PROLOGUE

318 14 0
                                    

THEA POV.

Ang sakit makita ang kaibigan mo na nagdurusa parang ayaw nya akong makita dahil sa kasalanang diko naman ginawa di namin ginawa ni ken.

Sa araw nato aalis muna ako lalayo hanggang sa mapatawad ako ni jl hanggang sa maka ahon na sya, ayaw ko man tong gawin ngunit kailangan para sa kanya dahil alam kung tuwing nakikita nya ako nasasaktan sya ayaw kung ganon titiisin ko nalang na hindi sya makita wag lang syang malungkot.

"thea? sigurado kana ba talaga na aalis ka?" napatingin ako kay lien nang nagsalita ito.

"oo kailangan kasi.." malungkot kung sabi tumitig sya sakin at nagsimulang nangilid ang mga luha.

"wag ka ngang umiyak lien! kala mo namn patay na yang si thea para iyakan mo, at syaka sasamahan ko naman sya." agad akong napalingon kay kyla dahil sa gulat sa sinabi nya ngumiti lamang ito nang nakakaloka.

"anong? hoyy kyla dito ka lang gusto kung bantayan nyo si jl." matigas na sabi ko dito.

"tapos ano? ikaw walang pinagdadaanan? wala kang masasandalan? at syaka alam ko namang mas nanaisin ni jl na may kasama ka kaysa ikaw lang mag isa!" imbes na makinig ito ay pinagalitan pa ako kaya napabuntong hininga nalng ako sa inasta nya dahil alam ko namang wala na akong magawa.

"mas mabuti pa yan kyla, kami na ni lien ang bahala kay jl ikaw na din bahala kay thea." seryosong sabi ni harnie pero may bahid na lungkot ang boses nito.

"oo naman aalagan ko yang si thea." mahinang sabi ni kyla na iiyak na.

"hoyy kyla! sabi mo kanina wag umiyak kasi hndi namn yan patay si thea.." malakas na sabi ni kyla na umiiyak na din napatalikod namn si harnie habang umiiyak din.

"ka-kassi naman hi-hindi lang ako sanay na magkakahiwa-lay tayong li-lima." sagot namn ni kyla kay lien imbes na patahanin sila ay bigla nading nagbagsakan ang mga luha ko, dahan dahan naman silang lumapit sakin at yumakap sakin mas lalo akong napaiyak.

"ma mimiss ka namin thea kayo ni kyla mag ingat kayo hmm?" bulong ni harnie samin napatango namn kami ni kyla dito.

"ipangako nyo din na iingatan nyo si jl hmm?" ganti ko ding bulong sa kanila.

"pangako.." sabay na sabi ni lien at harnie bago kami naghiwalay.

"bago kami aalis sisilipin ko muna si jl, di nalang ako magpapakita." ngiting sabi ko sa kanila nagsitanguan ang mga ito.

"gusto mo samahan ka namin?" ngiting sabi ni lien umiling ako dto senyalis na kaya kung mag isa.

"cge ihahanda ko nalng din ang gagamitin natin para pag alis, nakapagpa alam naman din ako kay jl." mahinang sabi ni kyla napatango nalang ako dto bago sya umalis.

"pupunta na din kami sa bahay ni jl sabay nalang tayo." sabi naman ni lien na nagpipigil sa pag iyak.

"ano ba kayo? wag nga kayong malungkot aalis na ako gusto ko sa pag alis ko mga ngiting mukha nyo ang maalala ko hindi puro lungkot." tumutulo na luhang sabi ko dito kaya tumango sila bago yumakap ulit sakin.

"sana magkaayos kayo ni jl dahil ayaw kung maghiwalay hiwalay tayong lima." bulong ni harnie sakin umalis na ako sa bisig nilang dalawa at ngumiti.

"oo naman promise ko yan sa inyo na magkakaayos kaming dalawa." yan na ang huli kong sinabi bago kami pumunta kina jl sa byahe ay madaming bilin ang dalawa tapos pa ulit ulit pa.

Nandito ako nakatanaw sa malayo habang nakikita si jl na nakikipagusap kay ken kita ko ang lungkot at pagod sa mga mata nya awang awa ako para sa kaibigan ko, alam ko ang hirap at sakit na pinagdaanan nya gusto ko man syang yakapin nguni di ko magawa dahil natatakot ako na baka ipagtulakan nya ako palayo.

"thea are you ready?" nagulat ako nang may nagsalita sa likod kaya agad ko namn itong tiningnan si kyla lang pala.

"now na?" nakangiting sabi ko tumango naman ito sakin habang nakangiti parin.

"okay ka lang? nakausap mo ba si jl?" mahinang tanong ni kyla sakin.

"nope nagusap sila ni ken." pagkasabi ko non ay tumingin ulit ako sa kinaruru-unan nya kita ko ang pagtalikod ni jl bago tumakbo habang umiiyak pa din napaupo namn si ken sa iyak at napasuntok sa puno napapikit nalang ako nang bigla akong hinila ni kyla.

"tara na, baka mahuli tayo sa byahe ngayong 8pm byahe natin may isang oras tayo papunta sa bus station." agad naman akong nagmadali mahirap na kasi ngayong gabi maghanap ng tricycle.

Agad naman kaming nakarating sa bus station napatingin ako sa bus na sasakyan namin at agad akong napahinto sa kaba na parang may masamang mangyayari napailing nalang ako at inalis ang guni guni sa isip ko bago sumunod kay kyla na nakaupo na pla sa loob.

"san pala punta natin?" bungad na sabi nya sakin napatawa namn ako di nya ata binasa ang nakasulat sa labas ng bus.

"aalis tayong leyte." parang nagpabalik balik sa tenga ko ang sinabi ko kaya napaupo naman ako sa kaba.

"hoyy! ayus kalang?" takang tango ni kyla kinalma ko naman ang sarili ko at tumango sa kanya.

Tahimik ang byahe namin walang nagsalita halos tulog na ang lahat pati si kyla ay natulog din sa balikat ko nang biglang may pasaherong pumara.

"para muna iihi lang ako!" sigaw nya nagising namn ang mga tao pati na din si kyla ay nagising pero laking gulat namin sa sinabi ng driver.

"NAWALAN AKO NG PRENO!!!" sigaw nya nagsimula nang mag kagulo ang mga tao si kyla naman ay napakapit sakin sa takot kaya yumakap ako sa kanya at pinakalma.

Gulat akong napatingin sa labas babangga kami sa malaking pader sa abondamadong lugar, kaya agad kong tinakpan si kyla sa sarili ko para hindi sya masyadong masaktan hanggang sa bumangga kami ng tuluyan napa alis ako sa ibabaw ni kyla kita ko ang takot sa mga mata nya habang umiiyak, narinig ko na parang may babagsak na bakal agad akong napatingin sa ibabaw ni kyla na may bakal na malapit ng mahulog, dali dali akong bumangon kahit sobrang sakit ng katawan ko at hilong hilo ako dahil sa malaking sugat na natamo ko sa ulo agad akong lumakad kay kyla at bago ito mahulugan ng bakal ay sinalo ko ito natamaan ako sa ulo na kinatumba ko na nasa ibabaw ko pa din ang bakal kita ko ang paggapang ni kyla habang iling ng iling at umiiyak hanggang sa wala na akong makita.

A/N: hello guyssss inulit ko yung prologue hehhehe have a good day sana magustuhan nyo to at supurtahan salamat! mwaa😘

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND RECOMMEND THIS STORY, THANK YOU MWAA!! :)

MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now