KABANATA 7

51 11 0
                                    

PAGLISAN

Saking pagligo sa ilog ay kay ganda, ang lamig  na tubig na dumadaloy saking katawan ay binibigyan ako ng mapayapa at parang inaalis ang madumi saking katawan na kahit kailan hindi na matatangal, hanggang sa may naramdaman akong nakamasid saking mga ginagawa kaya kinalabutan ako at napayakap saking katawan.

"Sino ang nariyan?" buong lakas kong sabi sa paligid.

"Maawa ka kung sino kaman lumabas kana!" nagulat ako nang may lumabas pero mas nagulat ako kung sino ito.

"A-ano ang iyong ginagawa?" tanong ko dito.

"Masama bang tingnan ang aking mapapangasawa habang naliligo?" nagulat ako sa kanyang tinuran.

"Mali ang inyong ginawa dahil ikaw ay isang lalaki." kinakabahan ngunit hindi ko pinahalata na sabi ko dito.

"Nais lamang kitang makausap ngunit payapa kang naliligo kanina dyan sa batis kaya hindi muna ako lumabas at paumanhin saking ginawa." paliwanag pa niya sa akin.

"Ano ang iyong nais sabihin? upang ikaw ay maka alis na at pumunta sayong KAIBIGAN NA MAPAPANGASAWA." diin kong sabi kay vince, oo siya yung sumilip sakin habang ako'y naliligo.

"Nais ko lang linawin lahat sayo, hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi Althea Elaine ang ngalan at nais kong wag ka ding magpakasal sa ibang lalaki." nagulat ako sa kanyang sinabi pero ngumiti lamang ako ng mapait.

"Wala kanang magagawa don dahil pumayag na ako Para sa kapakanan nyo." hinina ko pa ang huli kong sinabi upang hindi nya marining.

"Kung iniisip mo nanaman ang iba kaysa sa sarili ko may nais akong hilingin." tumango nalamang ako upang ipagpapatuloy niya ang kanyang hiling sakin.

"Pwede bang isipin mo muna ang sarili mo bago ang iba? Pwede bang tayo naman bago sila?" ramdam ko ang sakit sa kanyang tinig habang sinasabi ang katagang yun.

"Hindi maaari ang iyong sinabi, sapagka't marami ang masasaktan pag yan ang ating ginawa."

"Pano naman ikaw? Hindi kaba nasasaktan sa kanilang ginagawa? Pano naman tayo? Hindi ba tayo pwedeng sumaya?" mahina niyang sabi ngunit dinig na dinig ko.

"ngunit papano? papano tayo sasaya?" hindi ko maintindihan, wala akong maiintindihan.

"Sasaya tayo pag magkasama, sasaya tayo kahit tayo lang dalawa." alam ko, pero natatakot ako sa pwedeng kapalit.

"Pero-" di niya na ako pinatapos sa pagsasalita ng bigla niya akong hilain at yakapin.

"Kahit isipin naman natin ang atin? thea hmm?" napatango ako sa kanya at ginantihan ito ng yakap.

Mahal ko siya simula paman sana ganito kami parati, sana sa susunod wala ng hadlang."Mahal kita thea at lahat ng aking pangako ay aking gagawin." nagulat ako sa kanyang sinabi at napaluha.

"Mahal mo ako? talga?"

"Oo mahal kita, ako mahal mo din ba?" napangiti ako sa tanong nya at napatango.

"Oo mahal kita vin-vin at hindi yun magbabago lumipas man ang panahon." Napangiti ito saking sinabi at syaka yumakap ulit sa akin.

"Pag sasabihin ko bang aalis ako sasama ka?" nabigla ako sa kanyang tanong.

"Ngunit paano si ama't, ina?"

"Diba sabi ko atin muna ngayon?" napatango ako at ngumiti.

"Kung gayon bukas bago sumikat ang araw ay magkikita tayong dalawa don sa ating tagpuan maliwanag ba thea?" nagulat ako dahil kay bilis ng mga pangyayari.

"Oo at saan naman tayo pupunta?"

