11.JEALOUS

355 15 2
                                    

HERA's POINT OF VIEW

NAPABUNTONG-hininga ako habang nakatitig sa armchair ni Moren. Tapos na ang klase a ngayon ay recess na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Saan kaya siya nagpunta? At saka bakit nga ba bigla na lamang siyang umalis kanina? Galit ba siya sa akin? May nagawa ba akong masama sa kaniya?


Kanina ko pa iyon iniisip at wala akong ideya kung bakit bigla na lamang siyang umalis at tila ba galit siya sa akin.

Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa bag lahat ng mga ginamit ko kanina sa klase. Napagdesisyunan ko na huwag na munang pumunta sa cafeteria para magrecess. Isa pa ay hindi muna ako gagastos ngayon, kinakailangan ko na kasi talagang magtipid. Kailangan kong mag-ipon para may pangbayad ako ng renta kung sakaling makahanap ako ng mauupahan.


Naalala ko, ano na kaya ang nangyari sa bahay? Paniguradong galit na galit si Kuya Dante at malamang pati na rin sila Ate Rosa at ang ama nila. Pero kung tutuusin, ako ang may karapatang magalit dahil tinangka niya akong gahasain. Magpasalamat na lamang siya at hindi ako nagsumbong sa mga pulis. Kahit na si Hell na napagsabihan ko ng nangyari sa akin ay pinakiusapan ko na sana ay hanggang sa amin na lamang iyon.


Lumabas na ako ng classroom at kaagad na nagtungo sa hardin ng aming school. Nitong mga nagdaang araw ay naging paborito ko na itong tambayan. Masarap kasi talaga ang simoy ng hangin dito lalo na at maraming mga iba't ibang bulaklak sa paligid. Maganda rin naman doon sa rooftop, masarap din ang simoy ng hangin doon. Kaya lamang, ang una at huling beses ko na punta roon ay nagpapaalala sa akin ng isang bagay.



"You have a beautiful and kissable lips, Hera. They look so soft, can I taste it?"




Ay, ano ba ito? Dapat ang mga ganoong bagay ay kinalilimutan ko na. Tama yan, Hera. Huwag mo nang alalahanin iyon!




Napailing-iling ako at pilit na inalis sa isipan ang memoryang iyon. Pinilit ko na lamang ang sariling ituon ang aking atensyon sa mga magagandang bulaklak na narito sa hardin. Pero halos marahas akong napabuntong hininga dahil kahit saan ko ituon ang pansin ay nakikita ko ang nakangising mukha ni Hell. Ano ba itong nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? Siguro ay dala lamang ito ng gutom.




"Hey, bakit mukhang problemado ka?"





Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang may bigla na lamang bumulong sa aking tenga. Kaagad kong nilingon kung sino iyon pero namilog ang mga mata ko nang makitang napakalapit ng mukha ni Khino sa akin. Sa sobrang lapit ay muntik na ngang maglapat ang mga labi namin.



Pareho kaming napatitig sa mata ng isa't isa. Mas lalo rin palang gumagwapo si Khino sa malapitan. Pero kahit na ganoon ay hindi niya malalamangan si Hel- ibig kong sabihin, talagang kahanga-hanga rin ang kaniyang mukha.




Pareho kaming napatikhim at mabilis akong nag-iwas ng tingim sa kaniya. Samantala, siya naman ay umayos na ng tayo at naramdaman kong naupo siya sa tabi ko. Ilang minuto kaming naging tahimik hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa katahimikan.




"Ahm, may gusto sana akong itanong sa'yo," ika niya.


Saglit ko siyang nilingon ngunit kaagad din namang nag-iwas ng tingin. "Ano yun?" tanong ko pa.



"Are you free on Saturday?" tanong naman niya sa akin. Napaisip ako at saka inilingan siya. Wala naman akong pupuntahan sa sabado dahil ang trabaho ko naman sa coffee shop ay mula lunes hanggang biyernes lamang.



" Oo naman. Bakit?" tanong ko sa kaniya.



"Gusto sana kitang yayain lumabas, kung okay lang sa'yo?" ika niya. Napalingon ako sa kaniya at saka napaisip. Bakit niya naman ako yayayaing lumabas? Hindi ba at date na ang tawag doon? Uh, pwede rin naman sigurong tawagin iyong friendly date. Tama!



Hell's Addiction | ON-GOINGWhere stories live. Discover now