KABANATA 31

26 5 0
                                    

THEA POV.











Ilang araw ang lumipas simula ang nangyari pero hindi ko parin nakita si vince, I wonder na baka nag-away sila ng asawa niya mas lalo akong kinabahan sa naisip. Nakakatakot ang pwedeng mangyari pero kahit kailan hindi ako nagsisi sa nangyari sa'min. I know I'm a sinful person, I'll never deny that But regretting isn't my vocabulary kung tapos na, tapos na hindi ko pagsisisihan 'yon lalo na kapag ginusto ko din.

Habang naghahanap nang pwede kong ipasalubong pag-uwi ko sa probinsya ay nakita ko ang batang kasama ni vince he's with his mom. I sighed confirm may asawa siya. Parang gusto kong umiyak sa nangyari at sa'king nakita.

Mabilis lang din at agad na akong lumabas sa mall. Nang nasa parking lot ako ay may humili sa'kin at pinasok ako sa kotse.

"Gagoo kidnapper!" napasigaw ako pero agad niyang tinakpan ang aking bibig kaya napapikit nalang ako sa kaba.

"Hey." napamulat ako at tiningnan ang lalaking pamilyar ang boses, tumitig ako rito at syaka umiyak.

"Gago ka!" Hindi ko alam kung ano ang iniiyakan ko pero kita ko ang kaba sa mukha niya.

"Hey stop crying. I'm sorry if I hurt you plss don't cry I don't want to see you crying." sa sinabi niyang 'yon ay mas lalo akong naiyak kaya napamura ito ng mahina.

"Baby......shhh tahan na..  nasasaktan ako 'pag nakikita kang umiiyak." mahinahong sabi nito habang nag-aalala ang kanyang mga mata.

"Vince...." pinunasan ko ang luha ko at akmang aalis nang pinigilan niya ako.

"No! here me out baby.. I want to talk to you." napatingin ako dito habang pinigilang umiiyak.

"May asawa kana..  ayaw ko nang gulo Please..." mahinang sabi ko habang pinigilang tumulo ang luha ko.

"Wala akong asawa okay? at mas lalong wala akong anak." Nagulat ako sa kanyang sinabi, may naramdaman akong saya.

"Per-"

"He's not my son, he's my cousin son."

"okay at least I feel relieve na hindi ako nakasira o makakasira ng relasyon, Thankyou for telling me this." Nakangiting sabi ko dito.

"I want to talk.. about our past." sa pagsabi niya non ay bigla akong kinabahan.

"Hindi ako nag cheat sayo..." panimula ko, tumitig ito sa'kin naghihintay kung ano ang susunod kong sasabihin.

"That night nalasing ako yes, ibinigay ko kay lein ang phone dahil mag ccr ako pero pagbalik ko wala na sila.. I tried to find them pero dahil sa kaantokan pumasok ako sa loob ng kwarto. That room is empty walang tao kaya humiga ako sa kama but.." napatigil at syaka napapikit.

"Pero oras ba ang lumipas non may naramdaman akong tumabi sa 'kin winalang bahala ko lang 'yon at muling natulog hanggang sa paggising ko ay nakita akong lalaki sa tabi ko. Sobrang kaba ko that time pero alam kong walang nangyari sa'min dahil mahal kita vince mahal na mahal kita no'n." Tumulo ang luha ko sa sinabi ko.

"pero- pero 'di ko inakala na hindi ka makikinig.. alam kong nasaktan kaa pero grabe ang sakit na binigay mo sa'kin. Sa mga salitang tinapon mo na parang hindi ako naging parti sa'yo.. sobrang sakit vinceee.. Ang taong ginawa akong pahinga ay biglang napagod sa'kin pinandirihan ako.." Mas lalong nagsitulo ang aking luha.

"Ang sakit kasi, na parang wala kang tiwala sa'kin.. na inakala mong magagawa ko 'yon ganon ba ako sa paningin mo? isang manloloko?" Natahimik ako bigla nang biglang tumulo ang luha niya.

"I'm sorry at alam kong wala na akong magagawa.. but thea I love you ikaw parin ang pahinga ko kahit sinabi ko 'yon, nagalit ako theaa... dahil inakala ko na ikaw ang narinig ko.. pero mali pala,, I'm sorry dahil hindi kita pinakinggan.. nagsisi.. nagsisi ako theaa trust meee.." umiiyak nitong sabi sa'kin.

"Hindi mo alam dahil hindi ka nakinig.. naghirap ako vince pero at least alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama na wala akong naloko at niloko." sabi ko rito pero puro 'sorry' lang ang naririnig ko sa kanya.

"Thankyou. pero gusto ko nang mag move on sa nakaraan ko I'm tired looking at the past at alam kong ito ang ikakabuti mo, ikakabuti natin. Hindi ko sinabi na kalimutan natin ang nakaraan, gusto ko lang ipahiwatig is hindi tayo makakaahon at magiging masaya kapag patuloy tayong magpapakulong sa nakaraan." Gumaan ang loob ko pagkasabi ko non and I believe na tama lang ang ginawa namin mag-usap at nag-usap about saming past.

"Thankyou. Napatawad mo na ako?" he asked confusedly ang cute niya habang namumula ang kanyang mga mata.

"Yes, you're already forgiven." nakangiting sabi ko

"I want to start my love life with you. I want to court you because I'm still inlove with you." natawa ako sa kanyang sinabi and yea sobrang saya ko.

"Ang bilis mo naman pare." natawa ito sa'king sinabi.

Nagmaneho lamang siya nang nakangiti kaya hindi ko mapigilang mahawa sa kanya.

"Para kang tanga." pinigilan ko ang aking ngiti syaka inirapan ito kaya natawa lamang siya.

"Ang saya ko. Tayo na ulit."

"Anong tayo? hoyy manligaw ka muna!!"

"Yes Ofcourse manliligaw ako sayo araw-araw kahit tayo na ay patuloy parin kitang liligawan, aalagaan at di ka pababayaan." sinapak ko ito nang bigla niyang kinanta ang huli.

"Kala mo naman maganda boses." inis kong sabi dito kaya napatawa siya at biglang kumanta.

"Sigurado na ako~" tumingin ito sa'kin.

"na ikaw lang ang gustong makasama habang buhay~" napatingin ako dito at pinigilang ngumiti.

"Wag matakot ito'y tunay~"

"Hoyy ano ba!? kinikilig akooo!" natawa siya sa reaksyon ko pero pinatuloy parin ang pagkanta.

"Sana'y maibigan mo~"

"Ofcourse maiibigan ko ikaw na 'yan ihhhh." namula ang tenga niya sa sinabi ko pero hndi nagpatinag.

"Itong kantang nasulat ko~"

"Dala mong saya ay tunay~" napanguso ako dito at pinipigilang ngumiti.

"salamat sa hatid mong kulay~" mali pala ang akala kong pangit ang boses niya ang ganda pala.

"You're welcome lalabs ehe." pagsabi ko non ay natawa siya.

"ohhh mahal kita handa kong isigaw sa mundo~"

"na mahal kita langga~" napatakip ako sa'king mukha dahil ramdam ko ang pamumula nito.

"ohhh ikaw~ lang talaga~"

"Dapat lang." umiling ito na nakangiti.

"Handa kong patunayan sa iiyo~"

Natapos niya ang kanta na nakangiti hanggang matapos ang araw na ito na sobrang saya ko at higit sa lahat ay ayos na kami, hindi ko pa nasasabi na mahal ko siya pero sana ramdam niya 'yon habang magkasama kami kanina. I love him and still loving him until this world disappear


















3 or 4 Chapters to goooooo bago mag epilogue!!

MY GHODDDDD KUNTI NALANG MATATAPOS NA BYE2 NA TALAGA SA'KING MGA LALABSSSSSS NA SI VINCE AT THEAAA.

MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now