Chapter 6 New Direction

4.8K 314 262
                                    

"A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person."


Gio POV


Kanina pa ako tapos magbihis, hinihintay ko na lang si Irish matapos. Kanina pa niya sinabing patapos na pero anong oras na hindi pa rin siya bumababa. Napapatingin ako sa suot na relo. Alas nuwebe na ng gabi. Sinabi ko naman sa kanya na hindi kami magtatagal doon dahil may pasok pa siya bukas sa eskwelahan.

"Irish, di ka pa ba tapos?!" Hindi na ako nakatiis na tawag ko habang nakaupo sa armrest ng single sofa dito sa living room.

Muli akong napatingin sa suot na relo. Anong oras na kami makakauwi niyan?

"Let's go?" Narinig kong sabi niya.

Nag-angat ako ng tingin sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Nakasuot siya ng patterned dress na mahirap pang umabot sa kalahating hita niya ang haba. May dala nga siyang jacket hindi naman niya suot. Anong silbi no'n? 

Tumayo ako mula sa kinauupuan ng hindi inaalis ang tingin sa kanyang mukha. Naglagay siya ng light makeup. Gusto ko sana siyang kastiguhin sa damit niya pero nagpigil na lang ako. Iniisip ko na bibilangan ko na lang siya. Una at huli na 'tong magsusuot siya ng ganito kaikling damit. Huminga ako ng malalim saka seryoso ang mukhang nagpatiuna ng naglakad patungo sa pinto.

Wala kaming imikan habang papunta kami sa bar. Minsan na akong nakapunta doon kaya alam ko ang daan. Tiyak na sa mga oras na ito ay marami ng tao doon. At hindi nga ako nagkakamali...

Hindi na kami hinanapan ng ID ng bouncer ng makilala si Irish. Nakakawit ang kamay niya sa kaliwang braso ko ng papasok na kami sa loob ng bar. Medyo madilim at ang lakas pa ng sounds. Ang dami na ring sumasayaw sa gitna ng dance floor. May mga nadaanan kaming grupo na bumati sa kanya. Sinagot lang naman niya ng simpleng 'hi' at kaway. Dumiretso kami sa bandang gilid. Nandoon ang mga pinsan niya kasama ang kapatid niyang si Brooklyn.

"Welcome drinks." Sabay iniabot sa akin ni Brooklyn ang isang shoting glass na naglalaman ng alak.

"Brook." Makahulugang bigkas ni Irish sa kapatid.

"Don't worry, lil' sis, hindi ito masyadong nakakalasing." Ngumisi ito. "Right, Gio?"

Para wala na silang masabi, kinuha ko na lang ito at inisang lagok. Napangiwi ako ng malasahan ang pait nito at ang mainit na likidong dumaan sa aking lalamunan.

"Welcome to our clan, bro!" Masayang sabi ni Brooklyn ng iniabot ko sa kanya ang wala ng lamang baso.

"Hindi ba dapat nagha-honeymoon kayo?" Nanunuksong komento ni Asher ng naupo ako sa tabi ni Brooklyn. Si Irish naman ay naupo sa kabilang side, katapat ko. U-shaped kasi ang couch na inuupuan namin.

"Dude," Bigkas ni Harper sabay inakbayan si Asher. "Ang honeymoon, wala 'yang pinipiling oras o araw, wala ring limitasyon. Kung pwedeng araw-araw kayo mag-honeymoon bakit hindi di ba?"

Kinantiyawan ito ng mga pinsan. Napangiti lang ako sa kanila. Napatingin ako sa gawi ni Irish. Nagbubulungan sila ni Eira na katabi niya, saka sila nagkatawanan.

Kaya pala sila nag-aya para daw i-welcome ako. Nagpasalamat ako sa kanila dahil dito. Patikim-tikim lang ako ng konti dahil may lakad pa ako bukas. Ayoko namang maghahanap ako ng trabaho na may hangover. Buti na lang at mukhang hindi naman masyadong umiinom si Irish. Sa kanilang magpipinsan na naririto ngayon, siya na lang yata ang nag-aaral pa.

Naiwan kami sa mesa ng nagsipuntahan ang mga kasama namin sa dancefloor. Sumisimsim ng alak si Irish ng lumapit ako sa kinauupuan niya. Tumabi ako ng upo sa kanya.

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon