Chapter 18

178 7 0
                                        

"Ano yung nalalaman ko na hinatid ka ni Shan sa bahay?" napa yuko ako dahil sa sinabi ni Mommy.


"Sorry, Mommy! Gabi na kasi yon kaya hinatid niya ako sa bahay, hindi ko naman gusto iyon." umiiling iling kopang sabi.


"Ayaw kong maging kontrabida sainyo, Cherry. Ang ayaw ko lang ay iyong saktan ka niya uli. Gabi gabi hina haunt parin ako noong araw na nakita ka naming namimilipit sa sakit dahil sa kaniya, kung kailangan kitang ilayo, gagawin ko." sabi ni Mommy at nakita ko ang mga luha na kumawala sa kaniyang mata.


"Alam ko po, Mommy! Hindi ko naman po nakakalimutan ang nangyare," kung hindi umiyak si Mommy baka nakalimutan kona yung nangyare.


Napansin ko na masayang naglalaro ng barbie doll at doll house si Shannel at Daddy.


"Mommy! Daddylo is very very caring and energetic," sabi pa ni Shannel kaya naman ngumiti ako.


Atleast nararamdaman ng anak ko ang pamilya kasama ang parents ko.


Noong naka tulog na si Shannel ay nag wine pa kami nina Mommy at Daddy.


"Anong balak mo niyan? Babalik ka ba agad sa New York? Alam na ni Shan ang bahay mo sa New York kaya mag stay kana muna sa bahay natin sa California," sabi ni Daddy at tumango ako.


"Daddy, alam ko pong ayaw ninyo malaman ni Shan na may anak kami pero ayaw kopo maging unfair sa anak ko." sabi ko at tumango sila.


"Alam namin iyon anak, hindi lang namin makita na magiging masaya ka sa kaniya. Iniisip mo si Shannel dahil anak mo siya at apo namin siya, naiintindihan namin iyon pero paano naman yung nararamdaman namin bilang magulang mo. Anak ka namin at we want the best for you," sabi ni Mommy kaya tumango ako.


Nuong gabi na iyon ay doon ako natulog sa bahay nina Mommy dahil namimiss ko na rin sila.


"Ano ready ka na ba sa second day mo sa gym?" tanong sa akin ni Joseph kaya naman tumango ako.


Nakita kong nasa shotgun si Corinne kaya doon ako sa likod. Nag kakamabutihan na talaga sila.


Noong lumabas kami ay dumiretso kami agad sa gym, nakita kong naroon si Shan kaya naman nailang ako sa suot ko.


Naka sports bra lang ako at leggings.


Sabay kaming nag umpisa ni Corinne at si Joseph at Johnny naman ay inaalalayan lamang kami.


"You look good today, Cherry!" compliment pa ni Johnny saakin.


Habang nasa threadmill ay biglaan akong nakaramdam ng matinding hilo at sakit ng ulo dahilan para madulas ako at mahulog.


Nakita kong napatakbo ng mabilis si Shan patungo saamin pero naunahan siya ni Joseph sa pag antabay sa akin.


Charming Danger (Diary Series #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon