2.HELL

373 19 8
                                    

HERA'S POINT OF VIEWVIEW

NAKARATING din kami sa wakas ni Moren sa cafeteria. Ilang beses ko na bang pinuri ang eskwelahang ito? Ngayon ay namangha na naman ako dahil napakalaki at malawak ang kanilang cafeteria. Mayroon itong dalawang palapag at natitiyak kong maraming estudyante rin ang maaaring pumasok dito. Aakalain mong isa itong mamahaling restaurant sa laki at napaka-sosyal din ng lahat ng nga gamit dito. Mula sa mga lamesa na gawa sa bubog at mga upuang tiyak na gawa sa magandang klaseng kahoy.


"Napakaganda pala talaga rito, Moren."

Para akong isang batang paslit na naligaw sa isang magandang lugar. Malaki ang ngiti ko sa labi habang iginagala ko ang paningin sa loob. Narito pa lamang kami sa may entrance at talagang nakakatuwa sa dami ng mga estudyante sa loob. Mayroong mga nakapila pa sa counter para bumili, may mga nagsisimula na ring kumain, mayroon ding mga nakatayo at palibot-libot sa loob ng cafeteria.


"Yeah, if only maganda rin ang ugali ng mga estudyante rito," walang ganang tugon ni Moren.

Nagtataka ko siyang nilingon dahil sa kaniyang sinabi. Hind siya nakatingin sa akin dahil abala siya sa pagbabasa ng libro.


Hayst, masyado naman yata siyang mahilig magbasa? Mukhang talagang pursigido ito sa pag-aaral. Aminado akong mahilig rin naman ako magbasa pero hindi naman ganitong katulad ni Moren na kulang na lamang siguro pati sa banyo ay dalhin niya ang libro niya. Pursigido rin naman akong mag-aral pero syempre, hindi naman kinakailangan ibuhos mo nalang lahat ng oras mo doon. Kailangan mo rin maglibang sa ibang bagay kung minsan.

"Pakiramdam ko ay malaki ang galit mo sa mga estudyante rito sa HU. Ano ba ang pinaghuhugutan mo?" kapagkuwan ay tanong ko sa kaniya. Isinara niya ang librong binabasa bago ako hinarap.

"Bumili muna tayo ng makakain, Hera."

Hindi na ako nakapagsalita pa nang hawakan niya ang siko ko at hilahin ako papunta roon sa counter. Hindi na gaanong mahaba ang pila kaya hindi naman kami matatagalan dito. Habang kami ay nasa linya, hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay ang daming mga matang nakamasid sa akin. Nang ilibot ko ang paningin ay doon ko napagtantong tama nga ang hinala ko. Napakagat ako sa ibabang labi at nagbaba ng tingin saka pinaglaruan ang mga daliri ko.

'Huwag mo silang pansinin, Hera,' ika ko pa sa aking isipan.

Habang nakapila pa rin kam ay bigla na lamang nagkagulo ang mga estudyante. Napuno ng tilian ang cafeteria na tila ba may paparating na artista. Kaya naman dahil naiintriga ako ay nilingon ko ang kanilang pinagkakaguluhan. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dalawang lalaking papasok ng cafeteria.

Halatang badboys ang dalawang 'to lalo na ang isa sa kanila. Ito iyong isa sa dalawang lalaki na may kaaway kanina sa Dean's office. Nakasuot ito ng itim na ripped jeans at itim na oversized shirt. Ang sapatos naman nito, kung hindi ako nagkakamali ay timberland boots. May suot din itong kwintas na parang kadena ang style at higit na nakaagaw ng pansin ko ay ang hikaw nito sa ibabang labi. Pati sa kabilang tenga niya ay napakaraming hikaw.

"I would be really glad if you would just stare at me the whole day, beautiful."

Halos panawan ako ng ulirat nang mapagtantong nakalapit na sila sa akin. Napalunok ako ng sariling laway dahil napakalapit ng mukha niya sa akin. Mabilis akong tumalikod sa kaniya at mariing napakagat sa ibabang labi. Nakakahiya, nakatitig na pala ako sa kaniya. Mabuti na lamang at hindi iyon narinig ni Moren dahil abala ito sa pagbabasa ng kaniyang libro habang nakapila pa rin kami.

Natahimik ang mga nagtitiliang estudyante at napuno naman ng bulungan. Napansin siguro iyon ni Moren kaya't inilibot niya ang kaniyang tingin at napakunot ang noo sa akin. Akmang magsasalita sana ito nang makita niya ang mga nasa likuran ko. Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa kaniyang mga mata at maya-may ay napatikhim ito at inayos ang kaniyang suot na salamin. Hindi na ito nagsalita pa at tumalikod na rin sa akin.

Hell's Addiction | ON-GOINGWhere stories live. Discover now