LABING SIYAM

21.5K 300 21
                                    


⚠️ WARNING!!! ⚠️

Chapter 19


Ilang linggo na ang nakakalipas at para na talaga akong mababaliw. Overthink doon, overthink dito ang halos ginagawa ko araw-araw.

Hindi na muna sana ako papasok para maalagaan kong mabuti ang pagbubuntis ko, pero kung mananatili ako sa bahay ng walang ginagawa baka mas lalo akong mabaliw. Isang araw hanggang dalawang araw pa nga lang akong nananatili sa bahay ng walang ginagawa para na akong sinisilihan sa pwet.

Ang iniisip ko na lang ngayon, paano kung malaman ng lahat na buntis ako at walang asawa baka magkaroon ng problema ang matagal ko nang iniingatang pangalan. Ayokong masira sa mata nila, lalo na't ito lang naman ang bumubuhay sa akin simula nang mawala sa akin ang lahat.

Napatingin ako sa direksyon ng pinto nang sunod-sunod na katok ang narinig ko. Hindi ako nagsalita at hinintay na lang kung sino iyon.

“Miss Talia,” ani Lily pagkabukas niya ng pinto. Sino pa nga ba ang aasahan ko? Siya lang naman ang madalas naghahanap sa akin.

Hindi ako nagsalita at hinintay na lamang ang pakay niya sa akin. Bukod sa pagod, iniingatan ko rin ang stress na palaging dulot ng babaeng 'to sa akin.

“Nasa labas po si Engr. Esguerra. Papapasukin ko na po ba?” tanong niya.

Kumunot ang noo ko at inalalang mabuti kung bakit siya nandito. Wala naman kaming napag-usapan na pupuntahan niya ako dito ngayon. At saka magkasama naman kami sa bahay, huwag niyang sabihin na namimiss niya ako agad.

I cleared my throat. “Oh, sige.” Tipid kong sagot.

Umikot ako sa pagkakaupo at tinalikuran ang direksyon ng pinto. Ano na naman kaya ang gusto ng lalaking 'yon?

Nakaupo lang ako nang narinig ko ang muling pagbukas ng pinto. He's here.

“Eve...”

Rinig ko ang bawat hakbang niya papalapit sa akin. Akala siguro niya ay nakalimutan ko na ang nangyari noong gabing 'yon. Kung hindi lamang ako buntis baka napalayas ko na siya sa pamamahay ko.

Kailangan ko pa siya... kailangan siya ng anak ko.

Nagulat ako nang biglang umikot ang upuan ko at bumungad sa akin si Aiko na seryosong nakatingin sa akin. Diretso lang siyang nakatingin sa akin na parang nagda-dalawang isip sa kan'yang sasabihin.

Huminga ako nang malalim, umiwas nang tingin. “Anong kailangan mo?” ani ko.

Naramdaman ko na namang muli ang paggalaw ng upuan ko kaya napatingin ako sa kan'ya. Medyo naiinis na ako dahil sa kaartehan niya. Bakit kasi hindi na lang niya sabihin?!

“What—”

“L-let's get married.”

Natikom ko ang aking bibig sa sinabi niya. Ilang beses ko nang narinig 'yon mula sa kan'ya, pero iba ang buka ng bibig niya at ang mga tingin niya sa akin. Parang may pag-aalinlangan siya na taliwas sa kan'yang mga sinabi.

Pinagmasdan ko siya mabuti at binasa ang maliliit na detalyeng sinasabi ng mga mata. Hindi ko alam kung ano ba itong nakikita ko, pero alam kong may kakaiba sa kan'ya.

“Eve... I wanna marry you,” pag-uulit pa niya sa pag-aakalang hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya.

Umiwas ako nang tingin. “I'm not deaf.” Tumayo ako, hinawi ang kamay niyang nakahawak sa upuan ko. Nilagpasan ko siya at nagtungo sa may pinto.

Hindi ko pa alam ang isasagot ko sa ngayon. Marami pa akong iniisip. Magpapakasal naman kami, pero huwag muna sana ngayon.

“Eve.”

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon