7.RUNAWAY

364 13 0
                                    

HERA's POINT OF VIEW

KATULAD ng sinabi ni Moren ay isinama niya nga ako sa kanilang bahay. Manghang-mangha ako dahil napakalaki ng kanilang bahay. Tama nga ang aking hinala, napakayaman nga nila.




Ngayon ay narito kami sa kwarto ni Moren. Inaya niya akong umakyat dito dahil magbibihis daw muna siya. Isa pa ay wala pa naman daw ang kaniyang mga magulang at naghahanda pa rin naman daw ang mga katulong nila ng nga pagkain. Nakaupo ako sa dulo ng kama niya habang pinagmamasdan ang kabuian ng kaniyang kwarto.




Napakaganda at malinis. Pangbabaeng-pambabae rin ang disenyo nito. Napansin ko ang isang bookshelf sa sulok na medyo malapit sa kaniyang study table. Mukhang napakahilig nga niyang magbasa ng libro.




Pagkalabas niya ng banyo ay nakasuot na siya ng spaghetti strap at pajamas. Nakalugay ang mahaba at bagsak niyang buhok. Kahit pala rito sa loob ng bahay nila ay nakasuot pa rin siya ng eyeglasses. Pinagmasdan ko siya habang nanalamin siya roon sa kaniyang vanity mirror. Sinusuklay niya ang kaniyang buhok at kitang-kita ko rito ang repleksyon ngkaniyang mukha mula sa salamin. Nakakainggit ang kagandahang taglay niya.





"Kung hindi ka lang babae, baka inisip kong may crush ka na sa'kin," biglang saad niya at nilingon ako. May nakakalokong ngiti sa kaniyang labi na siyang ikinatawa ko bago nag-iwas ng tingin.





"Ang ganda mo kasi, Moren," wika ko at ngumiti sa kaniya. Mahina naman siyang napatawa saka tumayo at lumapit sa akin.





"You are beautiful, Hera. We all have our own beauty," sabi niya sa akin pagkaupo niya sa tabi ko.





BUMABA na kami pagkatapos ng halos kalahating oras na magkausap kami sa kwarto niya. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa kanilang kusina kung saan naroon ang napakahabang lamesa. May mga nakahain doon na marami at sari-saring pagkain. Mayroon doong lechon,lechong manok, afritada,menudo. Mayroon ding spaghetti, carbonara, leche flan at marami pang iba.




Inaya niya akong maupo na. Magkatabi kaming naupo habang hinihintay namin ang nga magulang niya. Mga ilang saglit pa nga ay may nag-ingay na papasok sa dining nila. Kaagad akong tumayo at may ngiti sa labi silang binati bilang tanda ng paggalang.




"Magandang gabi po!"




Napangiti sa akin ang nga magulang ni Moren saka sila naupo sa tapat namin.




Pinagmasdan ko ang mga ito at napahanga. Masasabi kong may pinagmanahan talaga ang kagandahan ni Moren dahil parehong gwapo at maganda ang kaniyang mommy at daddy. Ang kaniyang ama ay mukhang mabait at talagang gwapo ito lalo pa at singkit ang mga mata nito. Matangos din ang ilong at may manipis na labi. Ang ina naman niya ay may kulot na buhok at mistisa. Matangos din ang ilong nito. Mukha itong suplada pero napakahinhin naman ng boses nito.





"Ikaw pala si Hera. You're so gorgeous, anak. Just call me tita Aira and ito naman ang tito Marcus mo," malambing na saad pa nito sa akin.




Nahihiya naman akong napatawa saka ito nagyaya na mag-umpisa nang kumain.




Hindi naman ako naiilang dahil hindi naman sila mahirap pakisamahan. Ang saya pa nga nila kumain dahil nagkukuwentuhan pa sila. Kung minsan ay tinatanong din nila ako tungkol sa kung anu-anong bagay.




Napag-alaman ko rin na ang lolo ni Moren ay isang Chinese kaya siguro ay may halo rin silang intsik. Halatang-halata naman sa apelyido nila na 'Lim'.




Hell's Addiction | ON-GOINGWhere stories live. Discover now