CHAPTER 34 - WELCOME BACK

133 4 0
                                    

KINAUMAGAHAN...🌟🌟

Nagising ako dahil may babaeng angel sa harapan ko at mahimbing na mahimbing ang tulog niya, Nang maramdamam kong didilat na siya agad akong pumikit

Lumipas ang ilang minuto nakaramdam ako na nilalaro niya ang pilik mata ko

"Thank you Kins dahil lagi mo akong napapasaya" Minulat ko naman ang mga mata ko at tumitig sa kaniya, aalisin na sana niya 'yung kamay niya sa pilik mata ko pero agad kong hinawakan ang kamay niya "K-kanina ka pa gising?" Tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot "Hoy!" Sobrang ganda niya pag masdan lalo na't malapitan "Sumagot ka naman tss" Inirapan naman niya ako kaya napa ngiti ako "Anong ngini-ngiti mo riyan?" Masungit niyang tanong

"Wala naman" Tsaka ko binitawan ang kamay niya at tumayo "Bumangon ka na riyan, aalis tayo" Tsaka ako dumiretso sa Cr niya

"Hoy! Anong aalis at bakit ka dito natulog?" Bago ko isara ang pinto

"Sinabi mo kaya" Sabay sara ko ng pinto, Narinig ko pa ang pag sigaw niya sa pangalan ko HAHAHAHAHA, Nakita ko naman ang cute na toothbrush ni Gia kaya naman ginamit ko ito

Habang nag to-toothbrush ako biglang bumukas ang pinto ng malakas

"Hoy! Toothbrush ko 'yan!" Inis niyang sabi sa akin, Sinusubukang kunin ang toothbrush niya kaya naman tinaas ko ang kamay ko tsaka siya tumalon ng tumalon

"Be careful baka madulas ka" Hinampas naman niya ako "Sadista ka ha!"

"Nag-aalala ka pala bakit ayaw mo pang ibigay 'yang toothbrush ko!" Sigaw niya sa akin

"Kita mong ginagamit ko 'di ba?"

"E, 'di sana bumili ka ng iyo!" Matapos niyang sumigaw padabog niyang isinara ang pinto

"Yung pag tabi ko sa kaniya hindi siya nagalit pero itong toothbrush nagalit na siya tsaka wala naman among sakit ah!" Napangiti na lang ako at tinapos ang pag to-toothbrush

Nang matapos na ako ay bumaba na ako, Nakita ko naman si Gia na naka kunot ang noo habang naka upo sa sofa katabi si Tita Ava

"Good morning tita" Bati ko

"Good morning hijo, Nag away ba kayo?" Tanong niya sa akin

"Ginamit niya kase 'yung toothbrush ko!" Inis na sambit ni Gianna

"Wala naman akong sakit ah" Inirapan naman niya ako

"Ang aga-aga nag aaway kayo, Ang daming nating toothbrush Gia"

"Umma 'yon ang paborito kong toothbrush!"

Tss childish

"Yung hello kitty?" Natatawang tanong ko

"Wag ka ngang tumawa!"

"Oh, siya wag na kayong mag away maligo ka na aalis kayo ni Jenkins" Ngumiti naman ako kay Gianna

"Ha? Saan?" Takang sambit niya

"Hindi mo pa ba nasasabi?" Tanong sa akin ni tita

"Hehe nalimutan ko po" Sabay kamot ko sa ulo

"Uuwi kayo sa pinas dahil birthday ni Kins bukas" Napatayo agad si Gianna

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin!" Lumapit naman siya sa akin at hinampas ako "Surprise na naman?" Tumango naman ako, Inirapan na naman niya ako ulit tsaka siya umakyat sa taas

"Maligo ka na rin, may cr naman sa guest room nando'n na rin ang gamit mo"

"Sorry po pala tita" Sambit ko

"Saan?" Takang tanong niya

"Nakatulog po ako sa kwarto ni Gianna, Sana po ay ginising niyo po ako para makalipat sa guest room" Ngumiti naman siya sa akin

CHANGING MYSELF BECAUSE YOU HURT MEWhere stories live. Discover now