Chapter 3

657 26 2
                                    

(𝘍𝘦𝘳𝘯)

Panay hinga ako nang malalim habang tinitingnan ang kamay kong nanginginig sa paghawak ng paint brush. Nakahanda na rin ang lahat ng kulay ng binili kong acrylic paint at nahalo ko na ang lahat ng kulay na gusto kong ma-achieve. Tiyak kong skin tone iyon ng babae kaya ang pagpipinta na lang ng mukha niya ang pagkakaabalahan ko. Maayos na rin ang kulay ng buhok nito na paulit-ulit na sumailalim sa trial and error ko sa paggawa ng kulay.

"Bakit ba kasi ayaw mawala ng blondie na 'yon sa utak ko?! Argh!" Isang dahilan ng pagsubok ko sa muling pagpipinta ang mukha ng babae na gusto ko ulit masilayan. Malas ko lang dahil hindi ko nakuha ang pangalan o kaya'y social media accounts nito. Gusto ko na gamitin ang alaala ko sa babae para makagawa ng litrato niya. "Fern, you can do it! If you'll remember how she looks like, madali mo siyang makikilala kapag nakabanggaan mo siya sa kalye. Go."

Dinampot ko ng kanang kamay ang paintbrush at sinubukan ko iyong idampi sa outline na nakalagay ro'n. Nakahinga ako nang maluwag dahil parang nabuhay ulit ang talent sa akin at kita na ang artistic side ko. Halos dalawang oras ang ginugol ko para gawin ang buhok niya at kulang pa 'yon kung gusto ko na maging detalyado ang kahit na hibla ng buhok ni Blondie.

"Blondie na lang muna ang ipapangalan ko sa kaniya, it's a cute nickname and she's cute also. What if I'll try creating nude painting—stop! Ang bastos mo, Fern!" Napangisi ako sa naiisip ko dahil parang umiinit ang mukha ko nang dahil sa kaniya. Mistulang blessing in disguise ang pangit na usapan namin ni Alisha noon kaya nakilala ko si Blondie na masayang kausap. She's way better kay Alisha dahil napangiti niya ako at marunong siyang magpasalamat. Bihira lang ang mga natulungan ko na nagpapasalamat sa akin kaya napangiti ako ng babaeng 'yon. "Oh God, she's really beautiful. I can't wait to see her. I really want to befriend her so badly."

May job interview ako after three days kaya sapat pa ang panahon para sa painting ko. Tiningnan ko ang ibaba ng leeg niya at nag-isip ako ng ipapasuot dito. Naiisip ko na conscious ito sa estilo ng pananamit—na acceptable dahil pati ako gusto kong naaayon ang pananamit ko sa lahat ng bagay. Gusto kong ipag-shopping ang babae at baka mawala na ang mannerism ko na namimigay na lang ng pera kapag may naaaksidente o kaya'y may gustong makuha. Hindi ko naman kasi kailangan ng maraming gano'n at mas nakagagaan sa loob ko na tumulong na lang. Tiyak na may mga taong natulungan ko na hikahos sa pera pero 'di nagsasabi kaya sana nagamit nila iyon. Halos linggo-linggo ay may pumapasok na pera sa akin at lagi akong may allowance mula sa grandparents ko—hindi gaya ni Jayden na iniiwasan talaga nila dahil alam nila ang ugali nito.

Kumportable na ako sa ganitong buhay—not until nakita ko si Blondie na ang sayang kausap at dahilan kaya lukso nang lukso ang puso ko noon. Sapat na ang ngiti niya at hindi ito naging touchy o kaya'y maharot para mapukaw ang pansin ko. Parang sariwa lang ang lahat kaya mabuting matapos ko na ang painting bago mabura ang pagmumukha niya sa aking utak. Dinampot ko na ang brush, at ginugol ko ro'n lahat ng panahon ko para makatapos ng kahit one fourth man lamang ng balak ko.

Masakit na ang katawan ko nang matapos ako sa pagpipinta. Satisfied na ako sa lahat ng naging accomplishment ko kaya lumabas muna ako para maghain ng makakain. Gabi na pala at pitong oras akong nakayuko kaya ang sakit na sa balakang.

"It's alright, at least masarap ang gising ko at magiging energized ako kapag nagtagpo kami ni Blondie. Itatapon or itatago ko na lang ang painting kapag nakarating na siya ng bahay dahil baka isipin niyang obsessed ako sa kaniya, when she's my cure lang para maging motibado." Napagdesisyonan ko na magluto na lang ng steak, at inilagay ko na 'yon sa frying pan na kanina pa mainit. Nilagyan ko na 'yon ng butter at pampalasa para ma-absorb ng karne ang seasonings no'n. Umabot na ng apat na minuto ang bawat side no'n kaya inilagay ko na sa plato dahil hilig ko ang medium rare. Nakahanda na rin ang mashed potatoes bilang side dish. "Oh, ang bango. I wonder if narito siya. Baka gusto niya na matikman ang luto ko. I can't get her happy face off of my mind! Fern, stop it! You're blushing now..."

La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon