5.BRUISE

358 19 2
                                    

HERA's POINT OF VIEW

PAG-UWI ko nang bahay ay nadatnan ko roon si ate Rosa na nakaupo sa mahabang upuan namin na yari sa kawayan. Lumang-luma na iyon at marami na ring wasak. Doon ako natutulog tuwing gabi kaya't nagpapasalamat na lamang ako at hindi pa iyon natutuluyan. Dalawa lamang kasi ang kwarto rito sa bahay. Ang isa ay inuukupa ni Ate Rosa samantalang ang isa naman ay kay Tito Ramon at Kuya Dante.


"Oh, nakabili ka ba?" Iyon agad ang bungad sa akin ni Ate Rosa.




Iniangat ko ang supot na dala ko kung saan naroon ang levhong manok na binili namin ni Hell kanina. Napangisi naman si Ate Rosa at tumayo saka lumapit sa akin at kinuha ang lechong manok. Walang sabi-sabi siyang nagtungo sa kusina kaya naman nagtungo na lamang ako sa isang sulok ng bahay at naghanap ng damit na pamalit sa karton kung saan naroon lahat ng nga damit ko.



Pagkatapos ay nagtungo naman ako sa banyo para magbibis. Saktong pagkatapos ko ay may narinig akong boses sa labas ng bahay. Nagtungo ako roon at naabutang nakikipag-usap si Kuya  Dante, na wari ko ay kararating lang galing sa inuman, kay Aling Rosing. May iniabot pa itong pera kay Kuya Dante na siya namang mabilis na tinanggap nito.



Nang mapansin yata ni Aling Rosing ang presensya ko ay agad siyang napalingon sa akin. Ganun na rin si Kuya Dante.



"Oh, Hera. Ibinigay ko sa Kuya Dante mo ang bayad ko sayo sa paglalabada. Sa Sabado ulit, iha. Oh siya, ako ay uuwi na.Gaking ako sa bayan at idinaan ko lamang dito ang bayad ko sa'yo."



Umalis na si Aling Rosing pagkatapos.



Lumapit ako kay Kuya Dante nang mabilis nitong iniipit sa suot na short ang pera. Base sa postura niya ngayon ay halatang nakainom siya. Wala siyang suot na damit pang itaas at namumula rin ang kaniyang mukha at leeg dala siguro ng kalasingan.



Tsk, manang-mana talaga sa ama nilang lasinggero at sugalero.



"Kuya, kuk-Kuya Dante!"



Mabilis ko siyang hinabol nang hindi niya ako pansinin bagkus ay mabilis na naglakad papasok sa loob ng bahay. Dere-deretso siya hanggang sa kwarto nila kaya't sumunod din ako roon.


"Kuya Dante, sweldo ko ho iyan. Ibigay mo na ho sakin."


Sinubukan kong maging kalmado ang boses dahil tiyak na malalagot ako kapag pinagtaasan ko siya ng boses.



Hindi niya ako pinansin. Bagkus ay sumalampak lamang siya sa katre at natulog doon. Pero hindi ko hahayaang sa kanya na naman mapunta ang perang pinaghirapan ko. Tiyak na sa alak o sa kung anong sugal na naman niya iyon iwaldas. Kung bakit ba naman kasi hindi na lamang sila maghanap bg trabaho tutal naman ay matatanda na sila.



Ano bang gusto nilang mangyari sa buhay nila? Aasa na lamang sa pera ng iba?



"Kuya Dante, kailangan ko ang pera," ika ko rito.


"Dadayo ako kila Kaloy mamaya, mag-iinuman kami. Alangan namang dumayo ako roon na wala naman akong ambag?" balewalang tugon niya sa akin.



"Kuya Dante, akin na ho ang pera. Kailangan ko ho i-"



"Put@ngina naman, Hera! Bakit ba napakadamot mo? Minsan na nga lamang ako humingi sa iyo, huwag ka ngang makasarili! Ano, baka nakakalimutan mong nakikitira ka lamang dito sa bahay?"



Naikuyom ko ang aking mga kamao sa kaniyang naturan. Ako pa ngayon ang makasarili? Eh halos ako na nga ang sumalo sa lahat ng bayarin at gastusin dito sa bahay. Oo alam kong nakikitira lamang naman ako at dapat akong magtanaw ng utang na loob. Pero hindi ba at sobra-sobra naman na yata ito?



Hell's Addiction | ON-GOINGWhere stories live. Discover now