KABANATA 12

58 6 0
                                    

PAGLISAN

Lumipas ang buwan na kasama ko si vince, sobrang saya ko, namin hanggang sa dumating si kyla na sobrang kinasaya ko.

"kyla! buti dumalaw ka rito." masayang sabi ko pero imbes na batiin ako pabalik ay lumuhod siya at biglang umiyak.

"Thea... ang pamilya ko thea.. ha-hawak nila ang pamilya ko thea, hindi kona alam ang gagawin ko maawa ka tulungan mo ako..." umiiyak niyang sabi habang nakaluhod sa aking harapan nagmamakaawa.

"I beg thea, I'm sorry pero pamilya ng mapapangasawa mo ang may hawak sa kanila.. ayaw kong mawalan hindi ko kaya..." dagdag niyang sabi, hindi ko napigilan ang aking sarili kundi umiyak habang nakatakip ang aking kamay saking bibig.

"Patawad, pangako gagawin ko ang lahat maibalik lang ang pamilya mo patawad kyla." umupo ako at hinawakan ang kamay niya syaka ako yumakap dito habang umiiyak padin.

"shh tahan na, aalis tayo, aalis tayo ngayon hmm? kukunin natin sila kyla pangako yan.." yumakap siya sakin pabalik at patuloy parin sa pagiyak.

"Patawad.. gusto kong sumaya ka pero ayaw kong mawalan thea..."

"Naiintindihan kita kyla, aalis tayo ngayon." seryosong sabi ko, hindi ko kayang may madamay na iba dahil sa pagiging makasarili ko.

"Paano siya thea?" hindi siya nagsabi ng pangalan pero kilala ko, kilala ko kung sino ang ibig niyang sabihin.

"Ayos lang ko magiging ayos ako pangako." pilit akong ngumiti sa kanya.

"si vince..." hindu yun tanong pero parang naghahanap siya ng sagot.

"hindi niya pwedeng malaman, pipigilan niya lamang ako mas maging mahirap ang pagalis ko." instead yan ang sinabi ko.

Hindi siya nagsalita pagkatapos non kaya dali dali akong nagimpaki aalis kami bago lumubog ang araw dahil sa paglubog ng araw ay sigurado akong nakauwi na sila galing sa sakahan. Ngumiti ako ng mapait ayaw kong iwanan siya pero ayaw kong may mawala, may mamamatay ng dahil sa akin.

Pagtapos ko sa ginawa ko ay lumabas na ako pinipigilan ang mga luhang nais kumawala saking kayumangging mata. Agad kong nakita si kyla sinalubong niya ako ng malungkot na ngiti at pagod na mga mata.

"Tara na.." mahina kong wika dito.

Nauna akong umalis agad naman siyang sumunod, tahimik lamang kami habang naglalakad walang umimik samin, walang maski isang salita ang lumabas saming bibig.

Nasa kalisa na kami nong gumabi agad namang nakatulog si kyla saking tabi habang ako ay tahimik na umiiyak. I silently cry thinking kung ano ang kanyang ginagawa ngayon, kung hinahanap niya ba ako, kung ayos lang ba ang kalagayan niya. Agad kong pinunasan ang mga luhang kumawala saking mga mata nang biglang gumalawa at umungol si kyla.

Nakatulog ako habang umiiyak. Nagising ako ng maramdaman ang biglaang paghinto ng kalesang aming sinasakyan, pero laking gulat ko sa aking nakita ang lugar na noon ay aking iniwan ay sobrang gulo makikita ang mga sundalo na nakakalat kahit saan.

"Ano- anong nangyari sa lugar na noon ay tahimik? bakit ganito? bakit sobrang daming sundalo ang nakakalat?" takang tanong ko kay kyla.

"Dahil sa pagkawala mo.." apat na salita lamang yon pero parang piniga ang aking puso sa nakikitang pagbabago ng dahil sa akin.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? bakit hindi mo ako agad pinuntahan?" makahulugang sabi ko.

"Magsuot ka ng balabal hindi nila pwedeng makita na narito kana, pupuntahan mona natin ang magulang mo.." hindi niya ako sinagot at yon lang ang sinabi niya. tumango nalamang ako kahit naghahanap ng kasagutan saking tanong.

Pagkadating ko don nagulat ang mga sundalo at agad akong inalalayan papasok ng bahay, nakita ko ang aking ama at ina agad silang tumayo pero sampal ang naabot ko kay ama.

"Napakarumi mong babae! sumama ka sa lalaking hindi mo kasintahan!" sigaw niya at sa pangalawang pagkakataon sinampal niya ako pero wala akong maramdamang sakit dahil mas masakit pa ang sinabi niyang madumi ako.

"Wala ka talagang kwenta kahit kailan! pabigat kana nga hindi ka pa sumusunod sa akin!" hindi kona napigilan ang pagtulo ng aking mga luha, sinubukan ni kyla na lumapit pero agad akong umiling.

"Stop plss stop." nakayuko kong sabi.

"Stop? I will only stop if you'll marry a Diosdado!!" galit niyang sigaw sakin kaya napatakip ako saking tenga.

"I will. I will marry him but don't you dare to say that this is for my own good beacause it. is. will. never. be." napamaang siya sakin at akmang sasampalin ulit ako nang may pumasok na sundalo at may binulong dito.

"Be ready, diosdado family is on our way." agad niyang sabi syaka ako tinalikuran.

Bumuntong hininga ako syaka mabilis na umakyat saking silid upang maghanda pero hindi pa ako nakarating ay bigla akong naduwal kaya mabilis akong pumuntang banyo at doon nagsuka. Sobrang takot ko dahil baka ako'y buntis baka mapano siya hindi ko kaya.

Inayos ko agad ang aking sarili at mabilis nka bumaba pagkadating ko don ay nadoon na ang pamilyang diosdado na nanghuhusgang nakatingin sakin nandidiri ang mga mata na parang sobrang linis at walang kababuyang ginawa sakin.

"You're here." makahulugang sabi ni senyorito diosdado ang may kagagawan ng lahat, kung bakit ako nandito ang taong walang ginawa kundi pahirapan ang buhay ko.

"Ayaw ko nang magpaligoy ligoy pa, magpapakasal kayo bukas ng umaga." gulat ko silang tiningnan.

"Bakit ang bilis naman ata?" at nagsalita ang magaling kong ina.

"Mabuti, bukas na bukas ikakasal sila!" sabi ng aking ama upang hindi mapansin ng mga diosdado ang tanong ng aking ina.

Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila at hinawakan ang aking tiyan dahil sa araw na ito alam kong nagdadalang tao ako sa anak namin ni vince ang lalaking tunay kong minahal.

Natapos ang usapan nila na tahimik lamang ako. Mabilis akong umakyat at saking silid at doon umiyak ng umiyak, gusto ko ulit siyang makita, mahagkan at mayakap. Nais kong mawala sa mundo ngunit hindi pwede dahil may madadamay ako ang aking anak. Gusto kong sabihin sa kanila na buntis ako baka sakaling makinig sila at hindi ako ipakasal pero natatakot ako na baka ipapatay nila ang aking anak. Nakatulog ako habang nagiisip at umiiyak kasabay ang bangungot na nais kong mawala at makalimutan ngunit biglang nagparamdam.


﹉_﹉_﹉

GOOD DAY! DON'T FORGET TO VOTE AND RECOMMEND THIS STORY! THANK YOU!!

MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now