20. MAD

265 16 3
                                    

HERA'S POINT OF VIEW









"Hera, hey, you okay?"








Napapitlag ako at napabalik sa riyalidad nang maramdaman kong may mahinang tumapik sa pisnge ko. Napalingon ako kay Khino na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin. Saka ko lamang napansin na wala na pala ang mommy niya, umalis na siguro.







Hindi ako nakasagot sa kaniyang tanong a napalingon muli sa direksyon kung saan ko nakita si Hell kanina ngunit wala na siya roon. Marahil ay namamalikmata lamang ako kanina. Tama, saka ano naman ang gagawin ng isang yun dito? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman sila malapit sa isa't isa ni Khino.








"A-Ah oo, okay lang ako."









Muli kong binalingan ng tingin si Khino at pilit na nginitian. Kumunot pa ang noo nito sa akin at tiningnan ang direksyon na tinitingnan ko kanina. Nang tumingin siyang muli sa akin ay napabuntong hininga siya at kinapitan ako sa braso. Maya-maya pa ay hinila niya ako patungo sa isang table at inalalayang umupo.







"Dito ka muna, ikukuha kita ng pagkain," ika pa niya at bago pa man ako makasagot ay mabilis na siyang umalis at naiwan ako roon. Napabuntong hininga ako at pinakalma ang sarili, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung totoo ba na nakita ko si Hell kanina o di kaya naman ay namamalik-mata lamang ako.







Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang bigla na lamang tumunog ang aking cellphone. Dinukot ko iyon mula sa bulsa ng suot kong palda at tiningnan kung sino ang may-ari ng numerong tumatawag. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay nadagdagan pa nang makitang mula kay Hell ang tawag. Napapikit ako ng mariin at nagdadalawang-isip kung sasagutin ko ba ang tawag nito.







Napabuntong hininga ako at kahit na may matinding kaba na nararamdaman ay pinindot ko ito para sagutin.







Ngunut huli na dahil bigla na lamang namatay ang aking cellphone.








"Lagot na. Wala na palang baterya," mahinang sambit ko sa sarili at napahilamos sa aking mukha. Siguradong lagot ako nito kay Hell. Tiyak akong magagalit iyon dahil hindi ko nasagot ang kaniyang tawag. Jusko, ano na lamang ang gagawin ko? Tiyak na gigisahin na naman ako ni Hell nito.







"Oh, bakit parang problemado ka? Anong nangyari?"






Mabilis kong tiningnan ang kakarating lamang na si Khino. May dala itong dalawang plato na may lamang pagkain. Ang isa ay spaghetti lamang habang may kanin at ulam naman ang isa. Maingat niya itong inilapag sa table saka naupo sa katapat kong upuan. Itinulak niya ang pinggan na may lamang kanin at ulam sa tapat ko habang kinuha niya naman ang plato na may lamang spaghetti.






"Wala. Salamat pala rito." Nginitian ko siya para kumbinsihing ayos lamang ako pero mukhang hindi iyon gumana. Sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang kaniyang nga braso habang matiim na nakatitig sa akin. Tila ba binabasa niya kung ano ang nasa isip ko. Napalunok ako ng sariling laway at nag-iwas ng tingin.







"That's it! Alam mo, pwede mo naman i-share sa'kin yan eh. We're friends, Hera." Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa saka ako nginitian. Muli akong napabuntong hininga at ngumiti sa kaniya pabalik.







"Okay lang, Khino. Salamat nga pala."








Hindi na niya ako pinilit at kumain na lamang kami. Mabilis din naman kaming natapos kumain kahit na nagkukuwentuhan pa kami. Bandang alas diyes na ng gabi nang magpaalam ako sa kaniya na umuwi. Nagpresinta naman siya sa akin na ihahatid na niya ako kaya wala na rin akong nagawa. Tutal, wala na rin namang taxi sa oras na ito. Masyado nang malalim ang gabi.








Hell's Addiction | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon