Chapter 25

39 2 0
                                        

"Do you think okay ang suot ko?" tanong ko kay Poula,


"Gaga hindi mo naman kailangan mag tanong kasi magnda ka sa lahat ng damit," sabi pa ni Alyanna.


"So nag set up ka talaga ng date ninyo ni Shan?" tanong ni Janine kaya naman tumango ako.


Nag set lang ako ng simpleng picnic sa tapat ng dagat kasi ready na ako mag patuloy sa pagmamahalan naming naputol.


"Iiwan ka na namin niyan ah kasi siyempre para magkaroon kayo ng alone time," sabi pa ni Poula kaya naman tumango ako.


Ngayon ko palang itetext si Shan dahil alam ko naman na kaagad siya sasagot kapag nag text ako.


simpleng night picnic lang ang niready namin ng mga kaibigan ko. Maraming kandila at mga kung ano ano pang pailaw ang pine prepare ni Alyanna para rito dahil support naman sila sa desisyon ko at masaya sila na lahat ay masaya na sa mga lovelife.


Ako:

Hi, Shan! This is Cherry, can we meet sa beach near Alyanna s villa? I want to talk to you about something. I hope you are free, i will wait for you.


Pagka text ko non ay masaya kong binaba ang phone ko at naghihintay ng mga replies niya. 


He will be here siguro mga late na kasi late din ako nag chat.


Isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin siya nag reply. Dumating na yung mga pinaluto kong food kaso wala parin siya kaya naman hinayaan ko na muna iyon.


Bawat hampas ng alon sa dalampasigan ay patuloy parin ang paghihintay ko sa mga messages niya.


Biglang nag ring yung phone ko kaya mabilisan kong kinuha kung siya na ba ang nag message sa akin.


Alyanna;

Kamusta? loving loving naba?


Poula: 

huwag ka maingay baka bembang time na nila.


Janine:

for sure yan dahil ang tagal nanilang tag tuyot mag asawa.


Nawala ang ngiti ko noong nakita kong sila lang din ang nag message kaya hindi na ako nag reply pa.


Apat na oras na ang lumipas pero wala pa rin siya, kinuha na ng mga nagtatrabaho ang lahat ng pinrepare namin dahil magsasara naraw ang resort lalo na bwal ang mga ganito tuwing gabi dahil sa matataas na alon.


habang naka yuko ako at hawak ang tuhod ay naramdaman kong mayroong lumapit sa akin kaya nag madali akong i angat ang aking ulo para matignan ito.


"Alyanna," mahina kong tawag sa kaniya.


"Bakit mag isa ka? tapos na ba yung date niyo?" kyuryos ang kaniyang pagtatanong na mayroong halo ng irita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Charming Danger (Diary Series #11)Where stories live. Discover now