KABANATA 32

17 5 0
                                    

THEA POV.








Nagising ako dahil sa halik na naramdaman sa buong mukha ko, bumungad sa'kin si vince na nakangiti at hinalikan ako bigla sa labi. Sa condo niya na ako nakatira dahil din sa gusto nito, wala akong magawa at pabor din sa'kin para parati kaming magkasama.

"Wala pa nga akong toothbrush." reklamo ko dito kaya napatawa siya at binuhat ako bigla.

"Ibaba mo 'ko!" sigaw ko habang nakahawak sa kanyang leeg.

Binuhat niya ako hanggang makarating kami sa kusina agad niya naman akong pinaupo sa upuan at nilagyan ako ng pagkain.

"Ginawa mo na akong ubod-ubod." nakanguso kong sabi pero agad niya lang pinisil ang aking mukha.

"Ang cute bebe que." nasapak ko siya dahil sa sakit nang pakakakurot niya.

"Aray ko bebe que." nakangusong sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Naging jjmon kana ngayon par ahh." tumawa lang ito syaka sinubuan ako, agad ko namang binuka ang bibig ko pero bigla niyang niliko ang kutsara ang sinubo ito sa kanyang bibig, at sa sobrang inis ko ay tinaasan ko siya ng middle finger.

"Hoyyy! Hala!"  natawa ako sa reaksyon niya habang hawak ang kanyang dib-dib halatang gulat na gulat.

Nang matapos kami sa pagkain ay sabay kaming naligo at hindi lang pagligo ang nagawa namin sa kakulitan ni vince. Lumapit ako dito at inayos ang kanyang necktie, ramdam ko naman ang titig niya sa'king mukha kaya tiningnan ko din siya bago tumingkayad at hinalikan siya.

"Look at me." sabi ko dito kaya yumuko siya kita ko ang mukha ko sa kanyang mata tumingin ako dito syaka inayos ang mukha, taka niya naman akong tiningnan.

"Nananalamin lang sa mata mo, baka mukha na akong ano sa mata mo." natatawa kong sabi kaya bigla siyang pinamulahan sa tenga na mas lalong kinatawa ako.

"From now on sa mata ko na ikaw parating mananalamin hmm?" sabi nito kaya napatango ako bago ito yumakap sa'kin  at kinandong ako.

"I love you Althea Elaine Salvador." napapikit ako sa kanyang boses na ginamit.

"I love you too Vincent Vince Sabando." Bulong ko din rito bago niya ako siilin ng halik.

"Alis na baka 'di ka makapasok ngayon." pagtataboy ko dito kaya ngumuso siya. Hinila ko na ito patayo bago pinalabas.

"Pinapalayas mo na talaga ako." nakangusong sabi nito kaya lumapit ako sa kanya  at pinisil ang ilong.

"Wag kanang mag emote diyan para may kiss ka pag-uwi mo."

"kiss lang?"

"sege kurot din para mas masaya." natawa ito bago ako hinalikan at lumabas na. Agad naman akong sumunod dito bago siya tinawag.

"Vince?!" napalingon ito na may ngisi sa labi.

"miss mo na ako agad?" ngising tanong nito kaya inirapan ko siya.

"Bilhan mo 'ko santol yung maasim na santol." pagsabi ko non ay mas lalo akong natakam sa santol. Habang siya naman ay biglang nasira ang mukha.

"santol lang?" tanong niya.

"Icecream din lang." ngising sabi ko dito.

"yon lang?" kunot noong tanong niya kaya tumango ako.

"Yes lang." gulat naman siya sa sinabi ko kaya agad kong sinara ang pinto ang doon tumawa ng tumawa.

Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito nakita ko ang gc naming magbabarkada nag message pala dito si Jl.

[guys.] -jl

[may chika ka jl?] -Harnie

[Agoii Jl ginawa kang chismosa payag ka non.] -kyla

[lumabas ang sol-sol] natawa naman ako sa chat ni lein.

[Nakapagsalita ang mabait.] reply naman ni kyla kay lein.

[Nag  chat ako beh 'di ako nagsasalita dito.] pamimilosopo pa ni lein kaya ni react ito ni kyla ng 'angry'.

[Anong need mo jl?] sinibag kona ang usapan namin.

[pera beh 1m.] reply naman ni jl sa'kin.

[Blank chat pano gawin yan?] reply ni Harnie dito kaya ni react sad ni jl.

[1m lang? 'di ako nagpapautang ng ganyan sana ginawa mong 2.5m.] natawa naman ako sa reply ko.

[kay ken nalang jl rich naman yon.] suggest pa ni kyla.

[eurt baka nga ibigay pa niya.] reply naman ni lein.

[Gala nalang us.] pangaalis ni jl sa usapan.

[Bgc?] reply ko agad.

[Bad influence talaga 'tong si thea.] reply naman ni kyla.

[Ito bad ohh 🖕🏼🖕🏼🖕🏼🖕🏼] reply ko dito kaya nag 'haha' react sila.

[Gusy buntis ata ako.] chat ko uli sa kanila.

[Gusy😍😍] -lein.

[Guys kasi naknam.] chat ko naman.

[Gusy may sasabihin ako.] -kyla

[@kyla 🖕🏼🖕🏼🖕🏼] -ako

[buntis ka thea? sinong ama?] -jl

[jowa mo beh.] -reply ko dito, natawa nalang ako ng puro  typing silang lahat.

[Si ken?] Nagulat ako sa reply ni jl.

[GAGOO AHHAHAHAHHAA HULI NA SI JL KAYO NA PALA HUHHH HAHHAHAA.] reply ko agad.

[Huli pero 'di kulong HAHAHA] -kyla

[akala ko ba 'ayaw ko na sa kanya' 'nakakahiya ako'.] natawa naman kami sa chat ni Harnie.

[Pakyo niyong lahat.] reply samin ni jl.

Nang makaramdam ko ng gutom ay tinabi ko muna ang phone ko at kumain na ako. Ilang minuto lang ang lumipas pagtapos kong kumain ay bigla akong naduduwal kaya dali-dali akong pumuntang alababo at doon nagsuka.

Napaupo ako sa sahig pagtapos mag duwal dahil sa pagod na naramdaman. Gustuhin ko mang tumayo ay hindi ko magawa dahil sa sakit ng ulo ko at pagkahilo. Nakita kong pumasok si Vince hawak ang isang supot at gulat na gulat ito nang madatnan ako na ganon ang kalagayan. Dali dali siyang lumapit sa'kin at nagaalala akong binuhat marami pa itong sinabi ngunit 'di ko na marinig at tuluyang nawalan ng malay.
























MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now