Part II - Chapter 26 The World Doesn't Stop

4.8K 317 185
                                    

"No matter how bad your heart is broken, the world doesn't stop for your grief."


Gio POV

17 months later...


"Ma." Sabay halik sa pisngi niyang bati ko ng makauwi ako ng bahay.

"Kaawaan ka ng Diyos, anak." Tugon niya.

Kadarating ko lang mula sa trabaho. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa taas, sa kuwarto ko. Ipinatong ko sa ibabaw ng work table ko ang mga gamit bago nagtungo sa closet para kumuha ng pamalit ng damit.

Noon tumunog ang cellphone ko habang nagbibihis. Tinignan ko ito. Agad na napangiti ng makita ang pangalan ni Chris. Iniimbitahan niya ako mamayang gabi, may usapan kasi silang mag-bar, tinanggihan ko kanina dahil sabi ko may gagawin pa ako. At ngayon nga ay kinukulit pa rin ako. Tsk.

Nang matapos akong makapagbihis ay lumabas na ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Nagtungo ako sa kusina para tulungan si mama na maghanda ng makakain.

"May dumating pala na parcel kanina." Balita ni mama habang tinutulungan ko siya sa pagbabalat ng gulay.

"Nakita ko na po." May tipid na ngiting tugon ko.

"Nakumpleto mo na ba?" Tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin tsaka ngumiti sa kanya. "Malapit na ho." Sagot ko. "Hindi ko pa tapos pinturahan."

Tumango-tango siya. "Ikakasal na pala si Ryleigh sa susunod na linggo." Aniya.

Kunot-noong nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Talaga ho?" Sa itsura kasi nito parang ayaw patali.

Ilang buwan na rin akong hindi nakikipag-usap o nakikibalita sa mga Montalban. Wala akong makukuha sa kanilang kahit anumang impormasyon. Tikom pa rin ang kanilang bibig hanggang ngayon. Kay mama na lang ako nakikibalita kung may nababanggit ba sila sa kanya tungkol sa mag-ina ko.

Wala na rin akong balita pa tungkol sa mga buhay-buhay nila. Ilang buwan na rin akong hindi umuuwi ng hacienda. Inabala ko na lang ang sarili sa pagpapaunlad ng sarili, para kung sakali mang bumalik siya, kasama na ang anak namin, may maipagmamalaki na ako sa kanya.

Nakabili na ako ng bahay. In-offer to sa akin ng kompanya noong ma-regular na ako sa trabaho. Pinatulan ko kaagad kasi kailangan ko din naman. Isa pa, gano'n din, magbabayad ako buwan-buwan ng upa kaya ibabayad ko na lang sa bahay. Fully furnished na itong two-storey modern house kaya konti na lang 'yong mga idinagdag ko. May tatlong kuwarto sa itaas at isa naman dito sa baba. May sariling banyo ang master's bedroom habang ang dalawa ay may connecting na full bathroom. May half-bathroom naman sa ibaba, dito sa kusina. Malawak din ang bakuran at pwede ang dalawang sasakyan sa garahe.

Nagustuhan ko agad ito ng unang makita ko dahil malaki, pang pamilya talaga. Kaya naman kahit konti na lang ang natitira sa sahod ko buwan-buwan ay kinuha ko na. Ngayon halos magdadalawang taon na ako sa trabaho. Mahigit isang taon na rin buhat ng umalis si Irish... at hindi pa bumabalik hanggang ngayon.

Masakit... walang araw na hindi ko siya iniisip. Iniisip ko kung kumusta na ba siya... ang anak namin. Hindi ko pa rin maiwasang magalit sa isiping itinago niya sa akin ang bata. Pero mas nangingibabaw sa akin ang kagustuhang muli siyang makita... pati na ang naging anak namin. Wala akong alam, wala akong balita. Ni hindi ko din alam kung babae ba o lalake ang naging anak namin... kaya nasasaktan ako sa isiping wala man lang akong kaalam-alam sa lahat tungkol sa kanila.

"Ang balita ko, napikot yata." Saad ni mama.

Natigilan ako sa ginagawa at muling napatingin kay mama. "Huh!" Natatawang bigkas ko. "Akalain mo 'yon?" Nakangiti ng mapaklang napailing-iling. "Isang Montalban-Gray, mapipikot?" Saka napapalatak. "Sino daw, ma?"

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon