Chapter 10 Wild Guests

4.9K 284 374
                                    

"Relationships are never easy all the time, but if you care about the person enough, you are willing to do whatever work it takes to make it last."


Gio POV


Problemadong napabuntong-hininga ako habang wala pa ring suot na pang itaas na nakatayo sa harap ng mga naka-hanger na damit, dito sa loob ng walk-in closet.

"Hindi ko alam kung anong isusuot ko." Sabi ko saka napameywang.

Nakasuot na ako ng itim na pantalon at naka-medyas na rin. Pero hindi ko alam kung ano'ng ipapareha ko. Kung magsho-short sleeve polo ba ako o long sleeve polo.

Ngayong araw kasi ang interview ko sa pinag-apply'an ko noong Lunes. Sa isang residential real estate company na ini-rekomenda ni Angie sa akin, 'yong tinulungan kong magpalit ng tire. Kinakabahan tuloy ako. Panay naman ang pagpapanatag ni Irish sa kalooban ko kagabi. Nag-practice pa nga kami kunwari para hindi ako mablangko mamaya pag nagtanong na sila.

Lumapit siya sa akin. Nakabihis na siya ng school uniform at abalang naglalagay ng hikaw nang tumabi sa kinatatayuan ko.

"What's wrong?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam kung anong magandang isusuot ko." Sagot ko habang nakapameywang pa rin.

"Uhum." Lumapit siya sa hilera ng mga damit ko at pumili ng isang long sleeve polo na kulay puti saka itinapat sa katawan ko. Sinipat muna niya ako ng tingin kung pwede ba 'yon sa akin. "Ito na lang tapos patungan mo no'ng dark blue na coat. Bagay sayo." Sabi niya sa akin kapagkuwan at ibinigay ito sa akin.

"Talaga?" Tanong ko ng kinuha ko ito mula sa kanya.

"Pero parang mas gusto ko 'yong wala ka na lang suot na damit." Saka siya ngumiti ng pilya sa akin.

Natawa ako ng marahan. Alam ko naman na pinapagaan lang niya ang loob ko. Kaya nagpapasalamat ako dahil doon.

Hinapit ko siya sa beywang gamit ang isang kamay, dahil hawak ng isang kamay ko ang hanger na may nakasabit na damit kong pinili niya. "Thanks." Hinalikan ko siya sa noo.

Nasa gitna ng dibdib ko ang kanyang mga palad. Tumingkayad siya ng konti para halikan ako sa labi. "Everything's gonna be fine. Huwag kang masyadong kabahan. Kaya mo 'yan." Nakangiti niyang saad.

Nakangiting huminga ako ng malalim. "Buti na lang at nandiyan ka." Tugon ko.

"I'm always here." Nakangiti niyang sabi bago ako iniwan.

Nagsimula na akong magbihis. Isinuot ko ang damit na pinili ni Irish para sa akin kasama na no'ng dark blue na coat na sinasabi niya. Kinuha ko 'yong itim na leather shoes ko sa may sapatosan at isinuot na rin. Nag-spray ako ng konting pabango. Inamoy ko ang sarili bago ibinaba ang pabango at lumabas na ng walk-in closet.

Agad na sumilay ang ngiti sa labi ni Irish ng makita akong lumabas ng closet. Lumapit siya sa akin saka sinipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik.

"Ayos lang ba?" Kulang sa kumpiyansang tanong ko.

Lumapit siya sa akin ng konti pa tsaka binuksan ang isa pang butones sa bandang itaas ng suot kong puting panloob.

"Hindi ba ako magmumukhang mayabang nito?" Tanong ko sa kanya sa ginawa niya.

"Hindi mayabang ang tawag diyan." Pagtatama niya. "Simpatiko."

"Sure?" Kinakabahan talaga ako ngayon pa lang.

"Wait, may kulang." Saka siya dumukwang para dampian ako ng halik sa labi tsaka niya masuyong pinunasan ang labi ko pagkatapos. "Hayan, para naman hindi halatang kinakabahan ka. Namumutla na ang labi mo." Saka ngumiti sa akin. Tinapik-tapik niya ang pisngi ko. "Okay na po."

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon