Chapter 7

591 15 2
                                    

(𝘍𝘦𝘳𝘯)

Nakangiti lang ako ngayon habang katabi ko si Alisha sa table nito. May client kasi ako ngayon at chine-check niya pa ang ipinadala kong illustration para sa balak nilang fliers. Hindi pa ako puwedeng umalis hangga't 'di aprubado iyon at kailangan kong gumawa ulit ng bago kung sakaling ibabalik sa akin iyon at 'di tatanggapin. Nakatingin lang ako sa litrato namin ni Tabitha na ang sweet talagang tingnan.

"Ganiyan talaga kapag unang beses sa relasyon, sobrang sweet. Unti-unti ring mawawala ang tamis niyan. Kapag nagtagal, magkakasawaan kayo at magbe-break din." Napawi ang ngiti ko saka ako lumingon kay Alisha. Busy ito na nagse-cellphone pero halata namang ako ang pinaparinggan niya, "Aba, bakit? Totoo kaya. Gaano na ba kayo katagal niyan? Panay ngiti ka riyan, parang masisira na ang labi mo."

"Almost a month pa lang. Anyway, may alam ka bang lugar na malapit pero puwede ang same-sex marriage? Maybe soon ikakasal na kami..." Mas sumandal lang ako sa upuan habang busy akong nag-i-imagine. "We can have kids too, Alisha. Ano kayang hitsura ng mga anak namin? Will they be cute and beautiful like her or fierce and smart like me? To be honest, she's occupying my mind. I dont know how pero I'm inspired. Imagine, she's at my house like my wife? And tabi kami sa pagtulog, I'm cooking for her, she praises me... that's like a dream. I can say na mayaman ako—not because of money, but because I'm loved. I'm loved by my girlfriend."

"Impossible na magkaroon kayo ng anak," komento niya. "Saka ang aga pa para magpakasal kayong dalawa. Kilalanin mo muna, mahirap kasi ang ganiyan na kapag ikinasal, saka maglalabasan ng pangit na ugali. Baka biglang bungangera pala 'yan, inggitera, selosa, o kaya'y nananakit. Baka mamaya bigla ka na lang tumakbo sa akin at mag-iiyak. Mahirap na lalo kapag gano'n. Huwag kang agad na magdedesisyon."

"Actually, same-sex marriage and pagkakaroon ng anak is possible. I saw it on a book by Mrs. Deborah Arellano, and nakasulat doon lahat ng tungkol sa asawa niya. Wait, I have my digital copy of the book..." Hinanap ko lahat ng files ko roon at lumabas na lahat ng e-book na mayroon ako. Pinindot ko ang paborito kong libro at ipinakita ko iyon sa kaniya. "Iyan, oh. It's possible dahil puwede silang makakuha ng sperm cell sa bone marrow ng donor then i-implant sa womb ng receiver. And about sa marriage... lahat ng signs ng mabuting asawa is nakikita ko na kay Tabitha."

"Let me see?" hamon niya sa akin. Inilabas ko na ang cellphone ko saka ko ipinakita sa kaniya ang litrato nito. "Teka?! Hindi ba't iyan ang babaeng lingon ka nang lingon noong date natin?! Bakit siya?! So, pinauwi mo na ako at halos bugawin paalis ng restaurant na parang aso para lang makasama siya at makilala?!"

"Yes, of course," sagot ko. "And hindi kita trinato na parang aso, I just, you know... kind of want you to meet someone who can understand you and match talaga sa'yo. We're not a match mula una pa lamang."

Napaupo ako nang maayos dahil may dumating nang e-mail sa akin. Nabasa ko na 'approved' na ang sinend ko, kaya oras na para umalis. Agad akong nagpaalam kay Alisha at halatang irritated ito sa paraan niya ng pagtugon din sa akin. Dali-dali na akong lumabas para makauwi dahil excited na akong makita si Tabitha at makapiling ulit ito sa bisig ko.

Hindi ko na siya pinalalabas ng unit dahil kapag wala ako ay may binabasa siyang mga manual at libro kung paano makapasa sa job interviews at iba pang mahalagang bagay. Nais kong maging magaling siya kapag nasa trabaho na at maging enjoyable ang una niyang trabaho sa opisina.

Napadaan ako sa pamilyar na kalsada at tumambad sa akin ang Cameral Incorporated. Tinitigan ko saglit ang matayog na building at naglakad ako patungo ro'n. Agad na akong pinapasok ng mga guard at dumiretso ako sa loob.

"Ma'am Fern, good afternoon," sabay-sabay na bati ng mga tao ro'n sa akin nang nakangiti. "Enjoy your tour, Ma'am."

Hindi ko na binalak pang mas pumasok dahil baka makasalubong ko si Jayden o ang daddy. Tinitigan ko lang ang nakapaskil na tarpaulin sa pader at nakasaad doon lahat ng may puwesto sa kompanya. Nasa taas pa rin ang daddy, president ang kaibigan nito na matagal na niyang kakilala, habang nasa same na puwesto pa rin si Jayden. Hindi na lang ako nagsasalita sa gusto niyang makuha na sobrang impossible talaga—dahil mukhang sa bilangguan na ito magta-trabaho kasama ang girlfriend niya. Medyo na-postpone ang launch nila sa 'di ko malaman na dahilan pero soon ay malalaman ng lahat na nagnanakaw ito ng gawa na hindi kaniya at isa itong linta.

La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt