Chapter 16 Are We In Love?

3.7K 269 67
                                    

"I used to think of you all day long. Now you even hold the monopoly of my dreams. I don't complain because I love to love you."


Gio POV


Muntik na akong ma-late sa paggising kinabukasan. Buti na lang at maagang tumawag sa akin si Irish para batiin ako ng good morning at sinabing mag-ingat ako lagi. Napaka-sweet niya talaga.

Kinuha ko na ang tuwalya na nakasabit sa dingding at lumabas na ng kuwarto. Nagkukusot at naghihikab pang naglakad ako papasok ng kusina. Natigilan ako ng makita sina Angie at Erich doon... naglalambingan.

"Sorry." Pipihit na sana ako patalikod pero pinigilan ako ni Angie.

"Ayos lang." Natatawa nitong sabi. "Magkape ka muna bago ka maligo." Aya pa niya.

Napapakamot sa batok na naupo ako sa harap ng lamesa. Nahihiya tuloy ako. Nakangiting binati ako ni Erich ng magandang umaga na agad ko namang ibinalik ng may tipid na ngiti. Nagtimpla muna ako ng kape ko.

"Favorite spot din namin ang kusina." Makahulugang sabi ko kay Angie ng lumabas si Erich sandali.

Natatawang napailing-iling si Angie. "Para kasing ang sarap maglambing sa umaga 'no?" Nang-iinggit pa niyang wika.

Natawa ako ng mahina. "Kaya nga." Segunda ko.

Bigla ko tuloy naalala si Irish kung paano siya maglambing sa umaga, lalo na kapag naaabutan niya akong nagluluto sa kusina. Haist... nakaka-miss din pala siya.

"Miss mo na 'no?" Tukso ni Angie ng ilang sandali akong matigilan.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya habang humihigop ng kape. "Oo nga e." Nakangiting tugon ko.

"Normal lang naman 'yan. Lalo na sa inyo medyo hilaw pa." Makahulugan niyang sabi. "Dapat nga nasa honeymoon stage pa kayo e."

Naalala ko 'yong sinabi ni Harper no'n tungkol sa honeymoon stage. "Sabi no'ng isang kakilala ko, ang honeymoon daw dapat walang limitasyon o stage. Kahit daw araw-araw kung gusto mo mag-honeymoon okay lang." Natatawang turan ko.

Napatango-tango si Angie. "May point siya." Nakangiting sang-ayon niya.

Nagkatinginan kami saka nagkatawanan ng mahina. Noon pumasok si tita Elena, kasunod nito si Lino na bihis na bihis na.

"Magandang umaga ho, tita." Bati ko dito. "Kape ho." Aya ko.

"Magandang umaga naman sayo. Hindi ka ba namahay?" Nakangiti nitong tanong.

Napailing-iling ako. "Hindi naman po. Napaka-komportable nga po dito sa inyo." Tugon ko.

"Ako G, hindi mo ba ako babatiin?" Sabay napakurap-kurap pang tanong ni Lino sa akin.

Naibuga ni Angie ang iniinom na kape. Muntik na kaming mabasa dahil doon.

"Ang sagwa!" Nakangiwing komento niya habang nakatingin sa nakasimangot na kaibigan.

"Ikaw ang masagwa!" Ingos niya saka naupo si Lino sa upuang malapit sa kinauupuan ko. "Good morning, Gio. Next time sa bahay ka na matulog, mas komportable ka do'n." Sabi niya sa akin. Alam ko namang nagbibiro lang 'to e.

Natawa ako ng marahan. "Ah hindi na. Ayos lang ako dito. Thank you na lang." Magalang kong pagtanggi.

Nawala tuloy ang ngiti niya na ikinatawa ng malakas ni Angie. "Batukan kaya kita diyan?!" Nakasimangot na sabi niya kay Angie.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito ang aga-aga?" Ganti naman no'ng isa.

"Gusto ko sanang sumabay kay Gio." Sagot nito. "Ipagyayabang ko siya sa mga kasama ko sa shop, sasabihin kong may jowa na ako."

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon