10.HUMILIATED

308 16 0
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

NAALIMPUNGATAN ako nang makaramdam na parang may mabigat sa may puson ko. Napamulat  ako  ng mga mata at nang tingnan ko  iyon ay nanlaki ang mga mata ko  nang makitang isa iyong makisig na braso. Nang lingunin ko  kung kanino iyon nanggaling ay mas lalo akong  nagulat nang makita kong  katabi ko si Hell. Nakapikit ang mga mata nito at wari ko'y  ay natutulog.





"Good morning to the most beautiful woman in my life."




Napaiktad ako nang bigla siyang nagmulat ng nga mata at hinapit ako papalapit sa kaniya. Tila tinatambol ang dibdib ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa'isa. Yung tipong halos magdikit na ang mga ilong namin sa sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin. Pero mas nagulat ako nang bigla niya akong siilin ng halik. Akmang itutulak ko siya palayo nang siya na mismo ang bumitaw at nakangisi akong tiningnan. Napatakip ako sa sariling bibig.



Naku po, hindi pa kaya ako nagto-toothbrush. Nakakahiya baka mabaho ang hininga ko.



Mahina siyang napatawa sa naging reaksyon ko.

"Your saliva tastes sweet even without mouthwash, darling," ika pa niya sa akin at ninakawan na naman ako ng mabilis na halik kaya namilog ang mga mata ko sa gulat.



"Ba-ano bang ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" nauutal kong tanong sa kaniya. Ilang na ilang pa akong magsalita dahil nakatitig siya sa labi ko at tila ba pinapanood niya ang bawat galaw n'on.




"What? Am I not welcome in my own condo, hmm?" Napaiwas ako ng tingin dahil napahiya ako sa kaniyang sinabi. Oo nga pala, sa kaniya nga palang condo ito at nakikitira lamang ako.




"Come, I cooked foods kanina for our breakfast," saad niya at saka naunang bumangon. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila akong bumangon. Lumabas na kami ng kwarto habang hinihila niya ako papuntang kusina. Pagdating doon ay inasikaso niya agad ang hapag-kainan.



Nang matapos siya ay tinawag niya ako at sinenyasan na maupo na. Sumunod naman ako at naupo agad siya sa tabihan ko. Akmang kukuha na ako ng kanin nang siya na mismo ang naglagay n'on sa aking plato. Napatitig ako sa hapag at napasinghap nang makita ko ang hotdog. Medyo matagal na rin akong hindi nakakakain n'on. Paborito ko pa naman iyon.



Kaagad akong kumuha ng hotdog at nagkagay ng dalawa sa aking plato. Ramdam ko ang titig ni Hell sa akin pero hindi ko iyon binigyang pansin. Sa halip ay kumain na lamang ako ng kumain. Kapag talaga paborito ko ang ulam ay napaparami ang kain ko.




"Bakit?" nagtataka kong tanong kay Hell dahil hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya sa akin. May kanin at ulam na siya sa plato pero hindi niya pa iyon nagagalaw. Napatikhim siya at napabalik sa reyalidad nang magsalita ako.



"Nothing, hindi naman obvious na gutom ka," iiling-iling niyang ani at sumubo ng kanin.



"Paborito ko kasi ang hotdog," tugon ko naman sa kaniya.Napatingin ako bigla sa kaniya nang bigla na lamang siyang nabulunan.Nataranta ako at inabutan agad siya ng tubig.




"Okay ka lang ba?" Gusto kong sapakin ang sarili dahil sa naging tanong ko sa kaniya. Nabulunan na nga iyong tao tapos may gana pa akong magtanong kung okay lang ba siya o ano.




Ilang saglit pa ay mukhang nahimasmasan na rin naman siya. Napapahawak at napapahimas pa siya sa kaniyang dibdib bago siya uminom ng tubig. Kapagkuwan ay naiilang niya akong tiningnan kaya naman agad na napakunot ang aking noo.




Hell's Addiction | ON-GOINGWhere stories live. Discover now