Chapter 18

300 6 0
                                    

(𝘛𝘢𝘣𝘪𝘵𝘩𝘢)

"Fern, hindi ko talaga matiyak kung sino ang tumawag sa akin kanina. Basta, bigla na lang niyang sinabi na gigilitan niya ako at tinatakot pa. Seryoso siya, base sa tono ng kausap ko. Para siyang demonyo, Fern. Takot talaga ako until now." Nakatitig ito nang diretso sa mga mata ko na halata namang naniniwala sa akin. "Tapos, nabanggit niya na alam niya ang naganap sa amin ni Lucinda. Natatakot ako, Fern. Baka biglang paglabas mo saktan ka niya o kaya'y totohanin niya ang lahat ng 'yon. May guards ka, pero hindi ka nila kayang protektahan kapag may baril nang itinutok sa'yo. For sure, tatakbo ang mga iyon. My hands are cold, hawakan mo."

Inabot niya agad ang aking kamay at pinisil-pisil niya 'yon para pakalmahin ako. Medyo nanginginig pa rin ako dahil baka bigla na lang na paulanan kami ng bala o kaya'y bombahin ang building kung nasaan ang penthouse. Hinalikan lang 'yon ni Fern habang nakatingin ito sa kawalan na talagang nag-iisip.

"Let's move, Tabitha. Magpunta muna tayo sa ibang lugar. Let's go now. Hindi pa naman nabubuksan ang lahat ng maleta natin and makakalabas na tayo ora mismo. I'll tell them to prepare the van at bantayan tayo."

Tumayo muna ito at agad siyang lumabas habang naghihintay lang ako sa loob. Parang naghilom ang sugat ko nang kaunti at nakakaya ko nang bumangon. Baka na-excite ang katawan ko at tama lang 'yon para hindi ako masyadong pabigat sa kaniya. Sa tingin ko ay talagang proteksyon ko ang priority ni Fern kaya nagawa niya ang iwanan ako noon. Napailing na lang ako sa realization na iyon.

"Tabitha, may matutuluyan tayo sa isang lugar sa malayo. Five hours ang biyahe, but I can assure you na hindi tayo mahahanap. There are a lot of guards there at may mga mag-aasikaso sa'yo. Me? I'll rest muna temporarily but gagawa-gawa ako ng trabaho sa tutuluyan natin."

Nakita ko na medyo umuumbok na ang ilalim ng mga mata niya—senyales na may eye bags na ito at lagi siyang nagpupuyat. Agad na dumampi ang aking kamay sa mukha nito at hinawakan ko 'yon. "Are you tired? Kailangan mo nang magpahinga. I'm sorry, ha? Ganito na nga ang talagang epekto ng pagsasama natin."

"No, don't look at the situation that way. Tabitha, buong buhay natin as lovers... we never fought, we understand each other, and we did everything. This is a challenge. Kapag natapos ito, we'll have the life we deserve." Inayos ko ang pagkakahiga ko sa kama bago ituro ang mga hita ko sa kaniya. Nakuha na nito ang pahiwatig ko kaya agad na humiga ro'n si Fern at sinuklay ko lang ang wavy na buhok nito. "Tabitha, we'll live the life na walang problema. Magkakaroon tayo ng mga anak, at marami pang iba. Kapag natapos ito, lilipat tayo sa lugar na safe at magsisimula na tayo biglang mag-asawa. You'll be the mother of our kids, and I'll take have role of their daddy. I want us to have a happy family at ipararanas natin sa kanila ang pagmamahal na gusto natin na tayo mismo ang makaranas. Don't feel bad, this is not the beginning. Parang sa nobela, this is the rising action. We'll have our happy ending, at nakadepende iyon sa author ng libro natin. Walang author ang istorya natin... we are the ones na naglalatag ng mga pangyayari sa buhay natin. Walang bibitiw."

"Walang bibitiw." Ngumiti na kami sa isa't isa at dumukwang ako para halikan ang labi niya. "Magpahinga ka na muna, mahal. Let's wait..."

Saglit pa ang hinintay namin habang inaayos pa ang magbubuhat sa akin at ang dadaanan namin sa likod ng gusali. Napabangon na si Fern nang may kumatok sa kuwarto at pumasok ang nurse na may dalang wheelchair. Inayos na nila ang lahat ng gamit ko at ang mga nakakonekta sa akin.

"Ma'am, dahan-dahan lang po..." Napakapit ako kay Fern nang mahinahon niya akong buhatin. Hindi na muli pang sumakit nang todo ang tiyan ko at parang magaan lang ako sa kaniya. Agad akong iniupo nito ro'n. Nagtanong na ang nurse na bantay ko, "Sasama pa po ba ako, ma'am?"

"Anong klaseng tanong ba 'yan? Of course, dapat lang. You need to take care of my girlfriend dahil hindi ko alam ang gagawin kapag nagkaroon ng kumplikasyon sa kaniya." Itinulak na nito ang wheelchair ko palabas ng kuwarto at nakita ko ang mga maleta na handang-handa na. Huminto muna ito sa pagtulak sa akin at lumuhod siya sa tapat ko. "Are you alright? May internet connection naman doon, and may laptop akong sobra para makausap mo ang mga kakilala mo. Only Lucinda is prohibited from talking to you. Wala siyang karapatan na madinig ang boses mo o kaya'y makita ka pa."

La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]Where stories live. Discover now