Chapter 9 [Trigger Warning]

588 10 4
                                    

(𝘍𝘦𝘳𝘯)

Naisipan kong bisitahin si Jayden sa bahay namin sa 'di ko malaman na dahilan. Kasama ko na ngayon si Tabitha at gusto ko na malaman nitong hindi niya puwedeng galawin o kaya'y kantiin ang nobya ko. Hindi ko matiyak kung gusto kong maging ate sa kaniya o baka humantong lang ito sa pasimple naming pag-aaway. May times na nagtataasan kami ng boses, pero umiiral sa akin ang pagiging ate. Kahit anong sama nito ay medyo nakokonsensya ako sa ginagawa ko sa kaniya. Pinipili ko na lang na ilayo si Tabitha dahil alam kong likas nang ugali ni Jayden ang gano'n at baka mahanap niya ang kahinaan ng nobya ko.

"Fern! Tingnan mo 'to." Excited kong sinundan ang pinagmulan ng boses na 'yon at nakita kong nasa loob na pala ng kuwarto si Tabitha. Tinitingnan nito ang kuwarto ko at naiwang nakapako ang mga mata niya sa bookshelf. May hinugot siyang album doon kaya nasilip na rin ako. "Oh, ito ba ang mga picture mo dati? May I see?"

"Sure!" agad kong sagot sa kaniya. Ipinatong ko lang ang baba ko sa balikat nito para makisilip. Yumapos na ang mga braso ko sa kaniya, saka ako tumingin sa hawak nito nang i-flip niya ang page no'n. "Oh, that's my baby picture! Don't look, I'm naked..."

Tinakpan ko agad ang litrato ro'n dahil sobrang liit ko lang at nagpapahabol kay Mommy Jane dahil gusto ako nitong suotan ng diaper. Kita pa ang buttocks ko ro'n na may pulbo at nakatalikod ako sa camera. Sunod niyang inilipat ang pahina, at three years old na ako ro'n sa picture habang nakakandong sa akin si Jayden na isa't kalahating taon pa lamang. Magkaiba talaga ang hitsura namin—pero given nang maganda kami at guwapo. Kumportable itong nakakandong sa akin habang nakasulat ang 'big sister' sa damit ko at masaya akong nakayakap sa kaniya. Ang ganda ng tagpong iyon at para akong naiiyak.

"Birthday ni Jayden 'to, 'no?" May bago pang litrato na bumungad sa akin at iyon ang fifth birthday ni Jayden. Buhat-buhat ko ito habang excited siyang umiihip ng cake. "Ang cute niyo! At ito... 'di ba sa Japan ito? Bakit wala si Jayden? At sa hula ko, kaarawan mo? May hawak kang cake, oh. Ito ang mama mo, papa, lolo, saka lola. Ang ganda ng pamilya ninyo."

"Hindi nila pinasama si Jayden," pag-amin ko sa kaniya. "I know why, pero 'di magandang pag-usapan iyon. Ang mahalaga is nakukuha na niya ang mga gusto niya ngayon."

"This is your fifteenth birthday. Bakit ganito naman tumingin sa'yo si Jayden?" Nakita ko na napakasama ng tingin ni Jayden sa akin na umiihip sa kandila—bagay na ngayon ko lang napansin. Napakibit-balikat na lang ako habang nakikitingin sa kaniya. "Alam mo Fern, napansin ko na ang layo ng facial features mo kaysa kay Jayden. Ang kahawig niya, papa mo. Siguro nga gano'n talaga kapag second child. Sa akin kasi, nakuha ko ang features ng aking magulang. May kilala rin ako last time, malayo ang hitsura sa isa't isa. Ampon kasi ang pangatlong anak kaya gano'n."

"There's nothing wrong whether kadugo mo or hindi ang tao," paalala ko. "What's important is you're doing a good deed by taking good care of that person and by loving them. Alam mo, wala sa dugo iyan. You just need to open your heart..."

"Tama. Sabagay, sina Mama Esmeralda noon nag-aalaga sila ng mga anak ng farmers namin. Walang ipinagkaiba. Sinilip ko lang naman itong album kaya ibalik na natin."

Ibinalik na niya ang album at naglakad na kami patungo sa kuwarto ni Jayden. Nakita ko na may 'do not disturb' sign doon pero kumatok pa rin ako. Patient lang na naghintay si Tabitha para dito.

"Jayden, open the door," utos ko sa kaniya. "I'm here, and I'm with Tabitha."

"Hey." Bumukas na 'yon at nakita ko na parang pagod ito na 'di ko mawari. Parang kagagaling lang nito sa kama at pagud na pagod siya kagabi nang magpahinga sa hula ko. "What do you need?"

"Narito lang ako para ipakilala sa'yo si Tabitha. Alam ko na nakikita mo siya sa opisina, pero mas magandang pormal mo nang malaman kung sino siya sa akin." Lumapit na si Tabitha sa amin at tinitigan lang nito ang kapatid ko. "You know, I just wanted to see you also. Ilang beses na kasi tayong nag-aaway nang palihim or 'di natin pansin at ang pangit naman ng gano'n."

La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]Where stories live. Discover now