Chapter 17

362 7 0
                                    

(𝘍𝘦𝘳𝘯)

Parang eerie ang pakiramdam ko pagbaba na pagbaba pa lang namin ni Tabitha sa first floor. Talagang mabigat na rin ang dibdib ko, kaya agad kong kinuha ang kamay ni Tabitha para kumalma.

"Fern, paano ko naman isusuot itong necklace kung ganiyan na hawak mo ang kamay ko? Bitiw nga!" Mas hinigpitan ko lang ang paghawak sa kamay niya at ngumisi naman ito. "Ikaw na nga ang magsuot sa akin. Sabi ko naman, dumiretso na tayo sa bahay niya. Ang dami mo pang seremonyas."

Binitawan ko na pansamantala ang kamay niya bago kuhanin ang necklace na dati kong iniregalo rito. Lumikod na ako kay Tabitha bago isuot ang necklace sa kaniya. Nakita ko rin ang iniwanan kong marka sa batok nito na may kalakihan kaya dinampian ko iyon ng mainit na halik.

"Hep!" Humarap ito sa akin at ang labi na niya ang hahalikan ko nang dumampi ang palad niya sa aking labi. "Tara na, masisira lang ulit ang lipstick ko. Ang kulit mo talaga."

"I can't help it," nakangusong tugon ko sa kaniya. Hinawi ko lang ang bangs nito bago halikan ang noo niya. "You're so beautiful, Tabitha. Kahit walang ayos, you look the same sa mga mata ko."

Naglakad na kami palabas ng bahay niya at bigla na lang kaming huminto sa gate. Biglang dumistansya sa akin si Tabitha kaya napataas ang kilay ko.

"Mauna ka na," utos niya. Itinuro nito ang bahay sa tapat namin bago muling magsalita, "Doon ka papasok at susunod na lang ako sa'yo."

"Wait." Naglalakad na siya pero bigla ko itong hinawakan sa pulsuhan para dalhing muli sa puwesto ko. "Why do we need to do this? Are we cheating? I mean, tayo na. Hindi kayo, and you're mine. It's not right if you'll always consider her feelings because you chose me. I'm so sorry if straight to the point ang sinabi ko, but I want you to be considerate of my feelings too. Bakit pa naging tayo if para mo akong itinatanggi?"

"No, Fern. I'm so sorry. Hindi gano'n iyon. I'm sorry, mahal. Don't think like that, ikaw naman. I mean, just for today. Not na lantaran kitang itinatanggi, it's just ayaw ko siyang masaktan. Siyempre ayaw ko rin na masaktan ka, it's just—today is her special day."

"I understand," tipid na sagot ko sa kaniya. "Okay, Tabitha. Let's pretend like we're not lovers."

"Fern—"

Nauna na akong maglakad patungo sa bahay na puntirya ko habang nakasunod sa akin si Tabitha. Hindi ko na ito pinansin at nakita ko ang kalalabas pa lang na si Lucinda na parang namumula ang mga mata. Nagsalubong ang aming mga mata—at parang may kung anong tensyon akong nadarama sa kaniya. Nakita na rin niya si Tabitha sa likuran ko pero biglang nawala ang kung ano man 'yon at nanlambot na agad siya.

"Pasok kayo, dali!" Nilagpasan ako nito at nauna niyang lapitan si Tabitha bago akbayan sa tapat ko. "Tabitha, marami kaming handa ngayon! Tapos nag-ihaw ako kaninang umaga ng barbeque kaya tiyak na mabubusog ka."

Para akong sisiklaban ng galit dahil nakita ko na talagang niyayapos niya si Tabitha bago ito dalhin sa mesa ro'n. May mga tao na rin doon na panay mga babae at may isang nakatatandang lalaki na naroon—for sure na tatay ni Lucinda dahil kamukha niya ito. Pinaupo niya si Tabitha sa isang puwesto na pati ako ay 'di makakasingit. Sinamahan na lang ako ng babae ro'n na sa hula ko ay kapatid niya at pinaupo ako nito sa isang lugar na malayo kay Tabitha. Wala na akong choice kung hindi ang panoorin na lang ito habang kinagigiliwan siya ng mga tao ro'n.

"Tatay, here's Tabitha. She's the woman that I'm talking about. Tabitha, ang tatay ko." Tinanggap ni Tabitha ang kamay ng nakatatandang lalaki at nakangiti itong nakipagkamay sa kaniya. "Tatay, she's the one I want to come with me when you're going to bring me to Sweden. She's a businesswoman too, Tatay. She's really intelligent. Tabitha, sa mga susunod na buwan, aayusin na ng tatay ko ang passport namin. Balak na niya kasi akong ituring na lehitimong anak at dapat lang na kasama ka para matuwa ka sa akin. Alam mo na, someone na dapat lang na makita ang achievements ko. Marami pang mangyayari sa akin na dapat mong abangan!"

La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]Where stories live. Discover now