Chapter 08

160 5 1
                                        

I felt very sore after that night, ni hindi ko magalaw ang buong katawan ko ngayong pagkagising ko.


Mahimbing parin ang pagkatulog ni Shan kaya naman nauna na akong tumayo para makapag luto ng breakfast naming dalawa.


Napapakanta pa ako habang nagluluto dahil sa saya, we made love!


Napansin ko na ang dami kong rash dahil sa nuts kahapon noong nag luluto akong kare-kare kaya nilagyan ko agad ointments ang mga ito.


Noong natapos kong iinit ang mga foods at maligo ay gigisingin kona sana si Shan para makakain na agad siya bago mag punta ng work.


Nagulat ako noong wala na siya sa kaniyang kama at mayroong nag text sa akin.


Sweet Heart:

Love, nauna na ako sa office. Mayroon akong mahalaga na gagawin!


nalungkot ako dahil parang wala lang sakaniya ang nangyare.


Naaalala niya kaya kung ano ang ginawa namin?


Impossible na hindi kasi wala naman siyang damit natulog.


Hindi niya ba magagawan ng time yung ngayon? birthday ko, wala nanga siya kahapon kaya kahit sana late celebration lang.


Nag bihis na akong pang office para maka punta na rin, nag dala nalang ako sa tupperware ng pagkain para kahit lunch nalang ay mapakain ko si Shan ng luto ko.


Noong naka rating na ako sa office ay nakita kong lahat sila ay may kinakain sa plates nila.


"Cherry, andito ka pala! Kain ka na rin, nag treat ako para sa kanila." si Sera.


Noong nakita ko si Shan na may hawak na plato ay itinago ko ang baon na hawak ko.


"Oo nga pala, Shan. Thank you sa kagabi! Kung hindi ka dumating baka hindi na ako nakauwi saamin," sabi pa ni Sera kaya naman umalis na talaga ako sa floor nila.


Pumunta ako sa fire exit para doon maupo at umiyak.


Nanghihina ang mga paa ko, gusto ko nalang talaga umiyak dahil masama ang loob ko kay Shan.


Hindi na nga niya cinelebrate ang birthday ko noong mismong araw, ngayon din hindi niya binigyan ng kahit anong oras niya. Ang masakit ay yung si Sera pa mismo ang kasama niya imbis na ako.


"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday happy birthday to you!" narinig ko ang pagkanta ni David ng happy birthday sa akin.


"Huwag kang maniwala sa sinabi ni Sera kanina, kaya lang siya kasama ni Shan ay dahil mayroong nag betray sa company nila kaya kinailangan ni Shan puntahan siya dahil iyon yung collab project na ibinenta sa ibang company." sabi pa ni David at nakita kong may inabot siya sa akin.

Charming Danger (Diary Series #11)Where stories live. Discover now