Chapter 30 What To Do?

5.1K 370 173
                                    

"I've learned that regardless of how hot and steamy a relationship is at first, the passion fades and there had better be something else to take its place."


Gio POV


Mahimbing pang natutulog si Irish ng magising ako kinabukasan, ngunit 'yong dalawang bubwit, gising na gising na. Buti na lang at agad kong nakita si Alistair, muntik ng mahulog sa paanan ng kama habang gumagapang.

"Good morning, guys." Bati ko sa mga ito saka nakangiting niyakap silang dalawa.

"Dada!" Halos sabay nilang bigkas na agad akong ikinangiti.

"Hali nga kayong dalawa." Binuhat ko silang dalawa sa magkabilang braso at bumaba na ng kama. "Baka magising ang mommy niyo. Samahan niyo akong magluto sa kusina."

Ibinaba ko muna sila sa crib para maibaba ko ang isang light stroller na bagong-bago pa. Binili ko ito noon kasama ng kama at crib. Isa lang kasi hindi ko naman akalain na kambal pala ang magiging anak namin ni Irish.

Ibinaba ko ito sa kusina bago binalikan ang dalawang bata. Si Ali ang inilagay ko sa stroller at buhat-buhat si Gwyn gamit ang baby carrier sa likod para malaya pa rin akong makakapagluto ng agahan.

Habang nakasalang ang kanin sa rice cooker at naglalaga ng patatas para may pagkain ang dalawang bata ay nagluluto na rin ako ng ulam. Sa tubig ko niluluto ang sunny side up na itlog na ulam ni Irish dahil ilag siya sa mamantika. Nagprito din ako ng daing na bangus. Sasamahan ko mamaya ito ng kamatis.

Umingit si Gwyn sa likod ko kaya napilitan akong buhatin na lang ito at itinabi na lang ang baby carrier.

"Love mo ba si dada?" Tanong ko sa kanya habang hinahango ang itlog.

"Dada." Ang tanging isinagot niya sa akin saka ako hinawakan sa pisngi.

"Kiss mo nga si dada kung love mo." Sabi ko dito.

Hinalikan niya ako sa pisngi tsaka ako niyakap sa leeg.

"Ang sweet naman ng baby Gwyn ko." Tuwang-tuwang sabi ko.

Si Alistair sinaway ko ng isinubo niya ang nilalarong bola. Sinabi kong madumi 'yon at huwag isinusubo ang mga laruan. Napansin ko na mas makulit si Ali kaysa kay Gwyn, mas malambing din ang huli kaysa sa nauna. Mas iyakin lang kasi itong si Gwyn... medyo maarte.

Patapos na ako sa pagluluto ng bumaba si Irish. Binati niya ang mga bata ng good morning sabay halik sa mga ito. Hinihintay kong batiin din niya ako ng good morning tsaka kiss. Pero wala akong nahintay.

"Magandang umaga." Bati ko sa kanya ng naupo siya sa harap ng mesa pagkatapos makuha mula sa akin si Gwyn.

"Morning." Simple at tipid lang niyang tugon. Hindi nga sa akin tumitingin, kundi kay Ali.

Naghain na lang ako ng pagkain sa ibabaw ng mesa. Ima-mash ko muna 'yong patatas para may pagkain ang kambal. Nang matapos ko itong mai-mashed ay naupo na ako sa tabi ni Irish at kinuha naman si Ali para mapakain.

"Mauna ka ng kumain, ako na ang magpapakain sa mga bata." Sabi niya. "May pasok ka pa sa trabaho."

"Balak kong hindi pumasok sa trabaho." Tugon ko.

"At bakit naman?" Kunot-noong nag-angat siya ng tingin sa akin habang sinusubuan ang mga bata.

"Para makasama kayo." Sagot ko.

"Makakasama mo pa rin naman ang mga bata pag-uwi mo." Saad niya ngunit hindi sa akin nakatingin. "Ihatid mo pala kami mamaya pagpasok mo sa trabaho kina mama. Doon muna kami."

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon