14.HICKEYS

440 16 1
                                    

HERA's POINT OF VIEW

NAALIMPUNGATAN ako nang makaamoy ako ng masarap na pagkain. Saan kaya iyon nanggagaling?





Mabilis akong bumangon at agad na napatingin sa orasan na naroon sa bed side table. Alas 5:46 na pala ng umaga. Tumayo na ako at inayos ang aking hinigaan. Pagkatapos ay dumeretso ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ay lumabas ako ng banyo na nakatapis lamang ng tuwalya. Ako lamang naman mag-isa rito kaya naman okay lamang siguro.






Lumabas ako ng kwarto habang hindi pa rin nagbibihis. Dumeretso ako sa kusina para sana uminom sagkit ng tubig pero nagulantang ako nang madatnan ko roon na nagluluto ang isang pamilyar na bulto ng katawan. Wala itong suot na damit pang-itaas at tangung tuwalya lamang ang nagtatabing sa ibabang parte ng katawan nito.






"Hey!"





Tumalikod na ako at aktong hahakbang na paalis sana roon nang tawagin niya ako. Mariin akong napapikit saka dahan-dahan siyang hinarap. Namilog an aking mga mata nang doon agad sa parte ng kaniyang tiyan natuon ang aking paningin.




Hala, saktong-sakto ang pandesal para sa almusal!




'Ayy, ano ba, Hera? Magtigil ka nga sa mga iniisip mong iyan!' saway ko sa aking sarili.




"A-Anong ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ko saka siya tiningnan sa mukha. Imbes na sumagot ay pinasadahan lamang nito ng tingin ang kabuoan ko.





Agad na nag-init ang aking mukha at pakiramdam ko ay pinamulahan na ako nang mapagtanto ko kung ano lamang ang suot ko ngayon.







"Nagluto ako ng agahan but if you want to be added on the menu, I would gladly accept you to be my breakfast, baby."







Sumilay ang kakaibang ngisi sa kaniyang labi at aktong papalapit na siya sa gawi ko nang agad akong kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto. Ni-lock ko kaagad ang seradura ng pinto at napasandal dito.





Manyakis!






Para akong hinabol ng sampung kabayo dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Kung bakit ba naman kasi nagawa ko pang tumungo roon nang nakatapis lamang ng tuwalya? Bakit nga ba nakalimutan kong hindi ko pag-aari ang unit na ito at maaaring pumasok dito si Hell anumang oras niya gusto?







Nagmamadali akong lumapit sa cabinet at binuksan iyon para maghanap ng susuotin. Pinili ko iyong beige palda na hanggang kalahati ng binti ko at saka iyong puting knitted na long sleeve. Hindi iyon fitted dahil medyo malaki iyon sa akin. Siguro kapag isinuot ko iyon ay malalaglag iyon sa aking balikat. Pero mukhang maganda naman dahil medyo makapal ang tela.






Nagbihis na ako at nagsuot na rin ng brown na flat shoes. Dinala ko na rin ang aking bag bago ako lumabas ng kwarto at dumeretso sa kusina. Nadatnan ko rooon si Hell na nakaupo na sa upuan. Nakahain na rin ang mga pagkain sa lamesa at tila ako na lamang ang hinihintay niya.






Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "Pwede bang magbihis ka na?" naiilang na sambit ko at hindi aiya matingnan. Narinig ko ang mahinang tawa niya kasunod ay ang pagtunog ng kubyertos.







"Why? Hindi pa ako naliligo. Is it an eyesore to see me half naked in front of breakfast? Does it make you feel uneasy? Huh, babe?" tanong pa niya. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko matapos ko siyang lingunin. Ayan na naman ang nakakainis na ngisi sa kaniyang labi ag tila natutuwa sa reaksyon at sitwasyon ko ngayon.






Hell's Addiction | ON-GOINGWhere stories live. Discover now