15.CONFUSION

362 13 1
                                    

HERA'S POINT OF VIEW




NAGLALAKAD kami ni Hell sa Hallway. Kakalabas lamang namin ng gym dahil kakatapos lamang noong practice para sa contest.
Tiningnan ko siya at nakitang tila hindi maipinta ang kaniyang mukha. Nakasukbit ang kaniyang bag sa isang balikat habang dala-dala din doon ang aking bag. Nakahawak rin siya sa kamay ko at bahagyang pinipisil-pisil iyon.







"Huwag ka nang sumimangot diyan, ipagluluto nalang kita ng paborito mo mamaya," ika ko at bahagyang napatawa sa ekspresyon ng kaniyang mukha.






Kanina pa siya nakabusangit dahil nga napilitan siyang payagan akong magpatuloy at sumali sa contest. Pinakiusapan ko kasi siya at bilang kapalit ay ipagluluto ko siya ng paborito niyang pagkain mamaya. Halata ngang labag sa loob niya base pa lamang sa inaasta niya ngayon.







"Tsk!"





Lalo akong napatawa sa naging tugon niya. Kanina pa siya walang imik sa akin at kung may sasabihin man ako sa kaniya ay tanging 'tsk' lamang ang isinasagot niya. Teka, anong tawag doon, nagtatampo ba siya? Haha...Ang isang Hell Akhiro Villamor ay may pagsa tampuhin pala.





"Napaka tampuhin mo naman, damulag ka na ah," sambit ko at kunwari ay nagsungit sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin at hindi makapaniwala akong tiningnan. Kapagkuwan ay mapakla siyang napatawa at tumigil sa paglalakad kaya't ganoon din ang ginawa ko.






Nilingon ko saglit ang paligid. May pailan-ilang mga estudyante pa ang nagdaraan sa hallway. 5 PM na rin kasi natapos ang practice dahil masyadong mahigpit iyong trainor namin. Tinawagan ko na rin kanina ang boss ko na si Ate Ginger na baka mahuli nga ako ng pasok ngayon at sinabing importante lamang talaga ang aktibidad na ginawa ko kanina at iyon nga ay ang pagpa-practice para sa contest. Pumawayag naman siya at sinabing pwede naman daw akong mag-overtime kung gusto kong bawiin ang oras na nawala ko.





"Damulag? What's damulag?" takang tanong niya sa akin kasabay ng pagpisil niya sa kamay ko.





Napatawa ako ng mahina. Hindi niya ba alam iyon?





"Matanda ka na, ganoon yun," sagot ko at nauna nang maglakad. Pero dahil hawak niya nga ang kamay ko ay hindi rin ako nagtagumpay. Kaya naman nilingon ko siya at pilit na hinihila ang kamay ko mula sa kaniya subalit lalo niya lamang hinigpitan ang kapit doon.






"Psh, I'm still a baby. I am your baby," nakangusong tugon niya sa akin.





Napataas ang aking mga kilay at napaawang ang mga labi dahil sa narinig. "Ha! Baby mo mukha mo, tara na nga. May pupuntahan pa ako," anas ko naman sa kaniya.





Hinila ko na siya paalis ngunit tila hindi siya natinag at ngayon ay nakatingin lamang sa akin. Nalukot ang kaniyang noo at batid ko ang ilang katanungan sa kaniyang isipan base pa lamang sa ekspresyon ng kaniyang napaka-gwapong mukha.





"Saan ka pupunta? I don't remember that I granted you a permission to go somewhere without me, baby," ika niya pa.





Napabuntong-hininga ako saka nag-iwas ng tingin sa kaniya. "May trabaho pa ako saka bakit kailangan ko pang magpaalam sa'yo? Hindi naman kita b-"





"Shut up...Neither I don't remember I granted you a permission to work, honey," pagputol niya sa aking sasabihin. Akmang mag-aapila ako nang bigla ay higpitan niya ang pagkakakapit sa kamay ko at hinila ako paalis doon.






Hell's Addiction | ON-GOINGWhere stories live. Discover now