EPILOGUE

38 5 6
                                    

TRIGGER WARNING



Vince Pov.










Hindi ko talaga alam kung bakit kakaiba ang panaginip ko. Isang babaeng umiiyak, nagmamakaawa at parating sinasaktan. Isang babaeng inabuso, ginahasa at namatayan ng anak. Isang babaeng hindi napagtanggol ng kanyang sariling magulang at kanyang nobyo. Pero ang pinakakagulat ay nakita ko ang sarili ko sa panaginip na 'yon bilang nobyo ng babae. Hindi ko alam kung panaginip lang ba 'yon, gustuhin ko mang malaman ay hindi ko kaya at alam kong hindi ko magagawa. Sa panaginip ko, mukha ko lang ang aking makikita at nakikita. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makita ang mukha ng babae. Pero mas hindi ko alam na kung bakit naaalala at maaalala ko ang nangyari doon ay nasasaktan ako, bigla nalang kumikirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

Nakatulog ako sa kakaisip at muli kong napanaginipan ang babaeng 'yon.

Nakahiga ito sa maliit na kama habang may puting kumot na nakatakip sa katawan. Nang matanggal ko na ang takip na nakabalot doon ay nakita ko siya, nakita ko ang babaeng mahal ko, ang babaeng para sa'kin ay isang bayani. Hinawakan ko ang kanyang mukha habang tumutulo ang aking luha, namumutla ito.

"Patawad the-"

Bigla nalang akong napabangon nang may sumampal sa'kin. Kaharap ko ang mama mo na nag-aalalang tumingin sa'kin nang may naramdaman akong kakaiba sa mata ko hinawakan ko ito. Umiiyak pala ako nang dahil sa'king panaginip, panaginip kung saan ang babaeng 'yon ay namatay. Napahawak nalang ako sa'king puso nang bigla itong kumirot.

"Ayos ka lang ba anak?" tanong ni mama kaya napabuntong hininga ako.

"Kakaiba kasi ang napapanaginipan ko ma.."mahinang sabi ko kaya umupo ito sa'king tabi.

"Wanna tell me about your dream?" sabi nito kaya tumango ako at ngumiti.

"Parati kong napapanaginipan ang babaeng 'yon ma. Para itong kwento sa buhay niya dahil nagkakasunod sunod ang pangyayari." Napahinga ako ng malalim at bigla nalang kinabahan kaya tumayo ako.

"Sa susunod ko nalang aking i kwekwento 'yon ma. Aalis lang ako" sabi ko kaya tumango lang siya sa'kin.

Napadpad ako sa lugar kung saan nakakaramdam ako nang saya. Umupo ako sa damuhan at syaka tiningnan ang.magandang tanawin. Habang dinadama ang malamig at preskong hangin ay may biglang lumapit sa likuran ko syaka ako kiniliti.

"Patricia ano ba! HAHAHHA wag mo akong kilitiin hoyy HAHAHHA." Tawa ako ng tawa habang pinatitigil siya kaya hinawakan ko ang kanyang bewang at inalis 'yon.

Sa kabila nang aming kakulitan ay may narinig akong umiiyak. Ang iyak na 'yon ay mensan  konang narinig sa'king panaginip kaya lumingon ako sa paligid at nakita ko ang babaeng umiiyak habang nakatitig sa'kin. Nagtataka man ako pero agad ko itong nilapitan, hindi ko alam pero nasaktan ako nang makita ang luhang bumabagsak sa kanyang mata.

"Ayos ka lang ba ms.?" Nagaalala pero nagtatakang tanong ko rito.

"Vince.." Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko, ang boses na 'yon. Ang boses na 'yon ay mensan konang narinig.

"Hala ms! pa'no mo nalaman ang pangalan ko?" takot at gulat kong tanong rito.

"Baka narinig niya kanina baka nasabi ko?" patanong na sabi ni Patricia pero hindi ko 'yon pinansin dahil para akong maiiyak dahil luha na aking nakikita sa mata nang babaeng ito.

"Vince..." ulit niya sa'king pangalan.

"wag kang umiyak plsss. nalulungkot ako pag may nakikitang luha ang iyong mata." hindi ko alam kung bakit ko 'yon nasabi pero nong makita ko siyang ngumiti ay parang nabuo ang araw ko naging kompleto ito bigla.

MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now