Chapter 03

153 8 1
                                        

"Excited ka na ba sa kasal niyo?" tanong sa akin ni Kuya Cedrik habang naka ngiti.

Ang tutuo niyan ay sobrang excited ako dahil pinaka hihintay ko ang okasyon na ito kaya naman ngayong pinag pa-planohan na namin ang mga gagawin ay masaya ako.


"Sobra," naka ngiti kong sagot sa kuya ko.


"Wala ka pa ba talagang balak sabihin kay Alyanna ang kasal ninyo ni Shan?" tanong sa akin ni Poula kaya naman napa isip ako.


Maraming iniisip ngayon si Alyanna dahil sa mga nangyayare sa kanila ni Harvin, ayaw kong dumagdag pa sa mga iniisip niya.


"Sasabihin ko rin sa kaniya, siguro mamaya or next week?" sabi ko sa kanila at natawa sila.


"Wow, sasabihin mo talaga kung kailan next week na ang kasal? Hindi na ba talaga kayo makapag hintay ni Shan? Halos kaka yes mo lang sakaniya last two weeks ago eh," natatawang sabi ni Janine sa akin kaya naman tumango nalang ako.


Naging busy kami ni Shan sa preparations sa kasal kaya naman araw araw ay palagi kaming may ginagawa at wala sa mga sariling bahay.


"Tomorrow na po ang kasal 'no Ma'am?" naka ngiting tanong sa akin noong nagsusukat sa akin ng gown ko kaya naman tumango ako.


"Hindi ko pa nga pinapakita ang gown ko sa iba kasi gusto ko surprise," naka ngiti kong sabi at tumango ito.


Kahit hindi ko aminin, alam kong alam ng lahat kung gaano ako ka excited sa kasal. Marami akong pinrepare na mg surprise gifts sa mga bisita at iyon ang pupuntahan ko ngayon.


"Okay na ba lahat ng mga jewelry?" tanong ko sa babae.


"Yes po, Ma'am. I deliver nalang po namin sa reception bukas lahat!  Ang ganda po ng mga designs niyo, Ma'am! Gusto nga po ng boss po namin na makipag cooperate sa inyo sa mga designs kung okay po sainyo na maibenta ang mga ito!" sabi pa nito.


"Nako hindi puwede eh! Lahat kasi yan dinesign ko para sa mga bisita sa kasal ko! Naka ilang gabi rin akong nag de-design ng limang iba ibang design ng bracelet para sakanila! Gusto ko maalala nila ang mga ito as gift from me sa kasal ko," sabi ko pa at tumango ang babaeng Manager ng jewelry store.


Ngayon naman ay pupunta na ako kay Alyanna para sabihin sakaniya ang tungkol sa kasal namin ni Shan.


Habang naglalakad ako papunta sa resort nina Alyanna ay nakita ko na napakaraming kotse ang naka park sa VIP lane.


"Kotse ito ng barkada at mga magulang namin ah. Bakit kaya sila nandito lahat?" bulong ko habang nag lalakad papasok.


Noong papasok na ako ng Villa ni Alyanna at Harvin ay nakita ko na naroon ang lahat.


"Anong meron?" naka ngiti kong tanong sa kanila.


Nawala ang ngiti ko noong nakita ko na umiiyak si Tita Sachi habang naka yakap sa kaniya si Tito Alonzo.

Charming Danger (Diary Series #11)Where stories live. Discover now