"Ako ba niloloko mo, Shan?" natatawang tanong ni Sera kay Shan pag tapos akong halikan nito.
Napa yuko ako sa di ko malamang kadahilanan, sakit o poot.
"Si Cherry ang asawa ko," diretsong sabi ni Shan kay Sera.
"Is it marriage for convenience? Papayag naman talaga si Cherry kasi mag bestfriend kayo," nasaktan ako sa sinabi ni Sera kaya hinawakan ko ang aking kamay.
"It's not, can you please stop this? Tapos na tayo, Sera." sabi pa ni Shan sa kaniya.
"Hindi ko tinapos ang atin, umalis lang ako para sa pangarap ko pero nag hanap kana agad ng iba." si Sera sa pinaka maamo niyang mukha.
"Shan, iwan ko nalang muna rito ang breakfast mo." sabi ko pa at nilagay ang kaniyang pagkain sa ibabaw ng lamesa.
Noong palabas na ako ay nagulat ako na hinawakan ni Shan ang aking kamay.
"She is my wife, Sera." sabi nito kay Sera at humarap siya sa akin.
"Cherry, si Sera yung investor natin. Hindi ko rin alam na siya pala iyon," hindi ko alam kung bakit siya nag eexplain pero guminhawa ang pakiramdam ko dahil doon.
"Sige, mag usap na muna kayo. Maghihintay nalang ako sa labas," sabi ko pero umiling siya.
"Dito ka, wala naman kaming pag uusapan na kundi business at deserve mo malaman lahat kung paano ang takbo ng kompanya natin." sabi ni Shan kaya naman buong usapan nila ay nasa sofa ako ng office at nakikinig.
Mahal na mahal ni Shan ang kaniyang trabaho, kita ko sa bawat galaw at salita niya kung paano niya pinapahalagahan ang kompaniya na ito.
Noong natapos ang kanilang pag-uusap ay umalis na ako sa office para mag tungo na sa sarili kong table.
"Cherry, buti andito ka ngayon? hindi ka ba busy sa sarili mong trabaho?" tanong sa akin ni David kaya naman nginitian ko na lamang ito.
"Sorry, hindi ko nasabi saiyo na si Sera ang investor namin. Gusto ko kasi manggaling kay Shan ang mga salita eh," sabi niya pa.
"Hindi mo naman kasalanan iyon kaya hindi mo na kailangan mag sorry sa akin," sabi ko sakaniya habang sumisimsim siya ng kape.
"David, long time no see! ngayon nalang kita uli nakausap ah, naging busy din kasi kami kahapon ni Shan." sabi niya pa kaya naman nag panggap akong walang narinig.
"Oo nga puro business," sagot ni David at tumingin sa akin.
"Oo nga pala, there will be a formal party tomorrow night." sabi ni Sera saamin.

ВЫ ЧИТАЕТЕ
Charming Danger (Diary Series #11)
Любовные романыAhtisa Cherry is the definition of your perfect daughter with a perfect life. She has everything she wants, Love life, Beautiful Face, Richness, and Loving Parents but she will experience turbulence in her Marriage. Things will change in a snap of d...