"Misis Del Real, sigurado ho ba kayo sa annulment papers na pinapa ayos ninyo sa akin?" tanong sa akin ni Atty. Dee.
"Sigurado ako," sabi ko at lumabas na ako ng kaniyang opisina para maka uwi na.
Naka balot parin ako ng hoodie at pantalon para hindi makita ang mga galos ko sa aksidente ko.
Noong naka uwi na ako ng bahay ay nakita kong naka upo roon si Shan.
"Saan ka ba nanggaling? Dalawang araw kanang hindi umuuwi at hindi mo pa ginawa ang trabaho na sayo binigay," nagulat ako sa galit na boses ni Shan pero pinatatag ko parin ang aking sarili.
"Bakit? nag sasabi ka ba saakin kapag umaalis ka? Sinasabi mo ba lahat sa akin ng lakad mo?" kalmado kong sabi sa kaniya.
"Trabaho Cherry! ayon lang ang inaatupag ko,"
Sinungaling.
"Tinawagan kita ng ilang beses noong isang araw pero nasaan ka? nakay Sera ka!" sigaw ko sakaniya, hindi ko na mapigilan ang inis ko sa kaniya.
"Dahil kasama ko siya sa trabaho Cherry, Huwag kanaman umaktong immature." wow.
"Trabaho? halik sa pisnge? hatid sa ospital? kasama sa bahay? magkasama sa opisina mula umaga hanggang gabi? trabaho ba lahat ng iyon, Shan?" sabi ko at hindi ko na napigilan ang luha na kumawala sa akin.
"Cherry, ano bang pinapalabas mo? Niloloko kita ganon ba?"
"Bakit? hindi ba Shan Oren Del Real?" sigaw ko.
"Cherry, saan mo ba nakukuha iyang pag iisip na iyan? Kung ano ano ba kinukwento sayo? ako ang asawa mo dapat sa akin ka maniwala," sabi niya pa at natawa ako.
"Ako rin ang asawa mo, Shan. Bakit hindi ako ang mahal mo?" lumuluha kong sabi sa kaniya.
"Hindi ako makauwi dahil hindi mo ginawa yung presentation na saiyo ibinigay," sabi niya pa at nararamdaman ko nanaman ang pag sakit ng ulo ko.
"Umalis kanalang, Shan. Tumira kana sa Sera mo!"
"Cherry, ano nanaman ba ang iniisip mo?"
"Alam ko naman hindi mo ako mahal eh, alam kong hindi tutuo na ako ang mahal mo, alam kong si Sera parin, alam kong ako lang ang nangangarap saatin."
"Ano ba-"
"Kaya nga kapag nag sesex tayo wala akong maramdaman na iba kundi pusok, laging make up sex dahil satingin mo makakalimutan ko lahat ng kasalanan mo isang halik sakin." sabi ko.
"Alam mo? Mag papalamig muna ako ng ulo," sabi niya at umalis ng bahay.

YOU ARE READING
Charming Danger (Diary Series #11)
RomanceAhtisa Cherry is the definition of your perfect daughter with a perfect life. She has everything she wants, Love life, Beautiful Face, Richness, and Loving Parents but she will experience turbulence in her Marriage. Things will change in a snap of d...