"Ako na ang bahala don humingi na ako ng tulog sa iyong isang kaibigan na si kyla at pumayag ito." hindi ko inakala na pumayag agad si kyla alam kong inisip niya lamang ang aking kaligtasan ngunit nakakapagtaka at wala syang pagalinlangan na pumayag.

"Kung gayon ako'y aalis na upang ihanda ang aking sarili at makausap na din si kyla."

"Mas mabuti nga mag ingat ka mahal ko." napatigil ako hindi parin ako makapaniwala sana ay hindi kami mabigo.

Umalis na ako ng tuluyan don at umuwi na may ngiti sa labi pero agad kong inalis at baka sila'y makahalata, dapat ako'y mag ingat sa aking kilos ngayon. Agad akong umakyat saking silid at nagulat ako pag bukas nakaligpit na ang aking mga gamit.

"Alam kong pumayag ka, kaya niligpit ko na." nakabihis na ako kaya umupo ako sa kanyang tabi.

"Maraming salamat sayo kyla pagka alis ko nais kong umalis ka din upang sa iyong kaligtasan." alam kong siya ang sisisihin ni ama at natatakot akong madamay siya saking mga ginagawa, ayaw kong may mangyaring masama sa kanya.

"Wag kang mag alala sakin, hindi nila ako pwedeng saktan kilala ang pamilya ko na mas makapangyarihan pa sa pamilayang Diosdado kaya wag kang mag alala." ngumiti ako dito, alam ko yun pero natatakot parin ako walang awa ang Diosdado walang kinakatakutan mayaman man ito sa kanila dahil gumagamit sila ng dahas.

"Ngunit-" hindi niya ako pinatapos at yumakap sakin.

"Shshshshhs aalis ako pero isipin mo muna ang sarili mo ngayon hmm? pagkakataon mo na upang tumakas sa mapait na nakaraan." wala na akong magagawa hindi  ko siya kayang pigilan kaya ngumiti nalamang ako at nagdasal ng taimtim para sa aming kaligtasan.

"Matulog kana maaga kapang gigising bukas." napatango ako at syaka humiga saking higaan.

Naramdaman ko na may gumising sa akin kaya dinilat ko ang aking mga mata, syaka ko nakita si kyla na nakangiti sakin.

"Handa kana ba?" hindi ako makasagot dahil sa kaba, kaya tumango nalamang ko.

"Bumangon kana diyan upang ika'y maka alis na." Dali dali akong bumangon.

"Kung gayon magkakahiwalay na tayo? pero wag kang mag alala hahanapin kita at dapat andon ako sa araw ng kasal niyong dalawa." Tumulo ang aking luha ayaw ko syang iwanan pero kailangan, iisipin ko muna ang aking sarili ngayon.

"Ayos lang ako kyla ingatan mo sarili mo hmm?" tumango sya at umalis sumunod ako sa kanya.

Dahan dahan ang hakbang na aming ginawa upang hindi maka gawa ng kahit anong ingay. Nakalabas kami ng maayos kaya dali dali akong naglakad papunta sa aming tagpuan, sabay kaming naglakad ni kyla dali dali upang walang makaalam kahit natatakot ako wala natong atrasan.

Pagkadating namin don ay nakita ko na si vince, nagtagpo ang aming mga mata agad siyang lumapit sa akin at yumakap.

"Salamat at nakarating kayo ng maayos." gumanti ako ng yakap dito hanggang nagsalita na si kyla.

"Bilisan nyo na parang naka tunog sila na aalis kayo, kaya bilis na alis na!!" hinagis niya ang aking mga gamit, may nakita akong ilaw palapit sa amin.

"Pano ka kyla? baka mahuli ka nila, sumama ka nalang kaya?" kinakabahan kong tanong.

"Hindi maaari, Kaya umalis na kayo at baka tayong tatlo ang mahuli dito." Ramdam ko din ang kaba sa kanyang tining kaya yumakap ako dito bago tuluyang naglakad palayo sa kanya, ngumiti pa siya sakin at kumaway.

MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now