bukas ko ng pinto agad kong kinuha ang dalang pagkain ni Jonathan

"Thank you" Sambit ko

"Si Ma'am Stephanie Sir nangungulit samin na uminom raw kami ang kaso ay may mga trabaho pa kami at inaasikaso" Sabay buntong hininga niya

"Isara niyo na ang resort at pasabihan ang mga turista na maaga kayong pinag out sa trabaho, Samahan niyo siya ayokong ako ang kulitin no'n" Awtoridad kong sabi tumango naman si Jonathan at umalis na

Habang kumakain ako ay tawag ng tawag sa akin si Stephanie

To: Jonathan
Paki sabihan nga si Stephanie wag niya akong kulitin may inaasikaso ako!!

Okay ng kinulit niya ako kaninang umaga hindi na mauulit pa

Tinapos ko na ang pagkain ko tsaka nahiga sa sofa, Hindi ko pa rin matawagan si Gianna

Makalipas ang ilang oras ay tumawag sa akin si Raelyn

~Calling Raelyn Panget~

"Hello?"  Sambit ko sa kabilang linya

"Si Gianna nawawala!!" Sigaw nito kaya agad akong napabangon sa pag kakahiga

"Ano!!!" Sigaw ko

"Umuwi ka na please Axel nawawala si Gianna" Naiiyak na sabi ni Raelyn "Kanina pa namin siya hinahanap" Dagdag pa nito

"Sige uuwi ako antayin niyo ko riyan" Tsaka ko ito pinatay

Agad akong kumuha ng jacket at lumabas ng bahay nag tungo ako sa bench nila Mang Ted at nakita ko silang nag kakasiyahan

"Where's Felix?" Takang tanong ko kay Mang Ted, Bago pa makasagot si Mang Ted

"Si Stephanie kinuha ng tatlong lalake!!!" Sigaw ni Jana

"Ano!!!" Sigaw ko

"Doon kami sa labas ng resort napaka kulit niya sabi ko pumasok na hind......" Hindi ko na siya pinatapos pang mag salita dahil agad akong sumakay sa sasakyan

From: Kylo Cute
   Dre! Si Gianna hawak ni Caleb! Hindi samin sinabi kung nasaan sila dahil ikaw lang ang gusto niyang pumunta ro'n

Shit!!! Bakit hinayaang makatakas ang mokong na 'yon!!!

From: Unknown Number
   Kung gusto mo pang makita si Stephanie ng buhay sumunod ka sa ise-send kong lokasyon sa'yo

From: Unknown Number
   (Location)

"Fuck!!!" Tsaka ako napahinto

CHANGING MYSELF BECAUSE YOU HURT MEWhere stories live. Discover now