Chapter 23

73 2 1
                                        

One week kong pinanindigan ang pagiging masama ko, alam kong may kasalanan ako dahil pinakita ko sakaniya na mayroon pang pag-asa na maging maayos uli kami.

"Mommy, kailan po tayo babalik sa house?" Sa loob ng isang linggo nasa one hundred times na akong tinanong ni Shanelle kung kailan kami babalik.

"I miss lolo and lola," malungkot ang mata ng akin anak noong sinabi niya ang mga iyon.

Naka tanggap narin ako ng ilang tawag galing sa mga magulang ko lalo na't kahit sakanila ay hindi ako nag paalam na aalis kami ng anak ko.

Naisip kong idahilan na kami ay nag bakasyon lang saglit pero sino kaya ang maniniwala?

Maingay ang mga kotse nang pag masdan namin ni Shanelle ang mga ito sa tuktok ng condo na binili ko.

"Mommy, wala pong ganyan sa CG ano?" Tanong sa akin ng anak ko at tumango lang ako.

Talagang walang ganito sa CG dahil probinsya iyon.

"Sana po nakikita rin ito nila lolo at lola"

Nagulat ako noong may nag doorbell dahil wala naman akong maalala na nag order ako ng pagkain namin.

Noong binuksan ko ang pinto ay nakita kong naroon si Mommy at Daddy.

"Winter, dalhin mo si Shanelle sa kwarto"

Alam ko ang ganoong boses ng aking Mommy, iyon ang boses na alam kong masesermunan ako.

"Don't be harsh sa anak natin," narinig kong sabi ni Daddy.

"Cherry naman! Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?" Tahimik at kalmado si mommy noong binanggit niya ang mga iyon.

"Mommy, sorry po."

"Cherry, alam kong nakikipag kita ka parin kay Shan. Kailan ka ba matututo, anak? Kailan mo ba uunahin ang sarili mo? Kung ginagawa mo ito para sa kapakanan ni Shanelle, naiintindihan kita. Pero intindihin mo naman kami ng Daddy mo! Ikaw ang anak namin, nag aalala kami sayo!"

Nanghina ako noong nakita ko ang pag luha ni Mommy dahil sa mga pinag gagawa ko.

"Takot na takot kami ng daddy mo na maulit lahat ng nangyare saiyo noon dahil sa kagagawan ng gago mong asawa." Napaluhod na si Mommy sa kakaiyak.

"Halos masiraan ako ng ulo noong nalaman ko na mayroon kang sakit. Lalo na noong nalaman ko ang mga dinanas mo para lang mahalin ng lubos si Shan. Cherry, sarili mo naman ang unahin mo. Paano ka kung masaktan ka uli? Paano kami na mahal na mahal ang nag iisang baby namin ng daddy mo?"

Noong sinabi iyon ni Mommy ay nagulat ako na biglaan niyang hinawakan ang kaniyang dibdib at hindi maka hinga.

"Daddy! Tulong po!" Sigaw na ako ng sigaw dahil hindi na makahinga ang mommy ko.

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko para tumawag ng ambulansya.

Noong nasa ospital ay tumatakbo ako kasabay ng pag tulak sa mommy ko dahil dadalhin sya sa emergency room.

"Mommy, promise hindi ko na po sasaktan ang sarili ko basta maging okay lang po kayo"

Hindi tumigil ang aking luha hangga't hindi lumalabas ang Doctor ng aking ina.

"Iha matanda na ang Mommy mo, hindi na siya puwede ma stress. Satingin ko alam ng ng Mommy mo na unti unti na syang humihina, pero maagapan panaman ito kung iiwas siya sa stress." Ayon ang sabi ng Doctor.

Nakita ko si Daddy kasama si Shanelle. Alam kong nahihirapan ang daddy ko dahil sa nangyare pero hindi niya maipakita iyon dahil hindi pwedeng mag isip si Shanelle ng masama lalo na nakakasama iyon sa bata.

"Daddy, okay na po si Mommy." Sabi ko at ngumiti ang daddy ko.

"Kapag magaling na ang Mommy mo, anak, bumalik na tayo ng Costagracia." Ma awtoridad na pagkakasabi iyon ng daddy ko na alam kong kailangan kong sumunod.

Habang nagdadasal ako sa Chapel ay naisip ko na kailangan kong umayos. Ang mga magulang ko ang nahihirapan sa mga ginawa ko. Pag balik na pag balik ng costagracia hindi ko na uli kakausapin si Shan.

Inayos ko na lahat ng kailangang ayusin para makauwi si Mommy galing ospital.

Nag desisyon akong puntahan si Alyanna dahil ang gusto ni mommy ay tumira muna sa villa nila sa resort nila Alyanna. Mas makakabuti raw sakanya ang fresh air at magandang tanawin kaya roon muna kami tutuloy pan samantala.

"Saan ka ba nanggaling? Halos dalawang linggo kang nawala?" Iyon agad ang sumalubong na tanong ni Alyanna sa akin.

"Nag bakasyon lang," maikling sagot ko.

"Hinanap ka ni Shan, hindi umalis sa tapat ng bahay niyo si Shan. Ewan ko lang kung naghihintay pasya roon."

"Hayaan mo siya, wala naman akong pakialam."

"Ayan ba ang tutuo? Alam ko Cherry na nahihirapan ka pero gusto ko lang malaman mo na nahihirapan din si Shan," sabi pa ni Alyanna.

Hindi ko siya pinakinggan at umalis nalang ako noong natapos ko na ang mga gagawin ko.

Habang nag lalakad palabas ng resort ay nakita ko si Sera.

"Long time no see, Cherry!" Hindi ko alam kung sarkastiko ba ang bati na iyon.

Gulo nanaman ang hanap ng isang ito.

"Bakit bumalik ka pa? Balita ko mayroon kanang anak? Alam ba ni Shan? Hindi niya na kailangang malaman iyon kasi buntis na ako at siya ang ama."

Kahit anong reaksyon ay wala akong na ibigay. Masyado na marami ang nangyare sa akin kaya wala na akong maibigay na kahit anong emosyon pa sa pinag sasabi niya.

"Congrats," ayon lang ang nasabi ko at nag lakad.

"Noong hinihintay ka niya sa labas ng bahay nyo, doon ko sya cinomfort. Umalis kami ron at pumasok ng kuwarto para lang paligayahin ko siya," alam kong ginagalit ako ni Sera.

Pero walang effect sa akon iyon.

"Sa sobrang ligaya niya sa akin mga bibig eh tila nabaliw na siya, Cherry. Hindi ko makalimutan noong pinapasok niya ang kaniya sa saakin, para bang wala ng bukas sa sobrang bilis at sarap."

Iniwan ko roon si Sera dahil ayaw konang mag isip ng kung ano pa.

Dumiretso ako sa bahay namin dahil kukuhanin ko ang iba pang mga gamit namin ng anak ko.

Natawa ako habang naisip ang mga sinasabi ni Sera dahil ganon na siya kababa para ikwento ang mga iyon para lang saktan ako eh mas masakit pa ang mga nangyare saamin noon kaysa roon.

"Cherry,"



____________________________________

Hi shellveys!! It is been a while talaga dahil after a year ako nakapag update uli!! Haha super busy kasi sana andyan parin kayo. Tatry ko maging active uli and maipublish uli lahat ng diary series! Mwa

Charming Danger (Diary Series #11)Where stories live. Discover now