Chapter 19 Electrocute

3.5K 297 132
                                    

"True love is like ghosts, which everyone talks about and few have seen."


Gio POV


Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ng mamataan si Evelyn na papalapit sa lamesang kinaroroonan ko. Sa dati rin naming pinupwestuhan noon kapag nagpupunta kami dito.

"Salamat at pumunta ka." Sabi ko ng makalapit na siya ng tuluyan.

Ipinaghila ko siya ng upuan sa harap ng pandalawahang mesa bago bumalik sa kinauupuan. Napakiskis ang mga kamay ko sa ibabaw ng aking mga hita sa kabang nararamdaman. Ngumiti ako ng tipid sa kanya pero hindi niya ito ibinalik.

Kababakasan ng pag-iyak ng nagdaang gabi ang kanyang mga mata. Kahit pa pilit niya itong tinakpan sa pamamagitan ng makeup, mapapansin pa rin. Magkahalong lungkot at galit ang kanyang mga titig.

Naiintindihan ko siya. Alam kong may karapatan siyang magalit sa akin dahil sa ginawa ko. Pero sana huwag na niyang idamay pa si Irish. Hangga't maaari sana ay sa akin na lang niya ibunton ito.

Lumapit sa amin ang waiter para kuhanin ang order namin. Juice lang ang in-order ko tutal malapit na namang maghapunan. Baka magtaka pa si Irish kung bakit wala akong ganang kumain mamaya.

Tinignan niya ako ng makahulugan ng marinig na juice lang ang in-order ko. "Ang yaman-yaman ng napangasawa mo tapos iyon lang ang oorderin mo? Ba't di mo sulitin?" May pang-uuyam niyang sabi.

Nasaktan ako sa sinabi niya. "Hindi ko pinakasalan si Irish dahil sa pera." Pormal ang mukhang tugon ko. "Sa lahat ng tao, Eve, sayo ko pa 'yan maririnig."

Isang napakatalim na titig ang iginawad niya sa akin bago bumalik sa pagtingin sa menu. Parang nahihiya tuloy ang waiter sa amin sa nasaksihan. Nag-order na siya ng full meal para sa hapunan siguro nito.

"Ba't mo ko gustong makausap?" Tanong niya ng wala na ang waiter. "Nagbago na ba ang isip mo at iiwan na siya para sa akin?" May panghahamon sa kanyang tinig.

Lihim akong napalunok. Maganda si Evelyn. Kung tutuusin, may kamukha nga itong sikat na artista. Sexy manamit at maputi rin dahil sa paglalagi niya sa abroad. Medyo kulot ang lagpas balikat niyang buhok. Nasa 5'6 siguro ang height niya. Pero dahil palagi siyang nakasuot ng heels sa tuwing magkasama kami noon ay hindi nahahalata ang malaking height difference namin.

Huminga ako ng malalim. "Evelyn, humihingi ako ng tawad sa ginawa ko. Alam kong hindi madaling patawarin ako, pero sana balang araw ay mahanap mo sa puso mong magpatawad." Sinserong saad ko.

"Sobra akong nasaktan Gio." Naiiyak na naman niyang sabi. "May plano tayong dalawa, pero anong ginawa mo? Iniwan mo ako sa ere!" Sumbat niya. Nakayuko lang ako habang nakikinig sa kanya. "Nakipaghiwalay ka sa akin ng gano'n gano'n lang. 'Break na tayo, good bye' ano 'yon Gio? Ano ba ako sayo? Gaga?!"

Napalunok ako. "Eve..."

"Hindi mo ako masisisi Gio kung ganito na lang ang galit ko sayo... at sa asawa mo!" May kalakasan niyang sabi. "'Tang ina." Mahina ngunit may diing mura niya. "Putang inang pag-ibig 'to." Dugtong niya.

Inabot ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa ng makitang isa-isa na namang naglandas ang luha sa kanyang mga mata.

"I'm really sorry, Eve." Buong puso kong hingi ng kapatawaran. "Alam mong minahal kita."

"Minahal?" Pag-uulit niya. "Tapos ngayon hindi na?"

Hindi ako nakasagot. Aaminin ko, mayro'n pa akong nararamdaman para sa kanya. Pero mas lamang na 'yong nararamdaman ko para kay Irish. Hindi rin naman kasi biro 'yong ilang taon naming magkarelasyon ni Evelyn. Pero nagugulat ako sa sarili dahil sa nararamdaman para kay Irish... tila bang sa ikli ng panahong iyon ay unti-unti niyang sinasapawan ang nararamdaman ko noon kay Evelyn sa nararamdaman ko ngayon para sa kanya.

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon