Chapter 24

35 2 0
                                        

"Kamusta na po si Mommy, daddy?" mahinang tanong ko kay daddy.


alam kong ako ang may kasalanan bakit nagkakaganon si mommy, dahil hindi na ako natuto.


"Okay na ang mommy mo, anak." naka ngitin sabi ni daddy sa akin kaya naman ngumiti rin ako.


ilang araw akong hindi nagpapakita kay mommy dahil nahihiya ako sa nangyare.


Pagkalabas ko sa villa nila mommy ay kaagad na akong pinuntahan ni alyanna dahil siya rin naman ang naghatid sa akin dito.


"Kamusta ka? mukhang blooming ka," makangiting sabi ni Alyanna.


"Hindi naman ah!" natatawa kong sabi.

biglang kumulo ang aking tiyan dahil na rin siguro sa gutom kaya naman niyaya kong kumain si alyanna.


"Bacon, egg, steak, mashed potatoes, at seafood boil sakin!" nakangiti kong sabi sa waiter kaya naman biglang kumunot ang noo ni alyanna.


"sayo lang ba yan? or oorder kana para sating dalawa?" tanong sa akin ni alyanna kaya naman umiling ako.


" para sa akin lahat," nakangiti kong sabi kaya naman nag rder siya ng sa sarili niya.


noong natapos kaming kumain ay nag hiwalay narin kami ng landas dahil mayroon paraw syang lakad at ako naman ay gusto ko bigla ng mango shake at bananacue.


habang naglalakad ako habang hawak ang mango shake ko ay dumiretso na ako sa tindahan ng bananacue na favorite ko.


"Cherry," alam ko kaagad kung sino ang tumawag sa akin kaya naman noong nakuha ko na ang bananacue na binili ko ay naglakad na ako ng mabilis pero napigilan ako ni shan.


"kausapin mo naman ako!" sabi  niya habang hinila niya ako paharap sa kaniya.


bigla siyang tumawa dahil siguro punong puno ang aking bibig ng banana cue.


"bakit? gusto mo ba  nito?" hindi ko alam bakit ayon ang una kong sinabi sa kaniya.


"are you starving?" tanong niya sa akin at tumango ako.


hindi ako nagsisinungalin kasi gutom parin ako kahit sobrang dami konang nakain.


"kumain kana muna, pagtapos mo nalang tayo mag usap" sabi niya at sinamahan akong maglakad papunta sa bench malapit sa dagat.


"tuwing ba nagging maayos tayo, kailangan mo akong layuan? alam ko na malaki ang naging kasalanan ko sayo pero nagmamakaawa ako na patawarin mo ako. Cherry, hindi ko kaya kung iiwan mo ako uli. ikaw ang buhay ko," nagulat ako dahil habang sinasabi niya iyon ay naka tingin lamang siya sa dalampasigan.


" pinagsisihan ko lahat ng nangyare noong ikasal tayo. Hindi ako naging mabuting asawa sayo, alam kong sinasarili ko lahat ng mga problema ko kaya hindi mo nalalaman kung ano man ang nangyayare. May mga oras na alam kong nauuuna ko si Sera dahil sa mga bullshits na ginawa niya sa business namin pero lahat ng iyon kaya kong itapon. Noong una, inaamin ko na hindi ko kayan itapon dahil buong kompaniya dahil naisip ko na dugo at pawis natin ang binigay natin para ron" lumingon siya sa akin.

Charming Danger (Diary Series #11)Where stories live. Discover now