Chapter 20

389 9 0
                                    

(𝘍𝘦𝘳𝘯)

Tahimik lang akong pumuslit sa bahay habang paulit-ulit kong kinakapa ang kahon na nasa aking bulsa. Tiyak na mapapangiti ko nang malawak si Tabitha at matutuwa ito sa aking regalo. Tatlong araw na lang ang natitira bago ang birthday niya kaya handa na akong mag-propose rito. Nag-book na rin ako ng flight namin para sa isang araw bago ang kaarawan niya. Gusto ko na maging maligaya ito sa araw ng kaniyang kaarawan.

"Mahal? Tabitha?" Madilim pa rin sa loob ng bahay kahit na tiyak kong nakauwi na si Tabitha. Masyado nang late ang oras ngayon. "Tabitha? Hey! Open the lights, baka madulas ako rito!"

Tatlong minuto na ay wala pa rin kaya ako na ang nagbukas ng ilaw at dumiretso na ako sa loob ng kuwarto. Wala ro'n ang aking nobya kaya nakadama ako ng pag-aalala. May ibinigay siya na curfew niya sa akin kaya nakapagtatakang 'di niya sinunod ang batas na siya mismo ang gumawa.

"Maybe she's late. Or baka, she's planning to propose to me too. Will that be enough to make me blush? Oh God, it's a yes." Kinuha ko ang unan na laging ginagamit ni Tabitha at napangiti ako sa amoy niya na talagang nakakapit doon. Niyakap ko 'yon nang mahigpit bago magpakalasing sa pabango niya. "I love this scent of hers, bakit ba talagang napakabagal mong umuwi? I can't wait to hug you again... to propose to you... and to hear your lovely 'yes'. Tabitha, I miss you so much..."

Nagpalit na muna ako ng pambahay habang hinihintay ito na makauwi. Nakaligo na rin ako saglit at nakakain na ng hapunan pero wala pa ring news sa kaniya. Tiningnan ko ang cellphone ko bago subukang padalhan ng text message si Tabitha.

"Oh... I should take a rest first while waiting for her response. Maybe she'll be home later at magigising na lang ako sa paghalik at pagyakap niya..."

Ipinikit ko na muna nang mariin ang aking mga mata at niyakap ko lang ang unan malapit sa akin. Dama ko na pauwi na ito kaya dapat na may energy ako kapag sasalubong sa kaniya.

Papikit na ako nang biglang napakaraming text messages ang nakarating sa akin. Sunud-sunod ang pagdating no'n at halos masira at maging laggy na ang aking cellphone sa pagba-vibrate niya kaya napabangon ako. May texts doon mula kay Mommy Jane, sa tatay ko, kay Blaire na kaibigan ni Tabitha... at kay Lucinda na nakapuslit lang. Parang lahat ng mensahe nila ay naghahangad ng atensyon ko kaya una kong tiningnan ang mensahe ni Mommy Jane.

"What?!" Biglang nanikip ang dibdib ko na parang hindi makapag-function nang maayos nang mabasa ang naunang mensahe. Sunod kong binasa ang mensahe ni Daddy, "Tabitha is missing. An ex employee of yours told us that Jayden kidnapped her. Please, go here and we need you. Don't cry, be strong."

Hindi na ako nag-abala pang magbihis at agad ko na lang na kinuha ang isang bag doon na may pinagsama naming mga gamit. Basang-basa na ang aking mga mata nang makarating ako sa kotse at inihagis ko na agad sa likuran ang bag. Hindi nagpa-process ang utak ko pero isa lang ang aking nalalaman; dapat kong iligtas si Tabitha.

Nagsimula na ang biyahe ng kotse—madalas pa akong nagpupunas ng mga mata dahil kusa iyong lumuluha at nanghihina na rin ako. Ayaw kong tanggapin ang nangyari kay Tabitha dahil parang mababaliw ako sa matinding disappointment sa aking sarili lalo na't lagi niyang sinasabi na ako ang 'hero' niya. Walang hero na palpak. Walang hero na nagpe-fail sa taong pinangakuan niyang ililigtas. Napakapabaya kong tao para iwanan si Tabitha at wala akong utak para hayaan ito.

"Dapat hindi ako nagtiwala!" galit na galit kong sigaw habang nagmamaneho. "That Lucinda, she's the one who wants my girlfriend to die! Putang inang babae 'yan, she's really getting into my nerves. Once, once na may mangyaring masama kay Tabitha... she'll pay for it. I'm serious!"

Naiisip ko na baka kasama nito si Jayden at—argh! Dapat na magkaroon ako ng peace of mind at maging kalmado ngayon.

"Hello?" May pumasok na tawag sa cellphone ko kaya aking sinagot ang tawag, "I can't answer calls right now, may emergency akong kinakaharap."

La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]Where stories live. Discover now