Chapter 7 Strictly Prohibited

5K 335 199
                                    

"Sex is not marriage but sex is part of marriage."


Irish POV


Mahigit kalahating oras na akong naghihintay kay Gio dito sa gate ng school ngunit wala pa rin siya para sunduin ako. Ilang text messages na ang ipinadala ko sa kanya. I even tried to call her twice or thrice pero hindi siya sumasagot. Iniisip ko tuloy na galit pa rin siguro siya sa akin dahil sa nangyari kaninang umaga. O baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

It happened so fast. Hindi ko naman ini-expect na... haist! Hindi naman sa hindi pa ako handa sa gano'ng bagay... mas nanaig lang kasi talaga 'yong takot ko na baka...

Ilang sandali pa ay isang magarang sasakyang convertible ang huminto sa harapan ko. Nasa likod ng manibela ang magandang babaeng nakasuot ng dark sunglasses ang ngumiti sa akin.

"Hop in!" Malakas na sabi ni ate Lily.

Nagpasalamat muna ako sa mga guards na nakasama ko doon bago pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.

"Thanks for coming, ate." Sabi ko sa kanya ng binati ko siya ng halik sa pisngi.

"No prob." Nakangiting tugon niya bago pinasibad ang sasakyan.

Inaya muna niya akong magmerienda bago ihatid sa bahay. Buti na lang at nasa malapit lang siya ng mag-text ako kung pwede ba niya akong daanan. Wala kasi si ate Brook, sinamahan niya si lola Abby na magtungo sa Lian.

"So how are you?" Napasandal siya sa kinauupuan saka ako tinignan ng diretso sa mga mata. I like the way she carries herself. Full of confidence. Kaya siguro na-in love sa kanya si Brook.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "I'm fine." Saka itinuon ang atensyon sa pagkain na halos hindi ko pa nagagalaw. Wala kasi akong gana...

"Hmm." She hums. "Your eyes chica, they never lie." Saka dinampot ang milkshake na in-order niya saka sumimsim gamit ang straw. "Gio problem?" May concern niyang tanong.

May pagsukong napabuntong-hininga ako saka binitawan ang hawak na tinidor. "Medyo nagkaroon lang kami ng misunderstanding this morning."

"Kaya ka ba hindi sinundo?" Agad niyang konklusyon.

Nagkibit-balikat ako. "I don't know. She's not answering any of my text messages or calls."

Napatitig siya sa akin ng mataman. "Does she already know?"

Hindi ako agad nakasagot. Napailing-iling ako kapagkuwan bilang tugon.

"Bakit ka kasi pumayag?" Muli niyang tanong. "I mean, bukod sa mahal mo siya."

Saglit akong napatingala at napapikit. "Her mom was so desperate." Alam naman na niya ang buong kwento. Hindi ko na siguro kailangan pang ulitin. "Ayaw niyang pumunta siya do'n sa babae..."

"Na mahal niya." Dugtong niya.

Natigilan ako at napakagat sa ibabang labi. Napalunok ako. "Yes."

"Hulahan ko." Kunwari pang napaisip niyang saad. "Nag-away kayo dahil sa sex." Diretsahan niyang sabi. Hindi ako nakasagot. "Kasi wala naman kayong ibang pwedeng pag-awayan since nagkasundo naman na kayo na pangangatawanan niyo 'tong pagiging mag-asawa ninyo."

Sinagot ko na lang siya ng tingin. "Natatakot kasi ako." Pag-amin ko. "Baka malaman niya na..."

"Virgin ka pa." Muli niyang dugtong na ikinatango ko. "Hon, whether you like it or not, she will find out the truth, eventually."

Napakagat ako sa aking ibabang labi. Ngayon pa nga lang kinakabahan na ako sa magiging reaksyon niya once nalaman na niya ang totoo... baka isumpa pa niya ako.

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon