Chapter 8 Have A Great Day!

4.9K 319 159
                                    

"A great marriage is not when the perfect couple comes together. It is when an imperfect couple learns to enjoy their differences."


Irish POV


Wala na sa tabi ko si Gio ng magising ako kinabukasan. Marahil ay nasa kusina na iyon.

"Hmm." Nakangiting nag-inat ako bago bumangon sa kama.

Maayos ng nakatupi sa ibabaw ng lamesita ang hinubad ni Gio na damit ko kagabi. Napakagat ako sa ibabang labi para supilin ang nagbabadyang ngiti ng maalala ang mga nangyari. Gusto ko tuloy ulit bumalik sa pagkakahiga. Ewan ko, kinikilig ako sa isiping may nangyari sa aming dalawa.

Bumaba na ako ng kama at dumiretso sa banyo. Nang matapos ako ay humugot ako ng t-shirt ni Gio sa loob ng closet at ito ang isiunot ko. Gustong-gusto ko 'yong amoy niya... pakiramdam ko kasi palagi ko siyang yakap. Lumabas na ako ng kuwarto at nagtungo sa kusina pagkatapos.

Nasa pinto pa lang ako ng kusina pero naririnig ko na ang may kalakasang volume ng TV sa loob ng kusina. May naka-hang doon na smart TV.

"Good morning." Nakangiting bati ko sa kanya.

Saktong humihigop siya ng kape ng maabutan ko. "Good morning din." May ngiting bati rin niya sa akin.

Nakasuot siya ng apron habang nagluluto at nanonood ng morning news. Hininaan niya ng konti ang volume ng TV. Lumapit ako sa kanya at agad na niyakap sa batok. Iniyakap niya ang isang kamay sa beywang ko habang nakahawak ang mug ng kape niya sa isa.

Bahagya akong tumingkayad para batiin siya ng halik sa labi.

"Gusto mo ng kape?" Tanong niya.

"Ipagtimtimpla mo ba ako?" Naglalambing na tanong ko.

"Sure?" Nakangiti niyang patanong na sagot na ikinangiti ko rin. Mukhang maganda ang gising niya.

"Ayoko." Nakangiting tugon ko. "Mas gusto ko 'yang kape mo."

Hinawakan ko ang kamay niyang may hawak na baso at inilapit ko sa aking bibig ang mug tsaka humigop doon ng kape ng hindi tinatanggal ang tingin sa kanya. Nakatitig din naman siya sa akin. Napapikit ako ng malasahan ito.

"Hmm." Nakapikit na ninanamnam ang lasa nito. Sakto lang, hindi masyadong matamis at medyo mapait. Parang nag-blend 'yong lasa.

Titig na titig siya sa akin ng magmulat ako ng mga mata. Ibinaba niya sa likod ko, sa ibabaw ng center island ang mug na hawak at tuluyan na akong hinapit sa beywang kaya naman dikit na dikit na ang katawan ko sa kanya.

"Nang-aakit ka ba?" Kunwari niya akong pinaningkitan ng mata. Kahit na sa totoo lang ay singkit na talaga siya.

Napaangat ang gilid ng labi ko. "Bakit? Naaapektuhan ka?" Pilyang tanong ko habang hinahaplos-haplos ko ang kanyang batok.

Imbes na sagutin ako ay bumaba ang kanyang mukha para halikan ako. Agad ko naman itong tinugon. Ang simpleng halik lang sana na iyon ay mas lumalim pa. Narinig ko ang kanyang pag-ungol ng marahan kong kinagat ang kanyang ibabang labi.

Binuhat niya ako at isinampa sa ibabaw ng center island ng hindi pinuputol ang halik. Mas mataas na tuloy ako ng konti kaysa sa kanya. Nasa magkabilang hita ko na ang maiinit niyang mga palad at hinahaplos ako pataas. Mas lalo ko pang kinabig ang kanyang batok para palalimin pa ang halik.

"Hmm... Gio..." Bulong ko ng maramdaman ang kanyang mga kamay sa ilalim ng damit na suot ko. Patungo ang mga ito sa aking dibdib.

Hinahalikan niya ako sa leeg habang hinahaplos-haplos ng mga palad niya ang magkabila kong dibdib. Napapikit ako ng mariin sa ginagawa niya. Ginugulo ng mga kamay ko ang kanyang buhok.

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon