Chapter 11

359 11 1
                                    

(𝘍𝘦𝘳𝘯)

"Tabitha, if kaya mong humiling sa stars... anong gusto mong hilingin?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Tinitigan namin nang sabay ang langit at ang magagandang bituin doon. "Let's pretend na wala ako. What do you want to have?"

"Hmm." Saglit na tumagilid ang labi nito na parang nag-iisip talaga. Masaya itong tumugon, "Gusto ko na maging tayo forever! You know, may promise na akong habambuhay kitang pagsisilbihan at mamahalin! Hindi impossible iyon dahil talagang hindi ka na nagbago. At sa pagsasama natin, kahit kailan 'di mo ako sinigawan or inaway. Humiling ako noon ng tao na tatanggap at magmamahal sa akin, pero sobra pa ang ibinigay. And dapat lang na iniingatan at inaalagaan ko ang kaisa-isa kong possession."

Dinala ko ngayon si Tabitha sa isang kilalang tourist spot malapit sa bahay namin dahil gusto ko na masaya ang huling araw na kasama ko siya. Gusto ko na ibigay ang lahat dito at masiguradong maayos kaming maghihiwalay at walang sakitan ng loob. Alam ko na rin ang mga bagay na iiwanan ko kay Tabitha para sigurado akong maayos ito at hindi na babalik sa dati niyang gawain.

"Actually," pag-agaw ko sa atensyon niya, "we almost have the same wish. But mine is for you to be free, at maging safe ka lagi. I'm sorry if hindi kita naipagtanggol kay Jayden."

"Ah, siya ba?! Wala na 'yon! Alam mo Fern, may karma talaga. Sa bawat masamang nagawa, may karma na bubuntot sa taong iyon. Hindi na iyon big deal sa akin, mahalaga lang na alam ko na you're here to protect me. And hindi lang ikaw Fern, handang-handa ako na protektahan ka kapag 'di mo na kaya ang sarili mo. I'm willing to risk my life for you." Hinalikan ko lang ito at naglakad na kami patungo sa hotel. "Alam mo, ang saya ko ngayon! Ang dami nating napuntahan at naikot. Panay masasarap pa ang mga kinain natin. Hindi ba't umaga tayo nagsimula? Gabi na, oh. Halos eighteen hours yata tayong nasa labas. Ngayon lang ang ganito, Fern. Sobrang tagal mo akong sinamahan at 'di ka napagod."

"Umm, gusto mo pa ba na gumala ulit tayo bago bumalik?" aya ko sa kaniya. Itinuro ko ang bilihan ng souvenirs sa tabi ng hotel at hinila ko na agad ang kamay nito. "Let's go, let's buy a lot of things! Marami raw magagandang shades dito! Mamili pa ulit tayo."

Hinila ko ito sa parang tiyangge roon na maraming damit at personal things habang dikit na dikit talaga ako kay Tabitha. Namumutla na ang ilong ko dahil gusto kong umiyak na lang at yakapin ito nang mahigpit sa bisig ko pero hindi pa ito ang panahon. Dapat na masaya kami at bukas ko na lang ito kakausapin. Nag-resign na ako sa nauna kong trabaho at handa na ang lahat para sa akin.

"Mahal! Tingnan mo ito. Dapat pair tayo, oh!" Binigyan niya agad ako ng shades at tiningnan namin ang mga sarili namin sa salamin doon. May nakita rin itong maliit na version ng isa pang shades doon, at ipinakita niya iyon sa akin. "Dapat bilhin natin itong tatlo. Kapag nagkaroon tayo ng anak, isusuot niya ito para cute tingnan ang pamilya natin. Siyempre kapag dumami sila, magpapagawa tayo ng bago. Kapag iniasa ko naman iyon sa'yo, tiyak na mamahalin ang ipagagawa mo..."

"Yes. Only the finest, mahal. For you and our babies." Tinanggal ko na ang mga shades namin bago halikan ang labi ni Tabitha. Saglit lang itong tumugon bago niya ako mahinang itinulak. Nakatingin na pala sa amin ang ibang mga tao kaya dinatnan na kami ng hiya. "Let's purchase this, gusto ko nang bumalik tayo sa hotel. Pagod na ako."

Mabilis lang naming binayaran iyon at lumabas na kaming dalawa ni Tabitha. Dumiretso na kami sa kuwarto namin, saka siya nagpunta sa banyo para maligo muna. Nagpalit na lang ako ng damit at humiga na ako sa kama para hintayin ito. Nakikinig lang ako sa lagaslas ng tubig mula sa banyo kaya hindi ko na napigilan na umiyak habang malalim na nag-iisip. Parang sasabog na ang puso ko sa pagkikimkim doon ng sobrang lungkot pero wala akong choice. Mas maganda na ang ganito kaysa mapahamak si Tabitha kapag wala ako dahil mas hindi ko kakayanin iyon. Tiyak na hihintuan na ito ni Jayden ng galit niya at sa akin na nito ibubunton ang lahat ng kaniyang sama ng loob kapag nakarating dito na wala na kami ni Tabitha.

La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt