Chapter 43 This is Not the End

9.3K 335 110
                                    

"You can have a successful career, make an impressive income, and be physically healthy. Without supportive relationships to help you overcome life's obstacles and celebrate everyday moments, you won't find the happiness you seek."


Irish POV


"Happy birthday!"

Masaya naming bati kasama na ang mga bisitang presente ngayong hapon sa kambal naming anak ni Gio na sina Alistair at Gwyn.

"Blow the candle na anak." Narinig kong sabi ni Gio sa batang karga niya na agad naman nitong ginawa.

Ginaya din siya ni Gwyn na karga ko naman. Pagkatapos no'n ay ang masigabong palakpakan mula sa mga kasama namin.

Nagkatinginan kami ni Gio saka nagkangitian. Hinalikan niya ako sa pisngi saka inihawak sa likod ko ang libreng kamay.

Present ang lahat ng mga pinsan ko kasama na ang kanilang mga anak, pwera lang kay Ryleigh na hanggang ngayon ay wala pa kaming balita kung nasaan o kung kumusta na. Sabagay, kung gusto talagang magtago ng isang tao, magtatago iyon ng maigi. But not for long, I think. Kilala ko ang pamilya ko, they will find her soon. Lalo na't kumalat na sa socmed ang nangyari. At kung sino ang mga nagkalat? Of course, 'yong mga pinaiyak niyang babae!

They keep on saying bad things about her. Karma na daw niya ito and so on. Well, it will die soon. Hinahayaan na lang namin. Let things take their course. Wala na rin naman kaming magagawa to keep the fire low. Or at least para hindi sumingaw. But we failed. This is the first. But we will make it through, I know.

"Kumain ka na." Sabi ni ate Kreme kay ate Gabrielle ng mapadaan ako sa tapat nila. "Ako na ang bahala kay Krum." Saka napatingin kay Krum na abala ng pumapalakpak habang nanonood ng magic show. Nandoon din si Gio kasama ang kambal habang ako ay abala sa pag-aasikaso sa mga bisita.

"Oo nga Gab," Segunda ni Ramjen na kasama nila sa mesa. Abala na itong kumakain. "Baka mangayayat ka lalo, walang yayakapin itong kaibigan ko -"

Natawa ako ng sinubuan ito ni ate Kreme ng tatlong piraso ng marshmallows sa bibig.

"Hayan! Kumain ka ng magkalaman ang utak mo." Ganti ni ate Kreme sa kanya. "Kaya ka hindi nagkaka-jowa e, mas madaldal ka pa kaysa sa akin!" Sabay irap pa nito dito.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay para i-check ang mga nagke-cater ng food ng mapansin ang itim na sedan na papasok ng bakuran pero tumigil din nang makitang wala itong pagpupwestuhan. Naglakad ako papalapit dito.

"Max." May ngiting bati ko ng saktong bumaba ito ng sasakyan.

"Irish!" Mabilis itong lumapit sa akin para batiin ako ng halik sa pisngi.

Ang sexy naman nito sa suot na pulang hapit na dress. Baka nakalimutan niyang children's birthday party ang pupuntahan at hindi bachelorette party. Anyways, hindi na ako nagseselos dito dahil secured ako sa love ni Gio para sa akin.

"Pwede bang dito ko na lang i-park ang kotse ko?" Tanong niya sabay tinapunan ng tingin ang driveway kung saan nakatigil ang kanyang kotse.

May space pa naman kung sakaling may lalabas na sasakyan. "Pwede naman siguro." Sagot ko. "Halika sa loob." Aya ko sa kanya.

Napangiwi siya. "Uhm, okay lang ba if I brought someone with me?" May alinlangang tanong niya.

"Oo naman!" May bahagyang pagtawang sagot ko. "Nasa'n ang kasama mo?"

"Thank you." Tugon niya. "Tawagin ko."

Bumalik siya sandali sa sasakyan saka binuksan ang pinto sa passenger's side. Bumaba mula dito ang isang magandang babaeng marahil ay nasa early twenties. Mas bata siguro ng ilang taon kay Maxine. Naglakad ang mga ito pabalik sa kinatatayuan ko.

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon