9.SATURDATE

363 16 0
                                    

HERA's POINT OF VIEW

ARAW ng sabado, umalis ako ng condo ni Hell noong mga bandang alas onse ng tanghali. Plano kong maghanap ng trabaho para naman kumuta ako ng sariling pera at gusto ko nang magrenta na lamang ng apartment kung sakali. Nakakahiya naman kung matatagalan ako rito sa condo ni Hell.


Katulad nga ng kaniyang sinabi ay hinayaan niya akong manatili muna sa kaniyang condo. Hindi lamang iyon, pinadalhan niya pa ako ng mga damit, sapatos, at kung anu-ano pa. Nakakahiya ngang suotin dahil hindi bagay sa akin ang halaga ng mga damit na iyon. Sigurado akong pulos mga branded iyon.


Sumakay ako ng taxi para magtungo doon sa mall. Maraming mga shop doon at maaaring ang ilan sa kanila ay naghahanap ng trabahador. Kung tutuusin, kahit anong trabaho naman ay papasukin ko. Kaya kong maging isang waitress, dishwasher, taga luto sa isang karinderya, sales lady, clerk, o di kaya naman ay isang janitress. Ang mahalaga ay kinakailangan kong kumita ng pera.


"Dito na lamang ho, manong." Iniabot ko na ang bayad ko sa driver saka ako bumaba ng taxi. Sa mismong tapat niya talaga ako ng mall ibinaba.


Nagsimula na akong maglibot at nagtanong-tanong sa bawat shop kung ki akailangan ba nila ng trabahador. Inabot ako ng halos tatlong oras sa pag-iikot para makahanap ng trabaho pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nahahanap.


Pagod akong napaupo sa bench, narito ako ngayon sa plaza para makapagpahinga muna. Nagugutom na ako pero tinitiis ko lamang. Bumili nga lamang ako ng tubig kanina dahil oara na akong mamamatay sa uhaw. Mabuti na lamang at pinahiram ako ni Hell ng pera kagabi. Tinanong niya pa nga ako kung saan ko raw ba gagamitin. Sabi ko na lamang ay may kailangan lamang akong bilhin.


Halos kalahating oras yata akong tumambay at nagpahinga sa plaza. Pinanonood ko lamang ang mga taong namamasyal. Maraming mga batang naglalaro. May mga magkasintahan pa nga na tiyak ko ay nagdi-date.


Tumayo na ako at napagdesisyunan na maghahanap ulit ng maaaring pasukan na trabaho. Habang tinatahak ko ang daan malapit lamang sa plaza ay natanaw ko ang isang bagong bukas na coffee shop. Nagmamadali akong naglakad papalapt doon. Natitiyak kong kinakailangan nila ng trabahador. At hindi nga ako nagkamali dahil pagkarating ko roon ay sakto namang paglabas ng isang babae. May hawak itong papel at ipapaskil sana sa glasswall nang kuhanin ko iyon saka ko binasa ang nakasulat dito.


Napangiti ako at hinarap ang babaeng tila hindi makapaniwala sa ginawa kong pag-agaw sa kaniya ng papel. "Naghahanap po kayo ng waitress? Ako na lamang po, ma'am. Gusto ko pong mag-apply!" Nanlaki ang kaniyang mga mata nang masigla ko iyong sambitin sa harap niya.


Napakurap-kurap ito sa akin habang nakaawang ang kaniyang mga labi. Nang mapagtanto ko ang aking ginawa ay nahihiya akong napatawa at ibinalik sa kaniya ang papel.


"Pasensya na po, masyado lang akong na-excite. Kanina pa ho kasi ako naghahanap ng trabaho," nahihiyang wika ko pa sa kaniya.

Nang sa palagay ko ay napabalik na siya sa ulirat ay itinikom na niya ang kaniyang bibig at natatawa akong tiningnan. Maya-maya ay nabaling sa hawak niyang papel ang kaniyang tingin at namilog ang mga mata ko nang bigla niya na lamang iyong nilamukos at itinapon sa basurahan.

"Kung ganoon, halika at pumasok muna tayo sa loob para pag-usapan ang tungkol doon," nakangiti niyang usal at bigla na lamang akong hinila papasok sa loob ng coffee shop.

Akala ko ay matatapos ang araw na iyon na wala akong mahahanao na trabaho pero sa awa ng mahal na Panginoon, hulog ng langit ang bagong coffee shop na iyon. Sa lunes ang simula ng trabaho ko, tuwing alas sinco ng hapon hanggang alas diyes ng gabi lamang dahil nga nag-aaral ako.


Hell's Addiction | ON-GOINGWhere stories live. Discover now