Chapter 19 [R18+]

698 9 0
                                    

[Dama de Noche] (Chapter 19: He's Back) [R18]

----

WARNING: May spg scene, hehe.

-----

(𝘍𝘦𝘳𝘯)

"Eek!"

Napatingin ako sa paanan ni Alisha at may bata akong natagpuan doon. Agad na nagpabuhat ang bata sa kaniya at binuhat na rin ito ni Alisha. Hinalikan niya sa ulo ang bata at humagikgik ito sa ginawa sa kaniya.

"Go inside, Fern." Ngumiti siya nang malawak sa akin at kinuha nito ang kamay ng bata. Iwinagayway niya iyon sa tapat ko. "Baby Zsa, say hello to our visitor! Say hello! She's shy, I'm sorry. You can carry her if you like. Here, hold my little angel."

Ibinigay na niya ang bata sa akin na hindi ko nagdadalawang-isip na tinanggap. Napaka-cute ng batang ito at ang tataba ng pisngi kaya hindi ko siya ma-resist. Yumakap si Zsa sa akin at hinawakan ko ang likuran nito.

"Akala ko nakalimutan mo na ako. Come, go inside. Let's go." Agad ko siyang pinaunlakan at sinenyasan ko ang bantay na huwag na akong sundan. Hindi naman gagawa ng hakbang laban sa akin si Alisha lalo na't may dala pa akong bata. "Sorry, ha? Madumi kasi makulit ang bata. Don't worry, malinis naman ang tirahan ko."

Pinulot nito ang nagkalat na mga laruan at diaper ng bata. Nakita ko rin na may pinapakuluan itong tubig at agad niyang pinatay iyon. Kumuha na ito ng bote na may malamig na tubig at hinaluan niya 'yon ng katamtamang dami ng mainit na tubig. Agad din niyang ipinatak sa kaniyang pulsuhan iyon bago ganap na timplahan ng formula.

"Naku, ang dami ko na namang gagawin. Mabuti at naisip mo akong dalawin. Ang balita ko, you're a successful CEO now. While me, I'm a full-time mother. Hand me my baby, dali." Nagulat ako nang sabihin niya na anak niya 'yon at agad kong ibinigay sa kaniya ang bata. Paulit-ulit ko silang tiningnan at siyanga—magkamukha ang mga ito. "Don't be surprised, she's my daughter. She's only 3, Fern. She's my little angel and wala pa ang tatay niya because may mission siya sa Bacolod. She's a little shy pero kumportable siya sa mga tao."

Parang naaantig ang puso ko sa kanila at nakita ko na may dinampot na laruan si Alisha sa sahig. Paulit-ulit niyang iwinagayway iyon sa taas ng mukha ng bata at panay tawa naman ang anak niya. Parang inosente lang ang mukha nito at hindi na rin siya halos makapag-ayos sa sarili.

"Ikaw pala, may anak ka na rin ba? Not impossible, ang ganda mo kaya! Right, Zsa?" Tumango ang bata at pumalakpak ito. "Oh, she can understand me very well. Kapag kami lang ang tao, nuknukan siya ng kulit! And super daldal! Aba, iba pa ang language niya."

"Wala pa akong anak," sagot ko. "But I'm still in a relationship with Tabitha, and we're facing a little problem but we'll be able to overcome it soon. You remember her, right? The blondie? Iyong babae noong unang date natin..."

"Ah, yes! Tabitha Estrella! I'm so happy for you. Baby, nadinig mo siya? It's good if magmamahal ka because of what you really feel. Don't make fun of others, ha? Acceptance is a must." Napaisip ako kung babanggitin ko pa ang threat sa kaniya dahil biglang nagbago ang takbo ng utak ko. "Bakit ka nga pala napadako rito? What happened?"

"May nagbabanta kay Tabitha," pagpapakatotoo ko rito. "We traced the address, and dito kami dinala no'n. Kaya pala familiar ang building..."

"So, nahanap niyo na?" tanong nito habang nilalaro si Zsa. "Ang sama naman no'n, hindi biro ang paglalapastangan sa buhay ng tao. Dapat ilagay sa kulungan ang ganiyan nang mabulok."

"Sa address mo nanggaling ang tawag. From your unit, actually." Biglang nawala ang ngiti sa labi niya at pinandilatan ako nito na parang gulat na gulat. "Yes, it's from you. It's from your number. May I ask now why you're threatening my girlfriend?"

La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]Where stories live. Discover now