Chapter 12 [R18+]

753 12 2
                                    

(𝘛𝘢𝘣𝘪𝘵𝘩𝘢) [4 Years Later]

Maaga akong nagising nang dahil sa pagtilaok ng mga manok sa baba ng bahay. Dali-dali akong bumangon, saka ko hinanap ang bedroom slippers sa sahig. Isinuot ko na 'yon bago agad na magpunta sa tapat ng salamin para mag-ayos ng sarili.

Saglit kong itinagilid ang aking mukha para tingnan ang mga mata kong medyo lumolobo at medyo napaismid ako sa hitsura ko ro'n. Dumiretso na agad ako sa banyo para maghilamos at magtanggal ng dumi sa mukha. Bumaba na rin muna ako para maghanda ng almusal dahil talagang okupado ako ngayong araw.

"Yere, please call Faye on Kritner," agad kong utos sa virtual assistant ko na nakapatong sa kitchen counter. Saglit na nag-ring doon bago huminto iyon. Agad akong nagsalita, "Good morning, Faye. Puntahan mo ako sa bahay, you should eat here. Wala akong kasama."

"Coming po, Ma'am! Magbibihis lang po ako saglit," paalam niya. "Magluluto po ba ako or mag-o-order na lang tayo?"

"Just cook for me, maraming pagkain sa bahay. I'll wait."

Nagdesisyon ako na gumamit muna ng cellphone habang nagpapalipas ng oras. Nataon na napatingin ako sa social media accounts ko at pansin ko na panay mga lalaki ang gusto akong padalhan ng mensahe. Isang factor kaya nila ako gustong makilala pa at ilabas dahil hindi lihim na owner ako ng business, idagdag pa na may malawak akong farm at halos kami na ang sponsor ng fresh cow milk sa mga hotel para sa turista sa lugar namin. Malawak na rin ang farm at may nagkakainteres nang bumili mula sa amin ng mga livestock, pati na ang mismong lugar ay in-offer-an ng 15 million na agad kong tinanggihan dahil sa loob lang ng tatlong taon ay agad kong kikitain iyon. Nabayaran ko na lahat ng ginastos sa farm ng nauna kong nobya at 'di na kami muli pang nag-usap o kaya'y nagkita matapos ang apat na taon kaya wala na 'yon sa akin. Akin na ang farm na ito at wala nang puwede pang humati pa.

"Ma'am!" Napadiretso ako ng upo dahil pumasok na si Faye sa bahay na bihis na bihis at basa pa ang buhok. Itinuro ko sa kaniya ang sofa kaya roon niya inilapag ang bag niya bago lumapit sa refrigerator. Agad niyang siniyasat doon at naglabas ito ng longganisa. "Ma'am, may longganisa po rito at ito na lang ang kakainin natin."

"Go ahead, sige lang."

Mabilis lang ito na naghanda ng almusal at sabay na kaming kumain habang nag-iisip ako nang malalim. Natapos na agad kami ni Faye sa pagkain, at ibinigay nito ang tablet ko sa akin. Nakalagay roon lahat ng schedule ko ngayong araw.

"Sa party na 'to..." Itinuro ko ang event mamayang alas nueve at tiningnan. "Narito ba pati ang CEO ng Cameral—"

"Opo Ma'am," agad na sagot sa akin ni Faye. Umiling na lang ako bago burahin ang agenda na nakalagay roon. "Ayaw niyo po magpunta? Ma'am, may invitation po tayo at sinabi mong pupunta kayo. Ma'am, bakit po bigla niyo na lang na tinanggal? Baka po sabihin nila na 'di ka tumutupad sa usapan..."

"I'll back out, sabihin mo na lang na nagkamali ako ng response sa invitation dahil marami akong ginagawa. Sabihin mo nag-glitch ang website na sinagutan ko at nagchange ako ng desisyon on the last minute. Hayaan mo na, hindi rin naman ako hahanapin doon."

"Sige po, if iyon ang gusto niyo Ma'am Tabitha."

Tiningnan ko pa ang tablet at may appointment ako mamayang alas-tres sa isang foreigner na gustong makipag-partner sa akin. Interesado ito na kunin kami bilang supplier ng karne ng baka sa restaurant niya at napansin ko na medyo interesado rin ito sa akin dahil halata sa mga mata niya iyon noong nag-i-inquire ito sa akin. Napagkamalan pa ako ng lalaki na trabahante dahil sabog ako noong panahon na 'yon at hindi presentable. "Si Bradley Hattley ba, anong nababanggit nito? The last time, 'di ba inaaya niya ako sa date? Tapos noong nabanggit ko na kailangan niya ng appointment, agad namang nag-set ng appointment ang lalaki. Tingin mo ba talaga seryoso siya or bobola-bolahin lang ako ng lalaki at sasayangin lang niya ang oras ko?"

La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]Where stories live. Discover now