Chapter 5

623 22 1
                                    

(𝘍𝘦𝘳𝘯)

Isang kalsada na lang ang layo ng resort nang huminto muna kami pansamantala ni Tabitha sa isang malapit na public restroom. Nauna na itong lumabas kaya sumunod ako sa kaniya habang may hawak akong manipis na crop top para sa kaniya. Papasok na ito ng banyo nang humarang ang kamay ko sa entrance noon.

"Ano ba?! Naiihi na ako!" naiiritang saway niya sa akin. Ibinigay ko na ang hawak ko sa kaniya kaya lumambot na ang ekspresyon sa mukha nito. "Para saan naman 'to?"

"Bakit ba inis na inis ka sa akin? Mas maganda if iyan ang isusuot mo dahil parang tempting ang suot mo ngayon. Kita ko na ang korte ng boobs mo." Tinakpan nito ang magkabilang dibdib niya kaya agad akong nagdahilan, "Tabitha naman. You know, kanina ayos naman tayo. Bakit ngayon ang sungit mo na? May period ka ba? Bakit ganiyan?"

"Noong nakita mo ako, anong iniisip mo sa akin o sa trabaho ko kanina? At anong sinabi sa'yo ni Mama Karen? Anong dating sa'yo ng mga dalahin kong lingerie?"

Umiwas ito ng tingin sa akin na parang nahihiya na 'di ko talaga mawari. So tama nga, kanina pa siya conscious sa iniisip ko—pero wala lang sa akin ang nakita ko kanina. Naisip ko lang na baka pinapasuot din siya ng gano'n kaya medyo nag-panic ako. Huminga ako nang malalim bago siya sagutin, "Wala. Tabitha, I don't really know kung bakit sobrang concerned ka na ganiyan. If you're not doing sex work, then wala namang problema."

"So may problema ka sa sex work in the first place?"

"Wala! Tabitha, listen..." Ipinatong ko na ang aking mga kamay sa balikat niya at mahina kong minasahe iyon. "I don't have anything against prostitutes or kung ano pa man. If ganiyan ang gusto nilang tahakin, then so be it. Hindi ko naman kasi talaga buhay iyon. It's just I'm not used to sa gano'ng topic because nakakailang talaga. And galing sa bibig mo? I don't know how to react. Gusto mo ba na tanungin kita about sa macho dancers?"

"Ah, ewan! Isusuot ko na 'to." Ngumiti na siya sa akin bago pumasok ng banyo. Nakita ko na may maliit na butas do'n, kaya yumukod ako nang bahagya. Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Tabitha na nakadilat sa akin. "Naninilip ka?"

"Of course not! Nagulat lang ako sa ganda ng design ng door knob sa public restroom. It's so... er... artsy? The design, it's majestic and ang ganda ng mold. The details, super cute and kita ang dedication sa paggawa." Tinarayan ako nito bago niya ulit isara ang pintuan. Pabulong akong nagsalita, "Akala ba ng babaeng 'yon, manyak ako? Maybe. Sisilip lang, ang damot naman."

Tumingin ako sa kaliwa't kanan bago tingnan ulit ang banyo. Kalalabas lang doon ni Tabitha kaya humarap na ito sa salamin at naghubad ng damit. Biglang namula ang buong mukha ko, lalo na't napagtanto ko na may foam na pala ang suot niya at wala itong bra. Nakita ko ang mga dibdib nito kaya napasandal ako sa pintuan habang paulit-ulit na nagdadasal at humihingi ng tawad sa naging pagkakasala ko.

"Fern!" sigaw mula sa banyo. "Pakibigyan ako ng bra, puwede?"

"C-Coming!" kabadong sigaw ko sa pintuan. Tumakbo ako nang pagkabilis-bilis papunta sa kotse at halos sumabog at maghalo na ang mga damit sa panginginig ng kamay ko. "Oh gosh, she's cup E. Puro cup D lang ang binili ko. I don't know na malalaki pala ang kaniya!"

Tumakbo na ako papunta sa banyo para ibigay rito ang bra at wala siyang reklamo nang tanggapin niya iyon. Lumabas na ito pagkatapos ng ilang saglit at nadatnan niya akong namumula at nanginginig.

"Napaano ka?" agad niyang tanong. Dumampi ang kamay nito sa leeg ko at kinapa-kapa niya iyon. "Hindi na naman mainit, ha? Bakit ganiyan ang kulay mo?"

Hindi ko na makuha pa ang tingnan si Tabitha dahil ang image lang nito kanina ang balik nang balik sa memorya ko. Hindi ko naiwasan na tingnan ang dibdib nito, bago muling tumingin sa malayo.

La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]Where stories live. Discover now