"You look beautiful, Cherry." hindi ko alam kung tutuo ba ang sinasabi ni Sera dahil kung tutuusin siya itong napaka ganda.
"Ikaw din," mahina kong sabi sa kaniya at ngumiti siya habang sumisimsim ng wine.
"Shan, halika ipapakilala kita sa board of directors ng company namin!" pagkahila ni Sera kay Shan ay kumuha ako ng champagne sa waiter at mapait akong sumimangot.
"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni David at tumango ako.
"Hoy Cherry!" nagulat ako sa sigaw ni Poula sa akin.
"Kagulat ka naman! kamusta kana?" tanong ko sa kaniya.
"Baliw, ikaw ang kamusta? nangangayayat ka gaga ka!" sabi nito kaya naman napa tango nalang ako.
"Osya, kasama ko friends ko here eh!" sabi niya pa at kumaway na sa akin.
"Bakit ba ang lungkot mo! ikaw na ang asawa Cherry kaya dapat malakas ang loob mo!" sabi pa niya kaya naman ngumiti ako.
"Alam ko naman yon, alam ko rin namang mahal ako ni Shan pero hindi ko alam kung bakit pinanghihinaan ako ng loob kapag si Sera na ang pinag uusapan." sabi ko pa.
"Ano ka ba? ang ganda ganda mo kaya! yang ganda na yan hindi iyan binababa, tinatangi ang iyong kagandahan!" nakangiting sabi sa akin ni David at inalis niya ang kulot ng aking kilay gamit ang kaniyang mga daliri.
"David," narinig ko ang tawag ni Shan.
"Sige na, pinagseselosan ako ng bestfriend mo eh!" natatawang sabi ni David kaya natawa ako.
"Asawa," pag correct niya pa kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano yung mga pinag usapan ninyo ni Sera?" tanong ko sa kaniya.
"Business lang naman," sabi ni Shan kaya naman ngumiti ako.
Nag start ng mag salita ang board of directors sa stage kaya naman nanonood lamang ako ng maayos sa mga ito.
Noong tinawag si Shan ay buong puso akong pumalakpak.
Lahat talaga ng patungkol kay Shan ay nakaka enganyo kung titigan. Bagay na bagay sa kaniya ang pinili niyang maging trabaho at nakikita ko na mahal niya ang kaniyang ginagawa.
"Thank you for coming everyone, enjoy the night!" ayon nalang ang narinig ko sa mga sinabi ni Shan dahil naka focus ako sa kaniya mismo.
Siya ang lalakeng mahal ko, siya lang ang mamahalin ko.
Naging smooth naman ang buong gabi kaya naman umuwi kaming pagod ni Shan.
Habang naka higa sa kama ay tinitignan ko ang oras dahil malapit na ang birthday ko.

YOU ARE READING
Charming Danger (Diary Series #11)
RomanceAhtisa Cherry is the definition of your perfect daughter with a perfect life. She has everything she wants, Love life, Beautiful Face, Richness, and Loving Parents but she will experience turbulence in her Marriage. Things will change in a snap of d...